Nagpunta ako sa itinext nyang location. Pagkapasok ko pa lang agad kong narinig ang boses nya.
"Mina!!" Tawag sa akin ni Bora pagkapasok ko ng restaurant. Kumakaway pa ito na parang bata.
Tipid akong ngumiti sa kanya at tumulak na palapit. Haist. Parang kahapon lang kaming huling nagkita. Ganon siguro kapag totoong kaibigan mo ang isang tao kahit gaano pa kayo katagal hindi magkita, basta pag nagkita ulit kayo e parang walang nagbago. Araw, buwan o taon man ang lumipas.
"Kaka-off mo lang sa work?" She asked.
"Oo. Umorder kana?" I placed my bag on the side of the table. Kinuha ko ang menu at marahan na binuklat. The pasta food was a bit pricey.
"Hindi pa. Inantay kita e."
"Order muna tayo."
Nag order muna nga kami, pareho kami ng hilig ni Bora, anything with pasta. Kaya naman napagdesisyonan namin na pareho ang kainin. Just like the old days.
"Okay kapa ba Mina?" She suddenly asked.
Napahinto ako sa pagkain. Here we go again. Sasabonin na naman nya ko. Si Bora lang yung tao sa buhay ko na lagi ako pinagsasabihan kahit na ngayon na may asawa na ako ay ganon pa rin sya. Nung mga high school pa naman. Para bang hindi nya ako maiwanan kay Gino. Alam ko naman na backer ko sya pero may sarili rin syang buhay at ayukong makaabala pa sa kanya.
Lalo na alam kong stress sya sa dating trabaho. Pero mabuti na lang mukha na syang okay ngayon. Nung on duty pa kasi sya e para na syang eyebag na may konting tao. Grabeng busy sya sa hospital nun. Halos hindi na sya makauwi. Hindi na rin kami nagkakausap.
"What do you mean?" Maang-maangan kong tanong.
"Wag ka ngang panggap! You know what I'm talking about."
"Asawa ko na naman ba? We're good don't worry." Kaswal kong sambit pero alam kong hindi iyon swak sa kanya.
"Don't worry.." She mimicked my words. Miski ang hitsura ko ginaya nya. Napairap naman ako. "Don't worry that means as usual. Pwede mo namang sabihin na, 'ito walang bago hindi pa rin ako mahal ng asawa ko' mas okay diba?" She said harshly.
Yan, ganyan yan sya!!
"Shut up! That's rude Bora!!" Nagpantay ang kilay ko.
"Rude your ass! That's why I'm your bestfriend!! To make you see the reality! Ever since were high school ito na ang papel ko sa buhay mo! Ang sabihan ka na hindi ka nya mahal at hindi ka nya kailan man mamahalin! Kailan ka kaya makakalaya sa mundo ni Gino?"
Tinakpan ko ang tainga ko pero rinig ko pa rin. "Bora please kaya ayuko makipag kita sayo e... Asawa kona sya. Wala ka ng magagawa ron."
"Don't make me feel bad Mina, fine! Alam ko naman ending nitong argument natin e! Bandang huli ako pa rin magsosorry for not supporting you!" Bora
"Basta hayaan mo na lang ako sa desisyon ko sa buhay. I'm not a kid."
Ilang sandali kami natahimik. Tinuloy na lang namin ang pagkain hanggang sa matapos. Umorder kami ng dessert pagtapos.
"By the way, na invite kaba?"
"Saan?" Tanong ko.
"Sa high school batch reunion natin ngayon?"
Napaisip ako saglit sa mga nag email sa akin. "Hindi e.." sagot ko nang walang invite na natanggap. Wala na rin naman kasi akong contact sa mga schoolmates ko.
"Eh? Attend tayo!"
"Ayuko."
"Dalian mo na! Hindi kaba curious kung ano na buhay ng mga classmates natin dati? Kung nag glow up ba sila!" Pangungumbinsi ni Bora.
"Ayuko nga!" Sumubo ako sa ice cream ko.
"Kahit pa umaattend asawa mo dika sasama?" She said, using her trump card. She knows na papayag ako basta patungkol sa asawa ko.
"Pupunta sya?"
"I'm not sure pero sure ako na ni-reach out nila yan si Gino, valedictorian natin yan e."
I remember na Class F ang section namin non samantalang sila Gino ay Class A, matatalino ang mga nasa section nila kasama na si Stacy. Graduate si Gino nung high school ng valedictorian with high honors. Sobrang proud ako sa kanya that time.
"Ano hindi kapa rin aattend?" Nakangiti ito.
Masama ko syang tinignan. Ang babaeng to talaga! Busy na nga ko sa flower shop ko e. But if pupunta si Gino I'll make a time for that.
"Kailan ba yan?" Tanong ko.
Napatili ang gaga "Yieee!! Sa sunday na! Excited nako! How long has it been? 15 years? Tagal na rin!"
I guess fifteen years na nga. 31 na ko ngayon e. Si Bora naman 30.
"Aattend kaya si Ysmael? What do you think? Sobrang gwapo na nya siguro ngayon! Hot na sya since high school pa lang e. What more now!! Sheeesh!! I cannot wait!"
YOU ARE READING
Love You Still
RomanceHe hated this girl very much ever since. She doesn't know when to give up. She's good to act like nothing happened. He loathed her. She makes his blood boiled. He didn't want to cook for him. He hated everything about her. He used to ignore her gest...