"Tignan mo yung lalaking 'yon! May galit pa rin talaga sya sa akin!" Sabi ni Bora habang naglalakad kami palapit sa mesa.
Nang makaupo ay inulan kami ng mga katanungan. Mabuti naman nakumbinsi namin yung mga kaklase namin na wala lang yun.
"Wow Mina! Sobrang ganda mo pa rin! Para kang artista!" Puri ng lalaki naming classmate.
"Ako? Sobrang ganda ko rin 'no?" Si Bora.
"Mukha kang manager ni Mina." Biro ng classmate namin.
"Abat! Namiss mo ba ang kotong ko ha!" Bora.
"Wala pa rin pinagbago sa ugali mo Bora.. katulad kapa rin ng dati." Wika ng babaeng classmate namin.
"Pero after all kayo pa rin pala ni Gino, ang end game! Love wins nga!"
"Kaya nga! Nuon dedma talaga si Gino sa kanya! Ilang beses pa nga si Mina na-reject! Pero ngayon asawa na nya! Ang saya mo siguro."
Sunod-sunod ang banat sa amin mag asawa ng mga babaeng classmate ko.
Nakita kong napairap sa ere si Bora. Kung alam lang nila ang sitwasyon ko baka kaawaan lang nila ko.
"Ahh.. hindi naman. Ang importante naman mahal mo ang asawa mo diba?" Ako na iniiwasan magsinungaling.
"Nako Mina! Saksi ang buong batch sa wagas mong pagibig kay Gino!" Sabi ng babaeng classmate namin.
Nagpatuloy ang inuman at pagbabalik tanaw sa high school life namin. Napapasulyap ako sa mesa nila Gino at mukhang nagkakatuwaan rin sila. Nakikita ko rin ang mga ngiti ni Gino.
"Ysmael??" Si Bora na nakakita ng gwapo. "Ohmygood!! Ang gwapo mo!"
Hindi ko napansin ang pagdating nya dahil abala ako sa pagtingin sa mesa nila Gino.
Naalala ko nuon, si Ysmael ang escort sa room at ako naman ang muse.
Naka navy blue suit ito na talaga namang ang lakas ng dating. Miski ang mga boys napapatulala kay Ysmael dahil sa tindig nito.
Napatingin sa akin si Ysmael at matamis itong ngumiti. "Hi Mina, kumusta?" Sabi nito sabay upo sa tapat ko.
"Okay lang? Ikaw? May girlfriend kana?" Bungad kong tanong.
"Wala nga e. May rereto ka?" Biro nito.
"Ehem! Avail ako!" Si Bora na humawak pa sa dibdib at kunwari umubo.
Ako nahihiya para sa kanya.
"Bora konting hiya naman.. nagiging shameless at faceless ka na naman." Biro ng classmate namin.
Nagtawanan ang mga nasa mesa namin. Napunta ang atensyon kay Ysmael, kaya naman tutok ang lahat sa kanya. Ngayon na lang kasi talaga namin sya nakasama.
Kahit nga nung kasal ko ay hindi yan sya nagpunta. Napakabusy siguro nyang tao.
"I heard you are a Doctor?" Bora asked.
"Yes."
"Gamutin mo kiffy ko! Ems!"
Napasampal ako sa noo dahil sa sinabi ni Bora, naka ilang shots naba sya at ang lakas na nang trip nya? Mabuti na lang at natatawa sa kanya si Ysmael.
Muli na namang nagtawanan. Nagpatuloy ang kwentuhan. Nagsi-angat din kami ng mga kanya-kanyang baso para magcheers!
"Cheers!!"
Napatungga na lang ako sa baso ko. Mas maigi na ilibang ko na lang ang sarili ko sa mga classmate ko.
Nagsunod-sunod ang mga tagay. Hindi ko alam kung naka ilang baso nako ng beer pero natitiyak ko na naparami na ang inom ko. Sinisinok na ako at kapag ganito na ako alam ko ng lasing na ako.
Sign na 'to e.
YOU ARE READING
Love You Still
RomanceHe hated this girl very much ever since. She doesn't know when to give up. She's good to act like nothing happened. He loathed her. She makes his blood boiled. He didn't want to cook for him. He hated everything about her. He used to ignore her gest...