/06/

8 0 0
                                    

"Happy birthday to you.." sabay naming kanta ni Mommy na may hawak na baked cake.

"Make a wish!" Aniya

Saglit na pumikit si Dad then he blow the candle. After that tumulak na kami sa dining room. Maraming nilalapag na iba't ibang putahe ang mga maids.

"Where's Gino?" Mommy asked.

"Nasa business trip po ." nahihiya kong sabi. Napatingin ako kay Daddy na nakatingin rin sa akin.

"Palagi na lang ba syang ganyan?" Daddy asked in serious tone.

Napahigpit ang hawak ko sa tinidor. "Busy talaga sya Dad, ni minsan na nga lang kami magkita. But he always make sure to make time for me so don't worry." I lied.

I can't let them know my situation. Mas lalo lamang lalala ang sitwasyon naming mag asawa kung malalaman nila ang tunay na relasyon namin dalawa.

"You sure alright baby?" Mommy sweetly asked. Nag-aalala ang mga mata nya.

I'm the princess in this house. But I end up being the unwanted wife. Noong bata pa lang ako ay nakukuha kona lahat ng gusto ko.

Madalas ako nagpapabili ng pulang rosas nuon at iyon ang ibinibigay ko palagi kay Gino sa locker nya kasama ng handwriting love letter ko.

Kaso maka ilang beses na naming nasaksihan ni Bora na tinatapon lang ni Gino ang lahat ng binibigay ko. Never nyang binasa ang letter ko kaya paulit-ulit lang ang sinusulat ko. Kabisado ko pa nga e hanggang ngayon.

"Yes Mom don't worry! Gino really loves me." I lied again.

Naalala ko tuloy yung mga araw na ni-reject ako ni Gino, maka ilang beses na nya akong tinapat at sinabing hindi nya ako gusto.

Pinapatigil nya na rin ako pero napaka kulit ko talaga nuon.

Nagpatuloy kami sa pagkain.

"Kailan nyo bang balak mag anak ni Gino? It's been three years but you still hadn't have a child. Im getting old Mina, I want to see my grandchild before I die." Sabi ni Daddy habang hinihiwa ang steak.

"Hon don't say things like that. You sounded like you're dying." Hinawakan ni Mommy ang kamay ni Daddy at hinaplos iyon.

Napaubo naman ako sa sinabi ni Daddy. Paano kami makakabuo kung hindi nga nya ako mahalikan. Ni hindi ko pa nga sya nayayakap. Nung kasal ko lang sya nahalikan at yun ang una kong halik.

At parang huli na rin.

How I wish na yakapin nya ako. Kahit wala ng mangyari sa amin basta maramdaman ko lang ang mga braso nyang nakapulupot sa akin.

Sarap siguro sa feeling..

Hindi nako maghahangad pa ng higit pa ron pero kung ipagkakaloob sa akin ng diyos ang higit pa ron. Ipagpapasalamat ko ng libo-libong beses sa maykapal iyon.

"Wala pa akong plano Dad, I think hindi pa ako ready magkababy.." I lied again and again.

Naalala ko dati na sinabi ko sa sarili ko na gusto ko magkaroon ng pitong anak kay Gino, tatlong babae at apat na babae.

I even give their names. Kaso hindi kona tanda. Basta kapag nagka-anak ako gusto ko pito. Kahit bingot o pilay pa yan basta si Gino ang ama okay lang.

Love You StillWhere stories live. Discover now