Third person POV
"Stop it. Hindi mo na kaya." Ani Ysmael.
Namumula ang mukha ni Mina, at namumungay rin ang mga mata nito. Ganon pa man ay hindi maitatago ang natural na ganda ni Mina.
Kung tutuusin si Mina ang pinaka maganda sa batch nila.
Magmula sa hugis ng mukha, shape ng kilay, at sa mga singkit nitong mata. Sakto at katamtaman lang ang taas ng ilong nya. At natural na kulay rosas ang labi nito. Likas ang mapuputing kutis ni Mina na namana nya sa Mommy nya na half-spanish. Ang Daddy naman nito ay half-korean.
Abala ang ibang kaklase nila sa kanya-kanyang trip. May mga sari-sarili na itong kausap. Ganadong-ganado magkwento si Bora.
*Hik!* "Lasing na nga ako." Ngumiti si Mina na parang baliw. "Nako yung asawa ko baka magalit sa akin." Napatingin pa si Mina sa kinaroroonan ng asawa bago ito ngumuso.
Napatingin naman si Ysmael sa tinitignan ng dalaga. Nakita ni Ysmael na nakatingin sa kanila si Gino at naninimbang ang tingin nito.
Napailing na lang si Ysmael, wala pa rin pinagbago si Gino sa kanya. Kalaban pa rin ang tingin sa kanya nito.
Kumaway-kaway si Mina. "Gino! Uwi na ba tayo?" Tanong ni Mina kahit hindi naman sya rinig ni Gino.
Napakunot noo si Gino, malamang ay lasing na ito dahil sa inaasal nito. Hindi na tuloy naalis ang paningin ni Gino sa kanya.
"What's wrong?" Tanong ni Stacy pero hindi sya pinansin ni Gino.
Napatingin si Stacy sa tinitignan ni Gino at nakita nya si Mina. Naalala nya yung nangyari kanina.
"Ah... Gino pasensya kana kanina.. huwag mo sana masamain yon-"
"About that." Putol ni Gino.
"Ano 'yon?"
"Don't do that again. Stop bringing up her past. And don't you ever disrespect my wife." Payak nitong sabi.
Ayaw ni Gino na may ibang nagsasalita ng hindi maganda kay Mina, gusto nya sya lang ang gagawa non. Dahil sya lang ang may karapatan.
Napanganga naman si Stacy sa kanya. Mabait si Gino sa kanya kaya bakit parang hindi nya kayang palagpasin ang nangyari kanina.
Tumayo si Mina at muntik na ito mawalan ng balanse kaya naman napatayo si Ysmael para alalayan si Mina.
"Can you walk?" He asked softly.
"Kaya pa naman!"
"Huy Mina san ka pupunta?" Tanong ni Bora na lasing na rin.
"Uuwi na kami ng asawa ko." Muntik na naman ito matumba kaya naman napahawak si Ysmael sa braso ni Mina.
"Be careful." Anito.
"Get your hands off her." Mariing sabi ni Gino.
Napatingin sila kay Gino na bigla na lang sumulpot. Masama ang tingin nito kay Ysmael, bagay na hindi nya tinatago.
Nuon pa man ay hindi na sila okay ni Gino, dahil sa maraming bagay na hindi nila pinagkakasunduan. Kahit pa teammates sila nuon sa basketball ay walang epekto ang teamwrok sa kanila. Hindi sila kailanman nagpapasahan ng bola.
Nang makatayo si Mina ng maayos saka lamang nya binitawan ito.
Bakas ang iritasyon kay Gino, hindi nya alam kung bakit naiinis sya. Dahil ba hawak si Mina ng lalaking pinaka kinaiinisan nya nuon?
"Take her home." Sabi ni Ysmael at simple itong ngumiti.
Gustong-gusto ni Ysmael si Mina nuon. Ngunit dahil kay Gino ay hindi man lang sya nagkaroon ng pagkakataon na manligaw. Palagi rin nya nasasaksihan nuon kung paano nire-reject ni Gino si Mina. Ang bababeng gusto nya.
Kaya malaki ang galit nya nuon kay Gino, hindi nya maintindihan si Mina kung ano ba ang nakita nya sa lalaki. kasi kung hitsura lang ang batayan ay may ibubuga naman siya.
"Don't tell me what to do."
Parang may kuryente sa pagitan ng mga tinginan nila. Isang dekada man ang lumipas ay ganoon pa rin tingin nila sa isa't isa.
"Teka nga! Wag kayo mag away ah! Sige na iuwi mo na si Mina, Gino." Napairap pa si Bora habang sinasabi iyon. Kung may lakas pa sya ihatid si Mina ay ihahatid nya ito. Kaso miski sya ay lango na rin sa alak.
"Mina let's go." Nauna maglakad si Gino at susuray-suray naman na sumunod si Mina.
Sinundan na lang sila ng tingin ni Ysmael, Bora at Stacy.
YOU ARE READING
Love You Still
RomanceHe hated this girl very much ever since. She doesn't know when to give up. She's good to act like nothing happened. He loathed her. She makes his blood boiled. He didn't want to cook for him. He hated everything about her. He used to ignore her gest...