ALENA POV
ASAR ko itong tinapunan ng tingin bago lumabas ng pinto. luminga linga naman ako kung saan ko sisimulan ang paghahanap na talga naman mahirap lalo't madilim na ang buong paligid.
nagtungo naman ako sa sulok nitong likod bahay pero hindi ko padin ito mahanap hanggang sa maagaw ng pansin ko ang kaloskus sa kung saan kaya agad akong kinilabutan at napa atras ng biglang may kumalabit sakin sa likod at dahil sa gulat ay hinarap ko ito agad
“ nakakagulat ka naman akala ko kung ano na ”
“ engot mo kasi heto gumamit ka ng flashlight ”
“ tsk tulungan mo nalang ako hanapin yung pusa ko tutal Ikaw naman nag paalis sakanya ”
“ Ikaw kasi nag dala sakanya dito ayan tuloy ayaw ko pa naman sa mga pusa. ”
“ sa sobrang cute ng pusa ko ayaw mo pa wow ahh ano ba mga gusto mo yung tipong katulad mong halimaw ” pahina kong boses.
“ ano sabi mo? ”
“wala ang sabi ko mag hanap na tayo”
nagsimula naman akong maglakad habang tinatawag ang pangalan niya habang naka sunod naman sa likod ko ito hanggang sa may masulyapan akong puro putik na pusa kaya agad ako lumapit sakanya dahil nahulog ito doon.
“ teka anong gagawin mo? ”
pagpipigil sakin nito“kukunin ano pa ba nakikita mong gagawin ko? ” hindi ko na ito pinansin at kinuha ang pusa na puno ng putik sa katawan niya.
Halos matulala naman ako ng biglang mag hubad ito sa harapan ko.
“ Use that to wipe him ” saad niya pero pesteng mata to hindi mapigilang mapa tingin sa mga abs niya.
“Next time don't bring him near me” saad niya bago ako nito talikuran at tuluyang pumasok sa loob.
“ miming wag kana lalapit doon buti nalang nahanap pa kita. ” agad ko itong dinala sa kwarto para linisan narin sa mga putik niya.
_________
Nagising naman ang buong diwa ko ng maramdaman ang tumatama sa pisnge kong sinag ng araw agad naman hinanap ng mata ko si Milky at binago ko talga ang pangalan niya dahil napagtanto ko parang useless kong meow meow eh parehas lang naman walang pinagkaiba.
“ Milky ”
tawag ko ng bigla ito sumolpot sa kama kaya nakahinga ako ng maluwag at nahiga ito sa tabi ko na para bang nanlalambing.
“ Tara na kakain na tayo ” pag aaya ko sakanya at bumangon bago dumeretso sa baba ng hagdan mapapansin ko naman ang presensiya ng lalaking to na pormahan ang datingan ngayong araw ang tapang ng pabango niya, na naninipa sa ilong ko.
dumeretso ito papalabas ng pinto at nagtaka naman ako kung saan ang punta nun pero pake alam ko naman diba kung saan man yun mas masosolo ko ngayon ang bahay walang bakulaw na tulad niya.
naisipan ko namang dumeretso sa kusina para mag luto ng pagkain ng mawala na ang presensiya niya.
NATHAN POV
Dumeretso ako sa club dahil birthday party ni Theo at sa club niya naisipan gawin sa totoo lang namiss ko na din mag bar simula ng lumipat ako at mawalan ng credit cards tsk.Medyo maaga din pala yung dating ko pero pinasadya ko na din para tumambay nadin naman dito.
“ Buti dumating ka ” bati niya sakin at nakipag kamay naman ako.

BINABASA MO ANG
THE BOY NEXT DOOR IS A HOT JERK ( COMPLETED)
RomanceThis love story reflects that desire, showing us that another person can love them and accept them for all they are despite their flaws. "I will not ever say this again, but... you're my favourite enemy."