ALENA POV
NAGISING naman ako dahil sa init ng sinag ng araw na dumadampi sa buong pisnge ko kaya marahan akong napamulat at inilibot ang kabuoan nitong kwarto ng mapansin kong masyadong maliwanag na pala. hinanap naman ng mata ko ang cellphone na nasa ilalim ng unan ng makuha ko ito ay halos maningkit naman ang mga mata ko sa brightness nito pasadong alas otso na pala late na ako nagising, grabe napasarap ata ang tulog ko.
“ meow ”
napalingon naman ako kay milky na nasa tabi ko natulog kaya gumuhit naman ang ngite ko kung may ganitong sasalubong sa pag gising ko ang cute.
napagdesisyunan ko namang bumaba para mag luto ng almusal dumeretso naman ako ng banyo para mag hilamos ng maagaw ng pansin ko ang pagkatok sa pintoan kaya napalingon agad ako doon at taka nalang akong lumapit at nag ayus muna ako ng bahagya bago ito pag buksan.
“ Ano yun? ”
“ Hi Lenlen ”
agad ko namang nasara ulit ang pinto at halos malaglag sa kinatatayuan.
“ Lenlen wag kana mag tago nakita na kita ” sambit nito mula sa labas ng pinto kaya napakagad nalang ulit ako sa labi.
“ t-teka akala ko lunes kapa Pupunta ang aga mo naman ” Saad ko
“ Matagal na tayo magkakilala lagi mo parin yun nakakalimutan ”
“kasi naman akala ko talga eh ” nahihiya kong sambit bago ito pagbuksan at niyayang pumasok sa loob.
“ masyadong malaki din ito para sayo teka may mga kasama kaba dito ilan ba? ” tanong nito habang nilibot ang kabuoang lawak ng bahay.
“ may kasama talga ako dito at dalwa kami rumerenta ” pagdaragdag ko
“ganun ba, buti naman para nadin iwas sa gastusin mo kung Ikaw lang mag Isa dito ”
“ Teka kamusta sila papa sa probinsya? ” pag iiba ko ng usapan
“ ayus lang sila at nga pala pinapangamusta ka nga nila sakin”
“ Buti naman pala kung ganun ”
“ Teka kumain kana? ” tanong ko ulit
“ katatapos ko lang habang paparating Dito ”
“ ganun ba pag timpla nalang kita ng kape ”
“ pwede nadin lalo't malamig ang panahon ngayon nabalitaan ko nga na saktong may bagyong dadating buti nalang talga napa aga ako kundi hindi matutuloy pag punta ko dito ” sarcastico nitong sambit at bahagya naman ako natawa sakanya.
“ diyan ka lang muna pag timpla muna kita ” pag papa alam ko at agad nag tungo ng kusina.
binilisan ko lang naman ang pagtimpla at agad bumalik sa sala kung saan ko ito iniwan.
“ Xavier Ayan na kape m- - - ” natigilan kong sambit ng mapalingon sa dalwang magkatitigan ngayon.
Anak ng tokwa ....
“ b-buti pala nagising kana ” palusot kong sambit para mawala ang tinginan nilang dalwa sa isat Isa.
“ Hindi mo sinabi sakin na lalaki pala kasama mo dito ” saad ni xavier habang nakabaling parin kay Nathan
“ wag ka muna mag react kasi ang totoo bakla yan si nathan ” pangungumbinsi ko halos rinig ko namang napa ubo ito.
“ seryoso ka ba? Sa lagay na yan bakla ba ?”

BINABASA MO ANG
THE BOY NEXT DOOR IS A HOT JERK ( COMPLETED)
RomanceThis love story reflects that desire, showing us that another person can love them and accept them for all they are despite their flaws. "I will not ever say this again, but... you're my favourite enemy."