CHAPTER 29

29 10 0
                                    

NATHAN   POV


MAY KALAYUAN  ang pagkakapagitan ko sakanila at ang nakaka inis lang lahat ng nakapalibot sakanila kilig na kilig habang inaabutan ito ng bulaklak wala naman nakakakilig sa ganun tsk .

napagdesisyunan ko munang lumayo dahil Lalo lang ako naiinis kapag nakikita silang ganun aaminin ko nagseselos ako pero wala akong magagawa wala ako sa tamang posisyon at Lalong magiging alanganin lang para sakin .

Habang sa paglalakad ko napansin ko ang sa isang naka bakod na mga bulaklak sa loob nito lumingon lingon naman ako sa bawat paligid para makasigurado hanggang sa gumayad ako ng posisyon para kumuha nakaka ilang pitas na nga ako ng mapansin ko ang Isang matanda na nagbabantay at papalapit sa kinaroroonan ko kaya mabilis kong inilabas ang kamay ko pero bago ko yun nagawa nahirapan ako  nag kanda gasgas ako dahil may mga talim ang bawat bakod kaya ang kinalabasan Isa lang natira tsk tumayo na ako ng maayos at nag umpisang maglakad ng Hindi ko sinasadya marinig ang usapan ng nakasalubong ko sa paglalakad.

“ Hindi ko akalain aamin na si Xavier ng nararamdaman niya Kay Alena grabe buti nalang talga noon pa man talga kasi hahalataan ko nayan si Xavier hahahaa ”

“ Ang  swerte talga ni alena noe ang gwapo ni xavier loyal pa ”

“ tapos isasama pa siya sa america grabe wala ako masabi sila na talga for sure ”

Parang Lalo lang ata naging mas masmasakit ang lahat para sakin  ngayon Pupunta sila ng america pero wag ako mag isip ng kung ano ano kasi sigurado naman ako na Hindi  siya sumang ayon diba alam kong malabo mangyari dahil hindi niya yun gusto.

Napagpasyahan ko namang umuwi na sana ng mapansin kong mag Isa ito naka upo at hawak parin yung bulaklak na bigay sakanya kaya nagtungo ako papalapit at mukhang nagulat naman ito sa ginawa ko.

“bat bigla ka nalang susulpot ginulat mo ko!”

“atleast napatibok ko puso mo diba”

“ Ang corny mo ! doon ka nga ”

“ akin nayang hawak mo dali”

“ t-teka nathan bigay sakin yan ni - - - - ” naputol niyang sasabihin ng maagaw ko sakanya at inihulog.

“ ano ba ginagawa mo ”

“ mas bagay sayo to ” iniabot ko ang luntay na rosas dahil sa pagpitas ko kanina .

“ seryoso ka ? nang iinsulto ka ba ”  hasik nito at walang pag aalinglangan na tinapon nito kaya parang nadurog puso ko sa ginawa niya  tsk at agad niya ako tinalikuran pero bago yun.

“ Hindi mo man lang nagustuhan , ang hirap kaya nito kunin halos masugat na lahat ng braso ko oh ” pangongonsensiya ko .

“ kasalanan mo naman kasi yan eh , hindi ko sinabing kumuha ka para sakin pano kung nahuli ka pa doon ? ” tanging sagot niya at tinalikuran na ako  napasapo nalang ako sa sinabi niya parte ba to ng pagsubok ko sakanya grabe ang sakit parang personal eh .

Nakasunod lang ako sakanya habang nauna itong pumasok sa loob ng bahay at doon ko napagtantong may mga bisita sila ngayon.

“ Alena Iha nagkita din tayo ulit sa haba ng panahon na miss kita ngayon ahh naku dalaga kana napaka bilis talga ng panahon ” lapit sakanya ng Isang babae na mukhang nasa 40's na kung titignan .

“ na miss ko din ho kayo ”

“ naku umamin na ba sayo ang anak ayy pasensiya na masyadong nadala lang ng emotion hahahha ”

a-ayus lang ho ”

mama bat kinukulit niyo si    Lenlen ” sulpot ni Xavier

“ ano ka ba nasabi mo na ba sakanya na isasama natin siya sa america ? ”

“ Oo nasabi ko na sakanya ”

“s-seryoso Po ba kayo ? ” tanong ni alena at ng mapatingin ito saakin na para bang ayaw niya sana iparinig sakin ang tungkol dito na akala niya ngayon ko lang nalaman .

“ Iha mas maganda sa america mas maraming opportunity kesa dito o sa maynila delikado doon maraming mga taong hindi mo dapat pagkatiwalaan at masyadong magulo” paliwanag pa nito at hindi naman sakin ito makatingin ng maayos

“atleast sa america nandiyan si xavier para samahan ka palagi diba at syempre panatag kami na nasa maayos kang kalagayan” pagdaragdag niya

O-opo tita naiintindihan ko ” parang nabigo ako sa sinabi niya akala ko hindi siya papayag dahil hindi niya naman yun gusto kaya para saan pa at pumunta ako dito tsk na balak ko sana pag uwi ko kasama siya pero parang nawalan nalang ata ng saysay.

wala ako nagawa kaya napagpasyahan ko munang lumabas ng bahay para magpahangin dumeretso ng dalampasigan para makapag isip ng maayos .

__________

Maka ilang oras din ako nagtagal bago bumalik at Hindi ko inaasahang maabutan ko siyang nag hihintay sa labas .

“ Saan ka ba nag punta masyado madilim sa daan pag gabi ” pangunguna nito

may tanong ako sayo ” pagiiba ko sa usapan

“ ano ba yun? ”

“ talaga bang sasama ka?” lumihis na agad ito sa tingin ko

“alam mo bang pinuntahan kita dito para patunayang mahal ki - - - ” agad niya namang hinila ang kamay ko sa malayo .

“ wag ka nga magsasabi ng ganun pano kung marinig nila yun ”

“ ano naman ngayon?  Alena pls be fair may pakiramdam din ako gusto ko yun ibigay at patunayan sayo bakit parang  pinagkakaila mo yun I admit nagseselos na ako do I look now a d@mn wala akong pake pero alena wag kang sumama sakanila ok lang sakin na maghintay because that was supposed to be courting right? kahit abutin ng taon man yun na ligawan ka pero ang hindi ok sakin ang lumayo ka ulit sakin and worst hindi na kita makita ”

“ kaya nga Diba mas ok na umuwi kana lang nag sasayang ka lang ng Oras at panahon sakin Nathan ayaw ko na mas Lalo ka pang masaktan !

“ FVCK! fvck d@mn it! , Alena bat ba ang hirap itugma Yung sagot ko sa sinasabi mo , nagseseryoso ako sayo pero pakiramdam ko Ikaw naman nakikipag biruan  ”

* PPLLAAAKKK *

“ Diba sinabi ko pa lang masasaktan ka kapag pinag pilitan mo pa, aaminin ko Hindi yun ang gusto ko pero gusto yun ng tatay ko dahil gusto niyang sumama ako kay Xavier para tuparin lahat ng pangarap ko sa america  bukod doon pinagkasundo ako sakanya kaya ako nangarap na gusto ko sa maynila dahil kaya ko naman matupad yung pangarap ko kahit saang ako mag punta basta magsisipag lang ako pero nangyari nga na nalaman ni Xavier na may gusto ka sakin kaya Inu uwi niya ako dito sa amin kasi isa nadin yun sa tradition dito saamin na kailangan ipagkasundo sakanya. ” 

“ yan ba talga gusto mo ? ”
Hindi ako nito nagawang sagutin

“ then I will respect your decision  ” nagawa ko nalang siyang talikuran kahit ramdam kong mabigat para sakin na gawin to pero wala ako magagawa.

THE BOY NEXT DOOR IS A HOT JERK ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon