ALENA POV
BALAK ko ngayon mag hanap ng trabaho dahil pangdagdag narin sa pambayad malapit na ang katapusan ng buwan tiyak na dadating nasi manang esther sa paupahan ng bahay ayaw ko na din naman masyado kulitin pa doon si papa sa probinsya alam ko gipit rin sila doon. Pababa ako ng hagdan ng mapansin ko si nathan at sakto naman nagtama ang tingin naming dalwa kaya kunot noo ako nitong binigyan ng tingin pero hindi ko nalang masyadong pinansin at tuluyang nakalabas ng bahay . hindi ko alam kung saan mag uumpisa siguro mag hahanap hanap nalang muna ako masyadong maaga pa naman eh lumabas ako ng bahay bandang 7:00 para mas mahaba ang Oras ko buong mag hapon sa paghahanap .
Nakaka ilang kilometro pa naman ako sa paglalakad ng may mapansin akong nakapaskil na hiring for service crew sila ngayon kaya agad kong tinext yung no# na naka lagay sa baba Hindi pa naman ganun katagal ng sumagot naman ito sakin .
“ open pa po ba - - - - - ” nangunot naman ako ng bigla ako nitong babaan ng tawag kaya inulit ko nalang pero ganun parin binababaan niya ako kaya nag pasya nalang akong puntahan ito mabuti nalang talga naka lagay din yung address baka siguro mahina lang yung signal kaya napuputol .
pinagmasdan ko naman ang kabuoang nitong restaurant sapat lang medyo may kalakihan din pala kung tutuusin kaya bago ako pumasok humigit muna ako ng lakas loob.
“hi ma'am what's your order po ? ” bungad sakin ng Isang babae na maypagka chinita.
“uhhmm hindi hindi kasi nagpunta talga ako dito kasi nakita ko yung naka paskil na hiring kayo ” pinakita ko sakanya ang hawak kong papel na nakita ko kanina.
“ahh yan ba mag a apply ka pala halika ” nahihiya nitong sambit kaya natawa naman ako ng bahagya.
“sorry pero hindi na kami naghahanap ngayon ” sulpot ng babaeng kararating at medyo mataray na agad ekspresiyon ko sakanya .
“ pero sabi ni sir nagha- - - - - ”
“sinabihan ako ni sir na ako na bahala doon bat ba ang kulit mo ”
“kasi wala naman ako maalala na sayo ibinilin ang tungkol diyan”
“wag kana nga masyadong pabida basta hindi na tayo nag hahanap ” Maowtoridad nitong saad ng lingonin niya ako mula ulo pababa .
“ Ayus lang sige mag hahanap nalang ako sa iba salamat sa Oras ” mukhang mag away na kasi ang dalwa kaya napag pasyahan ko na ding lumabas . Siguro hindi pa ito ang para sakin masyadong mahaba pa naman ang Oras alam ko naman na Hindi ganun kadali ang pag hahanap ng trabaho swertehan nalang talga.
pasadong hapon na at ilan nadin napasukan at napagtanongan ko pero lahat yun bakante na hayst siguro bukas na ulit ako mag hahanap wala pa ata ngayon. unang araw palang naman to eh. Tumigil naman ako maghintay sa masasakyan pa uwi .
______
Pagka uwi ko ganun nalang yung gulat ko sa nadatnan ko silang dalwa na magkasama sa sala hindi niya ako pansin dahil nakatalikod siya sa pinto .
“Akala ko ba ayaw mo sa pusa? ” sulpot ko sa likurang bahagi niya kaya nilingon ako nito at tumayo sa pagkaka upo .
“ Ang ingay ng pusa mo bat hindi mo iniwanan ng pagkain saan ka ba nagpunta tsk ”
“ huh nag iwan kaya ako ng pagkain sa kwarto ” ng maisipan kong inilapag ko lang ito sa taas ng drawer masyadong maliit pa si Milky kaya mahihirapan siyang abutin yun at walang akyatan .
“ I guess nakalimutan mo? ”
“ parang ganun na nga pero buti nalang nandiyan ka diba? ” medyo iba pagkasabi ko nun kaya parang may ibig sabihin kaya napalingon ulit to sakin na may ibigsabihin.
“ next time kung aalis ka mag sabi ka ” parang galit niyang sambit at balak niya na akong talikuran.
“ eh bat ka nagagalit ? Parang feeling ko tuloy napaka laki ng nagawa ko sayo ”
“ masyadong malaki tsk hindi mo man lang masagot yung tanong ko kung saan ka nag punta! ”
“naghanap ako ng trabaho ano ba iniisip mo?” natahimik naman ito at parang pinapakalma ang sarili.
“ dapat sinabi mo ka agad marami pang paligoy ligoy teka naghanap ka ng trabaho bat di mo ka agad sinabi? ”
“bat ko naman sasabihin sayo ng mga dapat kong gawin Aber? ”
“ Diba sabi mo Hindi ka pa ganun kapamilyar dito sa maynila pano kung makalimutan mo ang daan pa uwi engot ka pa naman ” saad nito kaya napa iwang ako sa mga sinabi niya
“wow ahh grabe salamat sa concern diyan kana nga nakakatouch ka grabe ” sarcastico kong hasik bago ito tinalikuran .
“ bukas may Pupuntahan tayo tutulungan kita ”
“ huwag na! kaya ko mag hanap Hindi ko kailangan ng tulong mo ”
“ Ang tigas talga ng ulo may dalaw ka b- - - - ” hindi niya tinapos ang sasabihin ng minasamaan ko siya ng tingin. kaya natawa ito ng pasimple.
“ok fine tsk mood swing ka agad ”
Untag nito pero hinayaan ko nalang siya bago dumeretso sa kwarto para makapagpahinga medyo sumasakit din ang ulo ko dahil sa init ng buong maghapon nakababad sa labas ._________
NATHAN POV
Pasadong alas syete na ng gabi ng maisipan kong lumabas ng kwarto ng napansin kong hindi pa siya nag aasikaso para sa dinner kadalasan siya lagi nag luluto kaya nakakapagtaka Hindi pa siya lumalabas ng kwarto kaya pinuntahan ko na ito sa kwarto baka siguro hindi niya napansin ang Oras . kumatok ako ng tatlong beses pero Hindi siya sumasagot ng mapansin kong Hindi naman ito naka lock kaya pinihit ko ang doorknob .
bumungad kaagad sakin yung alaga niyang si Milky at mapatingin sakanya na mahimbing na natutulog sa kama kinuha ko ang nakalapag na cat food ni milky at pinakain sa gilid para Hindi Siya magising sa ingay ng alaga niya lumapit ako sakanya .
“ kahit kelan talga napaka tigas ng ulo mo, akala mo kaya mo lahat ng mag Isa ” inayos ko ang ilang nakakalat na gamit bago lumabas at dumeretso sa kusina at ako nalang nag luto at nag iwang ng pagkain para sakanya . tumambay naman ako sa terrace at may tinawagan na number.
[“Ohh napatawag ka nate,ano meron ”]
[“ can you do me a favor ? ” ]
[ “ Oo naman Basta Ikaw ” ]
[ “ I have something to discuss ” ]
naging mabilis naman napagusapan namin bago ko Ibinaba ang tawag at kumuha ng sigarilyo para sindian ito pero bago ko yun gawin ng maalala ko ng madatnan ako nung babae na yun na ginagawa ito kaya naiyukot ko nalang ang sigarilyo at nabitawan.
Hindi ko alam kung ano ba nangyayari sakin kapag nandiyan siya parang lahat ng ginagawa ko mali at kailangan ko itama hayst I have many unsaid thoughts that cannot be speak! nakakabad trip ano ba ginawa niya sakin bat ako nag kakaganto?
BINABASA MO ANG
THE BOY NEXT DOOR IS A HOT JERK ( COMPLETED)
RomantizmThis love story reflects that desire, showing us that another person can love them and accept them for all they are despite their flaws. "I will not ever say this again, but... you're my favourite enemy."