NATHAN POV
PUPUNTA ako doon kahit anong mangyari wala man kasiguraduhan kung ano ang magiging reaction niya basta ang mahalaga mapatunayan ko na totoo ako sa pagmamahal mo sakanya at handa akong sundan mag saan man siya mag punta. pinahiram lang muna ako ni Otis ng pera para pumunta doon dahil Hindi pa ako maka access sa mga bank accounts ko at yung black card ko .“ sure ka ba nate hanggang dito nalang? ”
“ hmmm kaya ko na to Basta kayo na muna bahala kay milky ” ani ko at napalingon habang hawak ito ni Dwight at kung iniisip niyo na wala parati si Theo nabalitaan ko kasing may malaking event yun sa France dahil may mga branches pa sila out of town.
“ Oo naman basta wag mo kalimutan wag ka magpapa talo sa boybesfriend lang wala namang sila diba” pabiro pa nitong sambit
“ siraulo sige na ”
agad na ako bumaba ng kotse at nagsimula sa paglalakad medyo malubak kaya mahirap lakarin halos sikat na sikat na ang araw kaya napagpasyahan kong magpahinga muna mabuti may puno kaya sumilong ako panandalian . mapapansin ko namang may ilang gropu na paparating pero hindi ko nalang pinansin hanggang mapagtantong papalapit ito saakin .
“ mukhang naliligaw ka ahh ”
“ hindi naman nagpapahinga lang ”
“mukhang bago ka lang dito , taga cyudad ata to eh ”
“ tama ho may pinuntahan lang ako dito ”
“ ganun ba naku mahihirapan ka tumawid diyan sa may batis malakas pa naman yung daloy kung gusto mo tulungan kana namin ” pagmamabuting loob nito kaya Hindi na ako nakatanggi pa at baka nga kakailanganin ko .
naglakad kami ng ilang kilometro ng marating ang sinasabi nila masyadong malakas nga at may kalayuan ang pagtatawiran pero nakakapagtaka wala bang tulay man lang .
“ akin na yang bag mo ”
“huwag na kaya ko na to ”
“ mahihirapan ka maglakad pag mabigat ” giit pa nito
“ Hindi naman ho mabigat ” katwiran ko
“ aba'y baka pinaghihinalaan mo ako na kukuhaan kita ng gamit? ”
“ Hindi naman ho sa ganun , kaya ko lang naman Po kasi to ”
“ Sige na ako na ” pagngungulit nito kaya Hindi na ako nakatanggi pa ulit kaya inabot ko sakanya at pinauna ako .
“ lakad lang pre ”
Hindi ko ito nilingon at patuloy lang ako sa paglalakad Hanggang maka hinga ng maluwag pero pansin ko nalang na ako lang pala naglalakad . at napagtantong tinangay nila yung bag ko na doon nag lalaman Yung pera at ilang gamit ko pati cellphone kaya napa sapo nalang ako sa sintido .hindi na ako pwede bumalik pa dahil ilang oras na ako naglalakad aabutin pa ako ng gabi pag ginawa ko pa yun mabuti nalang talga nasa bulsa ko yung papel na address niya kaya nagpatuloy nalang ulit ako
__
__________sa haba ng nilakad ko may mga Bahay nadin akong nadadaanan Hanggang bumungad sakin ang Isang maliit na bayan Dito dahil narin marami Rami nadin mga taonh nandito Hindi katulad sa unang pasok ko wala kaya Akala mo talga walang tao naninirahan .
Napansin ko naman ang ilang mga tingin ng iba kaya huminga ako ng malalim bago nagpatuloy sa paglalakad ng may nadaanan akong matandang lalaki nama'y dalang pangisda ata tawag nun kaya lumapit ako sakanya para mag tanong.
![](https://img.wattpad.com/cover/367362521-288-k121700.jpg)
BINABASA MO ANG
THE BOY NEXT DOOR IS A HOT JERK ( COMPLETED)
RomansaThis love story reflects that desire, showing us that another person can love them and accept them for all they are despite their flaws. "I will not ever say this again, but... you're my favourite enemy."