ALENA POV
MAAGA akong nagising para magluto narin at bukod doon gusto ko rin makapag pasalamat sa kabaitan ni sir Otis kaya gumawa ako ng lunch na niluto ko at nilagyan ko ng mukha gamit ng ilang prutas sa ibabaw kaya sana magustuhan niya to ngumite ako ng bahagya pero napalitan yun ng biglang sumulpot sa gilid ko ang Isang to patungo sa ref at napadungaw sa ginagawa ko.
"para kanino ba yan? " tanong nito na para bang Akala mo walang nangyari kagabi hindi niya maalala mga pinag gagawa niya kaasar.
" Hindi mo naman kailangan malaman eh "
"parang isip bata " rinig kong bulong nito
" Ang cute kaya, doon ka nga kung lalaitin mo lang itong gawa ko !"
" pangit naman kasi akin na ako gagawa "
" wag na kaya ko na to ! " hasik ko
" tignan mo nga ang panget kahit ako mawawalan ng ganang kainin kung panget yung mukha pagkabukas ko palang hayaan mo na kasi tulungan ka "
nag dalwang isip naman ako dahil sasabihin ko medyo magulo nga kasi hindi ako kagaling sa paglalagay ng mga ganito kaya hinayaan kong tulungan niya ako bago ko inabot ang tapper ware .
tumalikod naman ito saakin kaya nangunot ako kung bakit pero hinayaan ko nalang Hanggang Ilang oras pa nga ako naghintay para siya matapos .
" matagal pa ba , mahuhuli na ako "
" heto na malapit na "
" ohh ayan na " humarap ito sakin at dumungaw naman ako na medyo ikinangiwe ko at minasamaan ito ng tingin
" Anong ginawa mo !?"
" kamukha niya na yan, sure ako matutuwa siya diyan " giit nito at Ibinaba ko ang hawak.
" pinagloloko mo ba ako eh demonyo to eh nilagyan mo pa ng sungay ang sama mo sinira mo lang yung gawa ko " hasik ko sakanya na humagalpak ito sa tawa .
" tinulungan na nga kita tapos yan lang sasabihin mo, tsaka wag ka mag alala magugustuhan niya naman yan . " nakaka asar nitong sambit .
" satingin mo nakikipag biruan ako ang bait bait sakin ni sir Otis tapos pagdating sayo ewan ko nalang "
" you mean pag nag kagusto siya sayo, gugustuhin mo rin ba? "
seryoso nitong tanong kaya natigilan ako kung sasagutin ko ba to pero bahala na .
" Oo, pwede din naman "
pagkasambit ko nun ay biglang nagbago ang reaction ng mukha niya at tinalikuran ako nito at sinundan nalang ng mga mata ko papalabas ng kusina .
Hinayaan ko nalang siya at inalis ang ginulo niya . siguro wag ko nalang lagyan nito naiinis lang ako kasi ako lalo at baka pumangit ang lasa at maging lasang kamay na .
___________
Habang nasa office na ako palinga linga naman ako sakanya na abala sa ginagawa niya sa laptop na mukhang napapansin niya din naman kaya Ibinaba nito ng kaunti ang laptop niya at saktong nagtama ang tingin namin kaya agad akong umiwas .
" may gusto ka bang sabihin ? "
" w-wala naman po "
"wag ka mag alala hindi naman ako magagalit just spill it out alena"
"kasi sir 12:00 na di pa ba kayo mag lunch? " tanong ko ng mapa tingin ito sa wrists watch niya at mapagtantong tanghali na.
" Pasensiya na po kung nasabi ko yun out of my place pero baka po magkasakit kayo niyan " giit ko at bahagya itong tumikhim ng bahagya .
" wag kang ganito Alena marupok pa naman ako ayaw kong maging kaagaw ni nate " medyo pa bulong nitong sambit kaya Hindi ko masyado narinig ng kabuoan.
"may sinasabi ka sir? "
" Imean may deadline kasi akong hinahabol kaya Hindi ko napansin ang Oras kung gusto mo mauna kana munang mag kumain. siguro mamaya na Lang ako . "
"nakakahiya naman Po yung ganun hihintayin ko nalang Po kayo matapos "
"But I need to finish this kaya ok lang na mauna kanang mag lunch "
"pwede naman siguro pong dito na kayo mag lunch "
"much hassle " saad nito
"Imean may dala Po kasi ako sainyo ng lunch" pinakita ko naman sakanya Ang Isang paper bag at agad itong inabot sakanya.
" home made? " Tanong niya na ikinatango ko
" alam mo ba ngayon nanaman lang ako kakain ng ganito Sige kakain na muna nga ako bigla tuloy akong nagutom " pabiro nito kaya natawa nalang din ako .
"Hindi ko akalain magaling ka din pala mag luto, ang sarap nito " pagpupuri niya habang kinakain nga ang nasa tapper ware ng lahat na luto ko.
"salamat Po namana ko lang Po sa nanay ko kasi saamin ako talga mahilig magluto sa Bahay . " halos masamid naman ito kaya agad ko inabutan ng tubig .
" so nilulutuan mo din si Nathan? "
" huh? ibig ko pong sabihin sa amin po sa probinsiya, kasi sa totoo Po niyan nag dodorm lang po talga ako dito sa maynila " paliwanag ko kaya tumango tango na ito.
Teka pano niya nabanggit pangalan ni nathan magkakilala ba sila.
" Kilala niyo po ba si nathan? "
" huh? "
"Diba sabi niyo kung nilulutuan ko si Nathan"
" yung mama mo "
" mama ko? "
"Imean kung yung mama mo kasi yun "
yun ba talga sinabi niya? sabagay pabulong kasi kaya hindi ko naintindihan hays bat ko naman kasi iniisip si nathan ayan tuloy akala ko yun ang binanggit niya .
"nabanggit mo ang pangalan na nathan sino ba yan, boyfriend mo? "
" Hindi , hindi wala po akong boyfriend tsaka malabo kong maging boyfriend yan "
" bakit naman ? "
"sobrang sama niya sakin lagi niyang sinisira ang araw ko kaya naiinis din ako sakanya" pagpapaliwanag ko at bahagya naman ito natawa kaya nangunot ako may nakakatawa ba sa sinabi ko?
"seryoso ka ba talga na inis lang talga yan? "
"huh? sure naman ako doon, anong ibig niyong sabihin "
" may kasabihan diba the more you hate the more you love " saad nito at bahagya naman akong natawa sakanya na siya naman ngayon nangunot
" pasensya na Po pero kasabihang pang Bata lang naman po yan eh hahahaha "
" totoo yan, yung taong lagi kang iniinis yun kasi yun taong gustong gusto bigyan mo sila ng atensiyon at yung taong akala mo walang pake sayo pero yung totoo palihim silang nag aalala sayo baka ganun si nate"
"ano ba yan pinagsasabi niyo hindi naman yan totoo eh " giit ko dahil ayaw ko mag isip ng ganun .
"alam mo ba kung ano tawag diyan" tanong niya ng ikinatigil ko
"its a form of flirtation " Saad niya na parang natatawa
BINABASA MO ANG
THE BOY NEXT DOOR IS A HOT JERK ( COMPLETED)
RomansThis love story reflects that desire, showing us that another person can love them and accept them for all they are despite their flaws. "I will not ever say this again, but... you're my favourite enemy."