CHAPTER 19

34 10 0
                                    

ALENA   POV





MAAYOS ayos nadin pakiramdam ko ng maimulat ko ang mga mata ko bumungad naman sakin si Dwight pero pinagtaka ko kung bakit nawala si Nathan

“nasan si Nathan ok lang ba Siya? ” tanong ko ka agad kahit medyo mahina pa ang boses ko .

“ may inaasikaso lang saglit si Nate pupunta siya dito ako muna daw kasi mag bantay sayo , nga pala maayos na ba pakiramdam mo? ” tanong nito at tumango lang ako sakanya.

“ Sabi ng doctor na tumingin sayo mabuti naagapan yung kagat sayo  dahil Hindi  pumasok sa katawan mo yung kamandag , teka ano ba Yung ginagawa niya sayo Isa lang kasi naiisip ko eh siguro hindi niya naman yun gagawin diba hindi naman marunong si nate ng ganun” halos mamula naman ako sa pagkakabangit niya at maalala ko yun parang nilalamon ako ng kahihiyan grabe buti nalang talga kaming dalwa lang nandoon.

“ a-ahh? wala naman wag mo na masyado isipin yun ang mahalaga nakaraos na diba? ” palusot ko at tumango tumango nalang ito kahit nag aalangan parin tungkol sa nangyari .

Napalinga naman kaming dalwa sa pagbukas ng pintoan at iniluwa nito si nathan .

Good your awake ” sambit nito ng makalapit sakin

“ hhhmm sabi nila buti nalang naagapan natin yu- - - - ” pag putol ko dahil hindi ko na pala dapat kailangan banggitin yung tungkol doon .

Yung ano ? ” pag papatuloy na tanong nito

w-wala wala nakalimutan ko   bigla ”

maayos na ba pakiramdam mo?

Oo maayos na ako tsaka diba ngayon tayo uuwi nakakahiya kong mag extend pa tayo magiging  dagdag gastos pa yun ”

“ wag ka mag alala libre naman yan ni Theo ” sambit ni Nathan

Anong ako!? ”

Diba sagot mo naman to ?” pag uulit niya kaya napalingon naman ako kay Theo

Oo naman syempre sus ”

Alam kong napilitan lang siya dahil kay nathan pero nakakahiya paring isipin na hindi pa naman kami ganun na magkakilala ni Theo pero dinadagdag konsensiya ko pa sakanya to eh hindi niya naman kasalanan .

“ umuwi na tayo maayos na din naman ako eh ”

“ mas ok na magpagaling kana muna para makasigurado tayo  ” Saad ni theo

“ ok na talga ako promise tsaka sabi naman ng doctor ok na ako mabuti naagapan kaya ok ako, promise
nagkatinginan naman silang dalwa bago nakapag pasya .

“ such a hard headed ” untag ni nathan
_________

Papunta na nga sila sa van ng mapansin kong wala si abie pero nandito naman yung mga bandang kasama niya papasok sa kabilang van  kaya lumapit naman ako kay dwight para tanungin yun.

“ Hindi ba sasabay si abie ? ”

“ umalis na siya kahapon sabi ni Theo ”  sagot nito

huh? bakit may nangyari ba sakanila ni nathan?  ” dahil sa intrigga ko naitanong ko na talga ng wala man lang preno nagmumukha tuloy na chismosa na ako neto.

“Hindi ko din alam eh ayaw ko naman manghimasok kung ano man tungkol sakanilang dalwa ”

sagot nito kaya hindi ko nalang pinilit pa  ng bigla nalang lumapit sakin si nathan at bahagya naman  sana akong palayo sakanya  ng hawakan niya ako sa kamay ko at hinila papasok sa backseat ng van.

THE BOY NEXT DOOR IS A HOT JERK ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon