“DAD!” Sigaw ni James dahilan para mabitawan ni Arthur ang kahon na kanyang hawak dahil sa gulat. Nang mahulog ay kumalat rin ang laman ng nito sa sahig.Mababakas sa mukha ni James ang takot, kaba, hiya, at naghahalo-halo na ang kanyang mga nararamdamang emosyon. Nang tignan niya ang kanyang ama ay mas lalo siyang nakaramdam ng takot ng makita ang galit na mukha nito, kitang-kita ang pagkadismaya at pandidiri nito sa mata.
Tila ba tinakasan ng dugo ang katawan ni James dahil sa sobrang putla ng kanyang mukha. Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili at katawan na manginig ng makita niyang naglalakad papalapit sa kanya ang kanyang amang galit na galit.
Napapikit na lamang siya ng makita niyang akma siyang sasampalin nito ngunit makalipas ang ilang segundo ay wala namang nangyari, pagdilat niya ng kanyang mata ay tumambad ang kaninang galit na mukha ng kanyang ama na ngayon ay puno na ng kalungkutan. Para bang pinipiga ang kaniyang puso sa sakit nang makita niya ang dismayado at malungkot na mukha ni Arthur.
“Dad-”
“Dapat ay wala na yan mamaya. Sunugin o di kaya itapon mo, wala akong pakialam. Ayokong makita pa yan kahit kailan.” Malamig na sambit ni Arthur sa kanyang anak. Tinitigan niya ang kanyang anak sa mukha at di mapigilan na makaramdam ng kirot sa kanyang puso, iniisip niya kung saan siya nagkamali. Kung bakit naging ganito ang kanyang anak, hindi niya ba ito nagabayan ng maayos o sadyang nalihis lamang ito ng landas?
“I-I'm sorry dad.” Napayuko na lamang si James at napakuyom ng kamao, unti-unting pumatak ang kanyang luha ng makita niya ang litrato sa malapit sa kanya.
Halos manlumo si Arthur ng makita ang itsura ng kanyang anak, gusto man niyang amuin ito ay hindi maaari. Alam niya sa sarili niya na kapag ginawa niya ito ay mas lalo lamang lalala ang sitwasyon, mas maiging ngayon palang ay ituwid niya na ang pagkakamali ng kanyang anak.
Gusto niyang yakapin ito ngunit mas nanaig pa rin ang galit at lalo na ang kanyang pagkadismaya rito kaya naman napagpasyahan niyang lumabas na ng kwarto. Nagmamadali lang naglakad papaalis at agad nagtungo sa kwarto nila ng kanyang asawa.
Naghubad siya ng damit at agad na pumasok ng banyo. Binuksan niya ang shower at hinayaan ang sarili na mabasa, muling bumalik sa kanyang isipan ang nangyari kanina sa kwarto ng kanyang anak. Hindi niya mapigilang mapangiti ng mapait ng maalala niya ang mukha ng kanyang anak na lumuluha, alam niyang nagkamali ito ngunit hindi niya pa rin mapigilan ang sarili na mag-alala para kay James.
Nang muli niyang naalala ang laman ng kahon ay tila ba may kung anong nagising sa kanyang katawan, nawala ang kanyang kaninang lungkot na nararamdaman at ang tanging nasa isip niya na lamang ay ang mga litrato na nasa loob ng kahon.
Natigilan na lamang siya ng maramdaman at makita ang kanyang alaga na nakatayo, ngayon niya lang din napagtanto na kahit nasa shower ay nag-iinit pa rin ang kanyang katawan.
Nanginginig at dahan-dahan niyang hinakawan ang kanyang sandata, marahan niyang itinataas-baba ang kanyang kamay. Sa huli ay mapait na lamang siyang natawa habang patuloy na umaagos ang tubig sa kanyang mukha, hindi alam kung ito ba'y tubig pa o luha na.
“Patawad anak, nababaliw na rin ata ako.”
***
Nang makalabas ang ama sa kanyang kwarto ay iniangat niya na ang kanyang ulo. Mahina siyang napatawa at dahan-dahang pinulot ang mga litratong nalaglag sa sahig, kinuha niya ang box at isa-isang inilagay ang mga litrato sa loob nito.
Habang ginagawa ito ay mapapansin ang maliit na ngisi sa labi nito, malayo sa malungkot at takot na itsura nito kanina sa harap ng kanyang ama. Mas lalong lumaki ang kanyang ngisi ng habang pinagmamasdan ang isang litrato, kinuha niya ito at mariing tinitigan.
Litrato ito ng kanyang amang nakahubad sa loob ng banyo habang nagj-jackstone. Nakatingala ito at nakapikit habang kagat-labi pa, isa sa mga paboritong larawan ni James na siya mismo ang kumuha.
“Hindi ko akalain na makikita niya ito.” Nakangiting sabi nito at muli ng ibinalik ang larawan sa kahon, itinago niya na rin itong muli sa compartment sa ilalim ng kanyang kama.
At kung tatanungin mo siya kung susundin niya ang sinabi ng kanyang ama na sunugin o itapon ang mga litratong iyon, ay syempre hindi niya ito susundin. Nagpakahirap siya at matagal na panahon ang ginugol niya upang maparami ang collection niya ng kanyang ama.
“Hindi pa ito ang tamang oras, pero siguro ay mabuti na rin na nangyari ito. Dahil hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang pigilan ang sarili ko.” Nakangising sambit ni James at dahil alam niyang galit pa ang kanyang ama ay napagpasyahan niyang umalis nalang muna. Mas mabuti kung papakalmahin niya muna ang kanyang ama dahil baka mas lalo lang maging magulo ang lahat, baka malaman pa ng kanyang ina ang nangyari. At ayun ang iniiwasan niyang mangyari.
Marahil ay masama siyang tao at anak, ngunit kahit ganoon ay may natitira pa rin naman siyang pagmamahal sa kanyang ina. Mas lamang nga lang talaga ang pagmamahal niya sa kanyang ama, kaso nga lang ang pagmamahal na ito ay ipinagbabawal.
Nagpalit lang siya ng damit sabay nag-ayos sandali ng kwarto at ng kanyang mga gamit. Bumaba na rin siya at nakita ang kanyang ina sa sala na nanonood ng telebisyon.
“Saan ka pupunta james?” Tanong sa kanya ng ina na agad niya namang sinagot.
“May pupuntahan lang ako saglit mom, uuwi ako before dinner. Tsaka iinom pa tayo diba?” Paliwanag nito at nagbiro pa sa kanyang ina na tumawa rin naman.
“Oh sige mag-ingat ka at wag ka masyadong magpagabi umuwi para makasabay ka sa hapunan.” Sabi na lamang ng kanyang ina na agad niyang tinanguan, nagpaalam na siya at naglakad na palabas ng kanilang bahay.
Agad siyang sumakay ng kotse at binuksan ang makina nito. Bago niya ito paandarin ay kinuha niya ang kanyang telepono at tinawagan ang kaniyang kaibigan na si Deavon, ilang saglit lang rin ay sumagot na ito.
“For fvcksake james! Ano na namang kailangan mo?!” Sigaw ni Deavon mula sa kabilang linya bago pa siya makapagsalita.
“Nalaman niya na. And maybe this is the right time para isagawa ang mga plano ko.” Nakangising sabi ni James at agad na tumahimik ang kabilang linya ng marinig ang kanyang sinabi. Ilang sandali pa ay muling nagsalita ang kanyang kaibigan.
“Sigurado ka na ba sa desisyon mo? Baka pagsisihan mo ito.” Napangiti na lamang si James ng marinig ang sinabi ng kaibigan. Kung pagsisisihan man niya ito, sa huli pa naman yun.
“Sigurado na ako. Dahil baka ang pagsisihan ko pag di ko tinuloy ang mga plano ko, ay ang sayangin ang pagkakataon na ito.”
***
© RUSSENCE
BINABASA MO ANG
Ang Tinatagong Lihim ni James | SMUT
RomanceAno nga ba ang tinatagong lihim ni James?