“Wala ka pa bang ipapakilala sakin na girlfriend mo anak?” Sabik na tanong ni Mona sa kanyang anak dahilan para mabulunan ito sa kanyang kinakain.Natatawa namang nag-abot ng baso ng tubig si Arthur kay James. Kita ng mag-asawa kung paano mamula ang mukha ng kanilang anak dahil sa hiya.
“Mom! Wala pa sa isip ko yan.” Namumula at nahihiyang sagot ni James sa tanong ng kanyang ina.
“Tsaka isa pa, hindi babae ang gusto ko. Baka magulat ka pag nalaman mong si Daddy ang laman ng puso ko.” Dagdag pa niya sa kanyang isipan.
“Mahal naman, bata palang yan si James. Wag mo munang madaliin at baka pagsisihan mo.” Natatawang sabi ni Arthur sa kanyang asawa dahilan para kurutin siya nito sa braso. Tahimik lang na tinitignan ni James ang dalawa na magharutan sa kaniyang harapan at di mapigilan ang sarili na makaramdam ng selos.
“Ayos kalang ba James?” Nag-tatakang tanong ni Mona sa kaniyang anak ng mapansin niyang hindi na ito kumakain at nakatitig lamang sa kanilang mag-asawa.
Dahil dito ay nagising muli ang diwa ni James at halos mamula na ang mukha sa hiya.
“Bakit kase dito pa kayo sa harap ko naghaharutan. Ang tanda-tanda niyo na eh!” Palusot niya at tumayo na, agad niyang inilagay sa lababo ang pinagkainan at nagmamadaling lumabas ng kusina. Dahilan para magtaka ang kanyang ina sa mga kakaiba niyang ikinikilos.
“Anong masama sa ginagawa natin? Dati naman ay gustong-gusto niyang magpalambing sa atin sa tuwing nakikita niya tayong naglalambingan.” Nagtatakang tanong ni Mona sa kanyang asawa na nagkibit-balikat lamang.
Ang hindi niya alam ay kaya lang nalapit sa kanila si James sa tuwing naghaharutan ang mag-asawa ay para maagaw niya ang mga atensyon nito at sa kanya maipokus ang atensyon nila, o mas tamang sabihin na ang atensyon ng kanyang ama.
“Hayaan mo na, ganyan talaga ang mga kabataan ngayon. Siguro ay nahihiya lang siya.” Sabi na lamang ni Arthur sa kanyang asawa upang mapagaan ang kalooban nito.
“Siguro nga ay tama ka.” Nakangiting sabi ni Mona at naglakad na sa lababo upang hugasan ang iniwan ni James na pinagkainan.
Ang di alam ni Mona ay nakatitig ng mariin sa kanya ngayon ang kanyang asawa, ang mga mata ay puno ng pagkabahala at takot.
“Hindi ako pwedeng magkamali. Ang nakita ko sa mga mata niya kanina ay selos at inggit, ang nakatuon ito sa akin.”
“Ayos kalang ba hon?” Di namalayan ni Arthur na nakatulala na siya dahil sa lalim ng kanyang iniisip. Sinabi niya na lamang sa kanyang asawa na ayos lang siya at sinabing aakyat lang muna siya sa kanilang kwarto. Agad namang tumango si Mona at sinabing susunod ito sa kanya pagkatapos maghugas.
Nang makaalis ng kusina ay di na mapigilan ni Arthur na mapakuyom ng kamao lalo na ng muli niyang maalala ang ekspresyon ng kanyang anak kanina.
“Ang hiling ko lang ay sana mali ang akala ko.” Bulong ni Arthur sa kanyang sarili. Dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung tama ang hinala ko.
***
“Saan ka pupunta?” Tanong ni Arthur kay James ng makasalubong niya ito sa hagdanan.
“Kukuhanin ko lang yung alak na dinala ko para sayo dad. Nakalimutan ko na ilabas kanina eh.” Kamot-ulong sagot ni James sa kanyang ama. Wala nang nagawa si Arthur kung hindi tumango at sinundan na lamang ng tingin ang kanyang anak hanggang sa makababa ito ng hagdan.
Napabuntong-hininga na lamang siya at naglakad na papunta sa kanilang kwarto, imbes na sa kanilang kwarto mag-asawa ay nakita niya na lamang ang kanyang sarili sa harap ng pintuan ng kwarto ni James. Hinakawan niya ang doorknob at dahan-dahan itong binuksan, tumambad sa kanya ang simple ngunit malinis na kwarto ni James.
Wala namang kakaiba rito ngunit pakiramdam niya ay tila ba may mali rito. O hindi kaya ay may tinatago si James na kung ano sa kanyang kwarto.
Upang mapanatag ang kanyang loob ay naisipan niyang maghanap ng kakaiba sa kwarto ni James kahit na hindi niya rin alam ang kanyang hinahanap.
Ilang minuto pa ng kanyang paghahanap ay tila ba may nakapa siya sa ilalim ng kutson, nang inangat niya ito ng bahagya ay may nakita siyang compartment rito.
Napalunok siya ng laway at di mapigilang kabahan, mas lalong lumakas ang pakiramdam niya na may tinatago nga ang kanyang ama. At ang pakiramdam niya ay may kinalaman siya rito.
Pinakalma niya ang kanyang sarili bago buksan ang compartment, doon ay may nakita siyang box na itim. Kinuha niya ito mula sa compartment at nagdadalawang-isip pa kung bubuksan niya ito. Sa huli ay mas nanaig ang kanyang kuryusidad at ang kagustuhan na malaman kung ano ang laman ng kahon.
Nang buksan niya ito ay tila ba binagsakan siya ng langit at lupa. Nanigas ang kanyang katawan at tila ba nawalan siya ng lakas, nanginginig ang kanyang kamay habang hawak ang kahon at nakatingin sa mga laman nito.
“DADD!”
***
© RUSSENCE
BINABASA MO ANG
Ang Tinatagong Lihim ni James | SMUT
RomanceAno nga ba ang tinatagong lihim ni James?