“Yow James! Bat nakabusangot yang mukha mo?” Kakapasok pa lamang niya ng makarinig ang nakakairitang boses na sinabayan pa ng tawa. Agad niya itong sinamaan ng tingin ang lalaking nakaupo sa sofa ngunit imbes na tumigil ay mas lalo lang nitong nilakasan ang pagtawa. Tinaasan pa siya ng kilay nito na tila ba nang-aasar pa.Naiinis niyang nilagpasan ito at dumiretso sa meeting room. Umupo na siya at hinintay ang ibang mga kasama, naiinis man ay pinilit niyang pakalmahin ang kaniyang sarili.
“Tsk! Dadagdagan pa talaga ako ng problema.”
Maya-maya pa ay nagsidatingan na rin ang iba pang myembro ng kanilang grupo. Maliban kina Eros, Deavon, Luke, Damon, Eric at James, mayroon pa silang apat na mga kasama na kapwa rin mga lalaki. Ang kaninang tahimik na kwarto ay naging maingay, nagbatian lamang ang mga ito at saglit na nagkulitan bago tumayo ang kanilang lider kaya naman agad rin silang tumahimik.
“Let's start this meeting.” Sabi nito at nagtanguan ang lahat bilang tugon.
“Deavon, tell us what did you find about the other clubs activities?” Tanong ni Eros kay Deavon bago umupo upang hayaan ito na magsalita at pakinggan ang mga sasabihin nito.
“Una sa lahat, nagsimula nang kumilos ang tatlong grupo. Hindi pa kompirmado kung ano ang kanilang plano pero nagiging agresibo sa kanilang mga ginagawa, ang balita ko ay talamak na ang pagbebenta ng drugs ng ZERO sa mga kalapit na paaralan. Alam nila na mahihirapan na silang magpasok ng mga kontrabando dito sa teritoryo natin kaya naman sinusubukan nilang gawin ito sa mga kalapit na lugar, nagkakaroon na rin sila ng mga pagtatalo sa mga grupo mula sa ibang lugar.” Tumigil muna ito si Deavon sa kanyang pagbabalita at tinignan ang reaksyon ng bawat isa, kita niya ang inis sa mga mukha nito. Alam niya na naiinis ang mga ito hindi dahil sa pagbebenta ng mga ito ng drugs, kung hindi ay ang oras na kailangan nilang sayangin para ayusin ang gulong ginagawa ng ibang grupo.
“Hindi lang iyon, nabalitaan ko rin na pinipilit nilang pagamitin ng droga ang ilan sa mga estudyante upang makontrol nila ang mg ito at sila ang gagamitin nila bilang tau-tauhan sa paaralan na iyon.”
“Alam kong narinig niyo na rin ang balitang ito. Isang babaeng estudyante ang nagpakamatay sa katabi nating school sa Chugchugan University noong nakaraang linggo lang, ayon sa imbestigasyon ko ay isa siya sa mga pinilit ng ZERO pero nanlaban siya kaya naman ginawa na lang siyang laruan ng mga ito upang magtino.” Pagpapatuloy niyang paliwanag, muli niyang tinaas ang kaniyang tingin at nakitang kalmado lang ang lahat. Kita sa mga mata ng iilan na wala silang pakialam sa kung ano ang nangyari sa babae.
“So? Anong gusto niyong gawin natin ngayon dyan?” Bagot na tanong ni Eric habang tinitignan ang kanilang lider at hinihintay ang magiging sagot nito pero tila ba wala itong pakialam sa kaniya at kaniyang sinasabi dahil ang atensyon nito ay nakatuon kay Deavon habang hinihintay ang mga susunod nitong sasabihin.
“Continue.” Sambit nito habang nakatingin kay Deavon na agad namang tumango at pinagpatuloy ang kaniyang trabaho.
“Susunod naman ay ang DAISY, hindi pa rin alam kung ano ba ang plano nila at kung anong gusto nilang mangyari, muli na naman silang nag recruit ng mga bagong members at sa pagkakataon ngayon ay tila ba nagmamadali sila sa sobrang dami ng kanilang kinukuhang mga bagong myembro. Sa pagkakaalam ko ay nagsisimula na rin sila ulit sa paghahanap ng mga lalaki.” Habang sinasabi ang mga ito ay hindi niya maiwasan na ipakita pagkadiri niya sa grupong ito. Pero ang ilan sa mga myembro katulad ni Damon ar Eric ay halos magliwanag na ang mga mata ng marinig ang grupo na DAISY.
“Umayos kayong dalawa. Alam niyong baliw rin ang mga babaeng yon.” May inis na sabi niya habang nakatingin sa dalawang lalaki dahilan para mapalamot ang dalawa sa ulo.
“Masyado rin silang malihim at maingat sa mga galaw nila kaya naman kaunti palang ang nakukuha kong impormasyon sa kanila.”
“Ang huling grupo ay ang SASSY BRATS. Sa kanila palang na grupo ang alam ko na plano, gusto nilang pabagsakin ang ibang grupo. Lalo na ang club natin lalo na at tayo ang pinaka-hadlang sa kanilang mga plano, kahit naman siguro ang dalawang grupo ay ganoon rin ang plano pero tanging sila lang ang lakas loob na nagpapakita ng intensyon nila na pabagsakin ang grupo natin. Sa ngayon ay wala pa naman silang ginagawa na direktang makaka-epekto sa atin, pero kailangan na nating umaksyon agad dahil malapit ng makialam ang mga pulis” Pagkatapos magsalita ni Deavon ay agad siyang umupo. Sari-sari naman ang reaksyon at emosyon ng ibang mga myembro.
Si James ay tahimik lamang habang tinitignan ang iba, nagsimula na ring magbigay ang mga ito ng sarili nilang opinyon at kung ano sa tingin nila ang dapat nilang gawing aksyon upang ayusin ang gulong ito.
Natigil ang lahat ng hampasin ni Eros ang lamesa gamit ang kanyang kamay sa pagtayo nito dahilan para matahimik ang lahat at mapunta sa kaniya ang atensyon nila.
“Alam kong busy kayong lahat- Pero dapat alam niyo ang mga responsibilidad niyo sa pagsali sa grupong ito.” Habang nagsasalita ay pasimple niyang pinasadahan ng tingin si James na tila ba sinasabi na wala kang magagawa kung hindi sumunod sa mga utos ko.
“Eric, Damon, Uriel at Klein kayo ang bahala sa ZERO.” Pagbibigay niya ng utos sa apat, napangiwi na lamang ang dalawang babaero na sina Eric at Damon ng marinig na napunta sila sa ZERO at hindi sa DAISY habang ang dalawang natitira ay tumango bilang tugon.
“Si Luke, Hiro, at Sander ang bahala na mag-imbestiga sa DAISY. Kailangan kunin lahat ng datos na kaya niyong makuha sa kanila.” Pag-uutos nito sa tatlo na agad ring tumango.
“At sa huling grupo. Ako, si Deavon at James na ang bahala. Alam kong alam niyo na ang gagawin niyo, siguraduhin niyo na magiging maayos ang lahat at ayoko ng magkakaroon ng bagong problema. Naiintindihan niyo ba?” Seryoso niyang sabi sa mga ito na agad ring tinanguan ng lahat. Agad na niyang tinapos ang meeting at hinayaan ang kaniyang mga myembro na mag usap-usap.
***
[A/N: balik tayo sa mag-ama next chap :>]
© RUSSENCE
BINABASA MO ANG
Ang Tinatagong Lihim ni James | SMUT
RomantikAno nga ba ang tinatagong lihim ni James?