Kabanata 3: Part 2

3K 61 5
                                    


“Hon bakit ang tahimik mo naman ata? May problema ba?” Nag-aalalang tanong ni Mona sa kanyang asawa ngunit hindi ito sumagot, nakahiga lamang ito at nakatakip ang braso sa kanyang mata. Ilang saglit lang ay nagsalita rin ito.

“Nasaan si James?” Tanong ni Arthur kay Mona na agad naman nitong sinagot. Sinabi niya na nagpaalam ito sa kanya kanina na aalis at may pupuntahan lang daw saglit, uuwi ito bago mag-hapunan.

“May problema ba? May masakit ba sayo o may masama kang nararamdaman?” Muling tanong ni Mona kay Arthur ngunit sa pangalawang pagkakataon ay hindi nito sinagot ang kanyang tanong. Bumangon ito sa pagkakahiga at doon ay nakita ni Mona ang namumulang mata ni Arthur na tila ba kakaiyak lang.

“P-Paano kung may nalaman kang isang bagay na makakasira sa isang pamilya, anong gagawin mo?” Maingat na tanong ni Arthur sa kanyang asawa. Nang marinig ang tanong na iyon ay naramdam niya ang biglang paninigas ng katawan nito, dahilan para agad niyang pagsisihan ang kanyang ginawa.

“Dapat ay hindi na ako nagsalita pa, dapat ay sinarili ko na lamang ito. Baka kung ano pa ang isipin niya at mabunyag pa ang bagay na iyon.” Nagsisising saad ni Arthur sa kanyang isipan.

Ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay iba ang dahilan ng pagkabigla ng kanyang asawa.

“A-Alam niya na ba? I-Imposible!” Nabigla siya ng marinig niya ang tanong ng kanyang asawa, nanlamig ang kanyang katawan at kung makikita lamang ni Arthur ang kanyang mukha ay makikita niya kung gaano kaputla ang mukha nito.

“Hahaha ano bang sinasabi mo hon?” Kabadong tanong ni Mona at itinulak si Arthur ng bahagya upang makausap ito ng maayos. Nagdalawang-isip pa si Arthur kung sasabihin niya ba ang totoo ngunit sa huli ay mas pinili niya na lamang na wag itong sabihin. Gusto niyang protektahan ang pamilyang ito, ayaw niyang masira at mas lalong ayaw niya na mawala ang kanyang aswa at anak kahit pa na may mali itong nagawa.

Umiling na lamang si Arthur bilang sagot at nagsalita. “Wala iyon, kalimutan mo nalang na may sinabi ako.” ani niya at tumawa ng malakas. Si Mona naman ay tila ba nabunutan ng tinik sa lalamunan, gusto man niyang malaman kung ano ang nangyari at bakit nasabi ng kanyang asawa iyon, mas pinili niya na lamang na manahimik dahil natatakot siya na tungkol ito sa kanya.

“Sige na nga, basta kapag may problema ka wag mong sasarilihin okay? Nandito ako para sayo.” Matamis na sabi ni Mona sa asawa at nilapitan ito upang halikan, balak na sana nitong lumayo ng bigla siyang hinila ni Arthur at itinulak pahiga sa kama. Napatawa na lamang siya ng makita ang ngisi nito sa mukha, alam na alam niya ang gusto ng kanyang asawa sa tuwing ganito ang ginagawa nito kaya naman siya na ang ang nagkusang maghubad sa damit ni Arthur.

Isinanit niya ang kanyang kamay sa batok ng kanyang asawa at hinila ito upang halikan na agad namang tinugunan nito, nagsimula na ring maglakbay ang mga kamay ni Arthur sa katawan ni Mona habang sila ay naghahalikan.

Ilang sandali pa ay si Arthur na ang unang humiwalay at agad na tinulungan ang kanyang asawa na tanggalin ang suot nitong damit. Pagkatapos ay muli na namang nagdikit ang kanilang labi.

Parehas na nag-iinit ang dalawa, tanging mga tunog ng kanilang paghahalikan lamang ang maririnig, at ang kanilang mga kamay na naglalakbay sa katawan ng bawat isa.

Ngunit tanging ang dalawa lamang ang magsasabi kung sino ba talaga ang tao na nasa isipan nila habang ginagawa ang mga bagay na ito.

***

“It's too early to drink.” Pagsaway ni Deavon sa kanyang kaibigan ng makita niya ang sunod-sunod na paglagok nito sa bote ng alak na para bang tubig lang ito. Nasa loob sila ngayon ng bar na pagmamay-ari ni Deavon at isa sa paborito nilang tambayan dalawa.

Si James naman ay tila ba walang naririnig at patuloy lang sa pag-inom, hindi niya makalimutan ang mukha ng kanyang amang galit na galit. Alam niya nang mangyayari ito ngunit di niya pa rin mapigilan na madismaya dahil nagpapatunay lang ito kung gaano ka-mali na minahal at pinagnanasaan niya ang kanyang ama.

“Kailan ka magsisimula?” Tanong muli nito kay James, sa pagkakataon na to ay nilingon na siya ni James ngunit hindi ito nagsalita. Kilalang-kilala niya ang binata, alam niyang magaling itong magpanggap ngunit pagdating sa usapin ng kanyang ama ay tila ba nawawala ito sa wisyo. Hindi ito makakausap ng maayos dahil ang isip at atensyon nito ay nasa kanyang ama lang.

“Mamaya.” Sagot nito pagkatapos ng ilang saglit dahilan para matigilan at mapasigaw si Deavon.

“Anong ibig mong sabihin na mamaya?! Nababaliw ka na ba?!” Gulat na gulat na tanong nito at napatayo pa sa kanyang inuupuan.

“H-Hindi ko na kayang pigilan pa ang sarili ko. Mas mabuting isugal ko na ang lahat!” Matigas na sambit nito at kitang-kita ang determinasyon sa kanya, napailing na lamang si Deavon ng makita ang itsura ng kanyang kaibigan at hindi mapigilang mag-alala para rito.

“Sana alam mo ang ginagawa mo.”

***
[A/N: Lasing si James, kapag may alak may ____?]
© RUSSENCE

Ang Tinatagong Lihim ni James | SMUTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon