Kabanata 7: Part 1

1.9K 51 1
                                    


“Look at them! Omg so hot and pogi nila!” Kinikilig na hiyaw ng isang babae habang pinapalo ang braso ng kanyang kaibigan. Halos maghugis puso ang mga mata nito habang nakatingin sa grupo ng limang kalalakihan na naglalakad sa hallway.

“Magtigil ka nga dyan, as if naman papatulan ka ng mga yan.” Pagsaway ng babae sa kanyang kaibigan habang inaayos ang kanyang salamin ngunit tila ba hindi rin ito narinig dahil puro hampas pa rin ito sa kanyang braso.

Tinignan ng babaeng nakasalamin ang limang lalaki, tinignan niya ang mga itsura nito at di mapigilang mapailing.

“Sino ba namang hindi kikiligin kapag nakita sila?” Sambit nito sa isipan. Natigilan na lamang siya ng magtama ang tingin niya sa isa sa mga lalaking kaniyang ino-obserbahan, pakiramdam niya ay tumigil ang mundo niya ng ngumiti ito sa kanya at kumindat. Pakiramdam niya ay uminit ang kanyang mukha at sigurado siya na namumula na ang kanyang mukha, napayuko na lamang siya sa hiya.

Hindi niya alam ngunit bigla siyang kinabahan ng tumahimik bigla ang paligid, tanging ang naririnig niya na lamang ay ang mga hakbang na papunta sa direksyon niya. Di niya na napigilan pa ang sarili at iniangat ang ulo upang tignan ang nangyayari, natuod na lamang siya sa kanyang kinatatayuan nang makita ang lalaking naglalakad papalapit sa kanya.

Kapansin-pansin ang makulay na blonde na buhok nito at ang mga piercings nito sa tenga. Typical na badboy at playboy ang datingan nito na sinamahan pa ng gwapo nitong mukha, idagdag pa ang kaakit-akit nitong katawan na ibinabalandra niya dahil nakabukas ang polo nito at hapit na hapit ang sando na suot sa katawan. Kaya kitang-kita niya ang hulma ng katawan nito dahilan para mas lalong uminit ang kanyang mukha.

Rinig niya ang pagsinghap ng kaniyang kaibigan nang tumigil sa harap niya ang lalaki. Malaki ang ngiti nito habang nakatingin sa kaniya, pakiramdam niya ay matutunaw na siya sa paraan ng pagtingin nito at halos manginig na rin ang kaniyang mga binti.

“My name is Damon, how about you miss pretty?” Nakangiting pagpapakilala nito at inabot ang kaniyang kamay. Napalunok pa ang babae bago siya nakipagkamay kay Damon.

“M-My name is A-Aiko.” Nauutal at nahihiya na pagpapakilala ni Aiko sabay yuko dahil sa hiya, agad namang lumaki ang ngiti ni Damon at hinakawan ang baba ni Aiko upang iangat ito. Nang magtama ang kanilang mga mata ay mas lalong namula ang mukha ng babae habang si Damon naman ay masayang pinagmamasdan ang mukha nito.

Nang magsawa ay binawi niya na ang kaniyang kamay at nakipagkilala na sa babae.

***

Mula sa malayo ay napailing na lamang ang apat nang makita ang kaibigan nila na umalis na at iniwan sila para sa babae.

“New victim huh.” Rinig na bulong ni James mula kay Deavon dahilan para mapailing siya.

“Wala namang bago.” Rinig rin niyang sabi ng isa pa niyang kaibigan na si Luke habang ang tingin nito ay nasa libro na binabasa, pagkatapos magsalita ay agad rin itong tumahimik at tila ba nawalan na rin ng pakialam sa paligid. Tanging sa librong binabasa lamang nito nakatuon ang kanyang atensyon, dahilan para muling mapailing si James.

“Let's go. We have to go to our club.” Agad namang tumango si James nang marinig ang sinabi ni Eros. Ito ang ikalimang myembro ng grupo at ang pinaka-mature sa kanila, dahilan para siya ang maging lider at president ng club na kinabibilangan nila.

Umalis na ang apat at hindi na tinawag pa si Damon, hinayaan na lamang nila ito dahil mukhang nag-eenjoy ito sa bago niyang biktima.

Ilang sandali pa ay nakarating sila sa isang building na may apat na palapag. Agad na nagtungo ang apat sa pinakataas na palapag, tahimik lang ang lugar habang paakyat sila at kapansin-pansin na walang estudyante rito maliban sa kanila.

“Ano nang balita sa tatlong club?” Tanong ni Eros sa kanyang mga kasama, nagtingin ang tatlo at nagturuan pa kung sino ang magsasalita. Sa huli ay si Deavon na ang sumagot sa tanong ni Eros.

“E-Ehem! Ang rinig ko ay nagsisimula na silang gumalaw, ang balita ko ay umabot na rin ang galamay ng ZERO sa mga kalapit na school.” Paliwanag niya kay Eros, hinintay niya ang sasabihin nito ngunit sa huli ay hindi ito nagsalita pero kita nila ang pagkunot ng noo nito.

“Tsk! Dagdag problema pa ito.” Reklamo ni James nang marinig ang sinabi ni Deavon, nakakunot na rin ang kanyang noo at di niya mapigilang mainis sa nangyayari.

“Mukhang nakakalimutan na ata nila kung sino ba talaga ang may-hawak ng school na ito.” Dinig niyang angal rin ni Luke, wala na ang atensyon nito sa libro na binabasa habang inaayos ang kanyang salamin at seryoso ang mukha.

“Malapit na akong umalis, dapat ay may pumalit na sa akin ngayong buwan.” Natigilan ang tatlo nang marinig ang sinabi ng kanilang lider. Hindi nila alam kung seryoso ba ito sa kanyang sinabi o nagbibiro lang, pero kilala nila ito kaya naman alam nilang hindi ito nagbibiro.

“Ikaw ang inaasahan ko James.” Dagdag pa nito at nilingon si James dahilan para mapatigil ito sa pag-akyat, natameme ito ng marinig ang sinabi ni Eros.

“NAGBIBIRO KA BA?!” Gulat na sigaw niya dahilan para mapatakip ng tenga si Deavon at Luke sa lakas ng sigaw nito.

“Hindi ko tatanggapin. Wala akong balak na saluhin lahat ng trabaho mo. Heck! Hindi ko nga alam kung kakayanin ko, besides alam mong may sarili rin akong mga plano!” Hindi niya na hinintay pa ang magiging reaksyon nito at nagmadali na sa pag-akyat ng hagdan hanggang sa maiwan ang tatlo sa kanilang kinatatayuan.

Tahimik at nag-aalalang nakatingin ang dalawa kay Eros at hinihintay kung ano ang magiging reaksyon nito, umiling ito sa kanila at nagsimula na ring umakyat. Nagkatinginan ang dalawa at nagkibit-balikat na lamang bago sumunod.

***
[A/N: Let's make it more complicated:>]
© RUSSENCE


Ang Tinatagong Lihim ni James | SMUTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon