Prologue

618 14 3
                                    

Prologue

LOVE IS WAITING

Sabi nila,

"Men are like buses----you miss one, there's always another."

Nasa terminal ka ng mga bus.

Iba iba biyahe.

May papuntang Cavite, Laguna, Alabang, Lawton, Fairview, at kung saan saan pa.

Maya maya andiyan na yung bus na matagal mong hinintay.

Pumwesto ka na

Ready na lahat

Pero ng tingnan mo ang laman ng bag mo, may nawawala na importanteng bagay sayo.

Paalis na ang bus, pero nawawala ang wallet mo. Hindi ka makakabayad ng pamasahe.

Bumaba ka at hinanap ang wallet. 

Nung nakita mo na ito, nakita mo rin na umalis na ang bus na dapat sana ay sasakyan mo, may pumalit na ibang pasahero sa pwesto mo kaya napuno na ang bus.

Nanghinayang ka, matagal ka rin naghintay para sa bus na yun.

Pag alis ng bus, nakita mo meron palang kasunod. Kanina pa ito nandun, hindi mo lang nakita. Kasi masyado mong inintindi ang bus na umalis.

Sasakay ka ba sa kasunod na bus? O hahabulin mo yung bus na hinintay mo ng matagal kasi nagbabakasakali ka na may bumaba at pasakayin ka pa.

Siya si Mika

Matagal siyang naghintay para sa lalaking magpapasaya sa kaniya

Pero ng maayos na ang lahat

Umalis ang lalaking matagal niyang hinintay.

May dadating pa kaya na magpapaligaya sa kaniya?

O hahabulin niya ang bus na matagal niyang hinintay dahil nagbabakasakali siya na may bababa sa bus na iyon at siya ang makakapag kumpleto dito?

Love Is WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon