Chapter 8- Girlfriend? Pulis? Driver?

77 6 2
                                    

A/N: Guys! (first time ko mag message) Salamat sa mga nagbabasa. Sa pagkakaalam ko kasi 3 tao lang nagbabasa nito. Pero nagulat ako kasi marami na rin siyang reads. Salamat po sa pagbabasa ng story ko. This is my first story. Kaya sana po magpatuloy pa rin kayo magbasa nito. Mahaba haba pa po. Marami pang mangyayari kay Mika. Sana po mag vote at mag comment po kayo. Maraming salamat and God Bless!

Andi's POV

Kagabi pa lang tinadtad na ako ng text ni Mika na maaga daw ako pumunta sa kanila. Kasal kasi ng isa sa mga pinsan niya e. Hindi kasi makakapunta Mommy ni Mika so ako na lang pinalit.

Pagdating ko sa kanila, nag door bell na ako. Si Kuya Gelo yung nagbukas, yung kuya ni Mika.

"Andi, buti na lang dumating ka na. Puntahan mo na si Mika, kanina pa nagwawala yun sa taas. Nagtatantrums ata e." 

Natawa naman kami pareho ni Kuya Gelo. Tapos umakyat na ako sa taas para pakalmahin si Mika. Kawawa naman ang baby e.

"Mika?" Inopen ko yung pinto ng kwarto ni Mika at nagulat na lang ako ng nakita kong napakadaming dress na naka-kalat sa kama niya. May mga make up din na nakakalat sa may table niya.

"Bes! Wala akong damit!!" Srsly? Sa dami ng nakalabas diyan, wala kang damit? Hiyang hiya naman ako sayo    -_-"

"Pumili ka lang kahit isa sa mga yan. Suotin mo kasi, andami mong dress oh. Bilib rin ako kay Tita sa walang sawa niyang pagbili ng dress mo kahit hindi mo naman pinapansin."

"Eeeeehhh... Kasi naman hindi ba pwedeng nakajeans na lang papunta ng kasal? Patingin ako ng sayo."

Umupo ako sa kama niya tapos nilabas ko yung dress na susuotin ko. Short blue dress siya tapos ipapares ko naman sa red bejeweled pumps. Nakita ko lang ang outfit na yun sa net kahapon tapos pumunta ako ng Mall para bumili ng kaparehas nun. Buti na lang may nahanap ako. May mga dress naman ako sa bahay pero ayaw kong suotin. Ayaw ko kasing umuulit ng damit.

"Ang ganda!!! Pano na ako!! Wala akong masuot? Wag na lang kaya ako pumunta?" Tinakpan niya yung mukha niya gamit ang unan tapos dumapa sa kama. Siya yung kamaganak tapos siya pa hindi pupunta sa kasal.

"Alam ko na kung bakit ka nagkakaganyan. Iniisip mo sila no?" 

Nag nod lang siya. Sabi ko na eh!

Simula bata pa lang si Mika, ayaw niya na sa mga pinsan niya. Pero hindi lahat ah. Mabait naman sila e. 2 lang sa kanila yung kinaiinisan ni Mika. Maaarte daw kasi tapos ang plastic pa sa kaniya kahit wala naman siyang ginagawa.

Tumayo ako tapos nagsimulang halungkatin yung mga dress na nakakalat sa kama.

Ang gaganda naman ah! Mas maganda pa nga to kesa sa susuotin ko e. Hay si Mika talaga. Kaya siguro hindi siya makapili kanina pa dahil naiinsecure siya sa mga pinsan niya at pagtitinginan na naman siya mula ulo hanggang paa. Yan ang dahilan ng pagsama ko sa kanila sa kasal, para di siya ma OP.

"Mika, ang ganda nito oh! Actually ang dami mong magagandang damit. Bakit hindi mo sinusuot mga to?"

Nakatulala lang siya sa kama niya. 

"Bes, eto suotin mo!" 

Tinaas ko ang isang black dress na fitted tapos white yung sa baba niya.  

Kinuha ko din yung nude YSL platform shoes na nasa sahig.

"Tingin mo?"

"Oo naman! O tara na mag ayos na tayo! Sa kapal ng buhok mo, matagal ikulot yan."

Love Is WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon