Chapter 10- Sabotage

68 7 3
                                    

A/N: Walang magawang matino sa buhay si Mika at Andi! >.< Pagbigyan!

*Mall

Kumakain kami ngayon ni Andi sa fast food na madalas naming kainan.

Pansin niyo ba tuwing magkikita kami, lagi na lang kami kumakain?

E bakit ba? Mabilis kami magutom e!

"Boring. Gusto ko gumawa ng bago. Yung masaya."

Kumuha ako ng tatlong fries tapos sabay sabay kong sinubo. Wala ng poise poise! Gutom e!

"Ano namang gusto mong gawin?" Sabi ko sa kaniya habang ngumunguya.

"Ewan ko nga e."

"Tara ikot ikot tayo."

Iniwan namin yung pagkain sa table tapos nag ikot ikot sa Mall. Sayang! May ice cream pa yung float ko e!

Nakatitig lang kami ni Andi sa may baba. Nandito kasi kami sa may pinakataas ng Mall.

"May naisip ako."

"ano naman yan ha?"

"watch and learn."

Kumuha si Andi ng papel sa bag niya tapos ginawa itong bilog. Tapos hinagis niya sa baba. Umupo kami para di kami makita sabay hila sa akin papunta sa shop na katapat lang namin.

"Baliw ka talaga Andi!"

"Papel lang naman yun no. Wala naman sigurong nasaktan dun."

"Tara tignan natin nangyari."

Tawa kami ng tawa. Lakas talaga ng trip ng babaeng to. Wala nga talaga siyang magawa. Sumilip kami sa may baba. May lalaking matanda na nakatingin sa itaas. Hawak hawak niya isang cup ng juice. Nahulog yung papel ni Andi dun.

"Andi! Patay ka hinahunting ka na ng lalake!"

"Hayaan mo siya maghanap!"

Bumalik ulit kami sa shop tapos tumawa ng tumawa. Grabe di na kami makahinga. Una sa kabusugan, pangalawa sa lalakeng nasayang ang juice. Kung nakita niyo lang sana yung ichura niya, G na G talaga! Nakakunot yung noo ng lalake tapos tumitingin siya sa paligid niya. Di man lang tumingin sa taas! Hahaha! As if naman makita niya pa yung naghagis ng papel dun.

Kuya pwede pa yun! Wala pang 5 minutes!

Nagikot ikot ulit kami ni Andi sa Mall. Naghahanap ng pagtitripan. Tinatry kong patigilin yung escalator gamit ang paa ko e. Yung mga kaklase ko kasi ng highschool nagagawa yun. Paa lang daw ang gamit. E 2nd year college na ako di ko pa rin magawa!

"CR tayo. Parang nachacharlie ako. O kinakabag ata. Puro hangin ang pumasok tawa kasi tayo ng tawa kanina e."

"Bilis ng karma! Hilig mo kasing mantrip e!"

A/N: (Charlie, meaning no. 2, najejebs, napupupu, alam niyo na yun! Malaki na kayo!)

Ang haba ng pila sa restroom. Tas idagdag niyo pa yung mga babaeng nagkukumpulan sa mga salamin para mag ayos.

Tsss.. Ayos ayos pa! Di na kelangan yan!

Pag labas ko ng CR, wala na si Andi. 

Nauna na ata siya. Pag labas ko andun na nga siya. Siya pa talaga nauna ah. Akala ko ba nachacharlie siya?

"False alarm?"

"Umurong e. May nakita kasi akong mas magandang pag tripan. Sigurado akong ikatutuwa mo. Ikatutuwa mo, sigurado ako."

Love Is WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon