After namin kumain, umalis na kami ng Mall since gabi na rin naman yun at may pasok pa kami bukas.
Pag labas namin, nagpaalam muna ako sa kanila na bibili lang ng candy sa nagtitinda sa gilid.
Pumayag naman sila so naglakad lakad na ako para bumili.
"Manang, candy nga po. 10 pesos."
Nilabas ko yung wallet ko at kumuha ng barya.
Naririnig ko naman yung mga lalake sa gilid na parang may binubulong.
"Ang ganda nito pre ah."
"Oo pre, ano? Ituloy na natin?"
"Mukha naman siyang walang kasama, hindi rin naman mukhang papalag to. Madadalian lang tayo diyan."
Medyo natakot ako sa mga narinig ko kaya ng binigay na sa akin ni manang yung candy, umalis na rin ako agad.
Pero pagkatalikod ko, nandun na yung mga lalake. Hindi naman ako makadaan dahil nakaharang sila.
O.O
Oh no!!!
Pano na to?
Medyo malayo ang pinaroroonan nila Aldrin. Hindi nila ako nakikita dito.
Si manang naman na nagtitinda sumigaw na at tumakbo so that means ako na lang mag isa dito.
PATAY NA!!!
Tatakbo na sana ako nang nakita ko si Jake na hinila yung damit ng isa sa mga lalake at sinuntok ito. Lalaban sana yung lalake pero di siya nakabawi ng suntok. Ganun din ang ginawa niya sa dalawa.
"Jake sa likod mo!"
sigaw ko sa kaniya ng makita ko yung isa sa mga lalake na susuntukin dapat siya.
Tumalikod naman agad si Jake at nahawakan niya agad ang kamay ng lalake at inikot ito.
Yung tatlong lalake may mga sugat na at may dugo na labi nila. Kahit mag isa lang siya, nagawa niya pa rin mapatakbo yung mga yun.
Lalapit sana ako sa kaniya para magpasalamat.
Si Paula at Aldrin naman tumatakbo papunta sa amin at hingal na hingal.
"Ano nangyari?" Sabay na sabi ni Aldrin at Paula
"SA SUSUNOD WAG KANG AALIS NA WALANG KASAMA!"
Napatingin ako kay Jake. Actually nagulat dahil ngayon ko lang siya nakita na galit.
Ay mali.
GALIT NA GALIT!
Hindi ko maintindihan! Muntik na nga akong mapahamak tapos magagalit pa siya sa akin?
"E KUNG HINDI PA AKO PUMUNTA DITO, E DI WALA PANG TUTULONG SAYO?!"
Nakatungo lang ako.
Alam kong kasalanan ko pero hindi ko naman alam na may mangyayaring masama e di sana hindi na ako pumunta dito kung alam ko diba?!
Si Paula naman nilapitan si Jake at hinawakan ang kamay nito.
"Jake, calm down. Ano ba ang nangyari?" Kita sa mukha ni Paula at Aldrin ang pagtataka. Oo nga pala, hindi pa nila alam ang nangyari.
Ano bang problema ng lalake na to?
"So-so-sorry Sir Jake.."
Nag sorry ako sa kaniya tapos tumakbo na ako papalayo sa kanila.

BINABASA MO ANG
Love Is Waiting
RomanceSiya si Mika Matagal siyang naghintay para sa lalaking magpapasaya sa kaniya Pero ng maayos na ang lahat Umalis ang lalaking matagal niyang hinintay. May dadating pa kaya na magpapaligaya sa kaniya? O hahabulin niya ang bus na matagal niyang hininta...