A/N: sorry sa napaka dramang update! Pag bigyan niyo na. First time mag ka POV ni Jake. Malalaman niyo na ang side niya. Pero mamaya pa ang POV niya, kay Mika muna to. Enjoy reading! :*
Dinededicate ko nga pala ang Chapter na to sa bestfriend kong si Razzelle Ocampo, and number one fan ni Jake. ETO NA POV NIYA!
Kainis! Traffic!
Ang init pa sa bus na nasakyan ko. Sira ata ang aircon e. Pagtingin ko sa relo ko, quarter to 8 na. Patay! 15 minutes na lang! Sana naman hindi ako ma late sa meeting namin.
Pinatawag kasi ng chairperson namin lahat ng president ng bawat class sa department namin. Pag uusapan daw about sa darating na Christmas Presentation namin.
Parang ang highschool no? Nagulat din ako diyan ng 1st year pa lang ako e. Pati sa college pala may mga presentation din. Last year, kumanta lang kami ng mga kaklase ko ng I Celebrate the Day ng Relient K. Di naman contest yun e. Ngayon, gusto daw nila sumayaw. Parang ballroom daw. Hate ko pa naman sumayaw!
From Shane:
Mika, saan ka na? Start na tayo in 5 minutes! Nakita ko si Ms. de Leon kanina kakarating niya lang. Dalian mo!
Eto na po eto na! Tatakbuhin ko na lang papuntang school. Kesa naman mag sidecar ako. P30 isa? Mas mahal pa sa pamasahe sa jeep e. De gas din ata mga paa ng ma sidecar drivers dito e. Grabe maningil.
3 minutes! Kaya pa!
Takbo ako sa hallway. Nung may nakita akong professor, naglakad na lang ako. Baka pagalitan pa ako nun e! Pero paglagapas niya takbo ulit ako. Sa 4th floor yung room na pagmimeetingan namin.
1 minute! Go go go!
Sana talaga may elevator o kahit man lang escalator dito sa school namin. Pagod na pagod na ang mga paa ko kakatakbo. Dang init pa!
Eto na 4th floor! Room 417.
"Good Morning Ms!"
"Good Morning Ms. Santos. Take your seat. Hinga ka lang."
Pag upo ko, parang umakyat yung dugo ko hanggang ulo. Malamig sa room pero walang epekto. Kinuha ko yung panyo ko para pamunas ng pawis. Buti na lang mabango pa rin ako kahit pawisan.
Bangong bango sa sarili.
"Start na tayo. Total kumpleto na rin naman. Saglit lang ang meeting na to. Walang namang 1st year dito so siguro naman alam niyo na kung ano mangyayari ngayon."
Inopen niya yung powerpoint presentation. May mga pictures ng mga performance namin last year.
"Para sa mga 2nd year students, last year diba ang tumulong sa inyo ay ang mga adviser niyo. Ngayon naman ang tutulong sa inyo, ang Professor niyo sa major subjects."
Dalawa lang naman ang major subjects namin e. Drawing Techniques at Typography. Si Sir Montenegro at si Jake ang Professor ko sa subjects na yun. So sino sa kanila ang tutulong sa amin Multimedia Arts students?
Si Sir Montenegro, tanda na nun e! 97 years old na ata yun. Sungit pa! Pero mas gugustuhin ko naman siya kesa kay Jake no! Ang awkward kaya nun. Lalo na ngayon na may girlfriend siya I mean fiancé pala at sinigawan niya ako no! Di ko pa rin makakalimutan yun. Kainis siya!
"MMA, si Sir Montenegro sa inyo."
Yown! Nakahinga ako ng maluwag dun! At least hindi nakakailang pag kay Sir Montenegro.
Pero medyo nalungkot din. Kahit papano umaasa din ako na si Jake yung mapupunta sa amin. Ewan! Ang gulo ko!
"Class presidents, kaya ko kayo pinatawag dahil hindi lang ang mga naka assign na Professor ang magtuturo sa inyo. Magtutulungan kayong dalawa. Meaning, kayo ang gagawa ng steps, or kung kanta man yan, kayong dalawa ang magtuturo ng song sa mga classmates niyo."

BINABASA MO ANG
Love Is Waiting
RomanceSiya si Mika Matagal siyang naghintay para sa lalaking magpapasaya sa kaniya Pero ng maayos na ang lahat Umalis ang lalaking matagal niyang hinintay. May dadating pa kaya na magpapaligaya sa kaniya? O hahabulin niya ang bus na matagal niyang hininta...