Jake's POV
"Here, try this one."
Sabi sa akin ng designer habang inaabot sa akin ang isang tuxedo.
Kinuha ko ito at pumasok na sa fitting room. Tama lang ang sukat. Sakto lang sa katawan ko. Lumabas na ako at sakto rin ito sa paglabas naman ni Paula sa kabilang fitting room.
Nandito kami ngayon sa designer ng magiging damit namin sa wedding. Pati ang mga bridesmaid, ninong, ninang, lahat, dito rin magpapagawa. Pero siyempre kami muna ang inuna nilang gawan para masukat na namin.
"You look fabulous on that wedding gown, darling! Gorgeous!"
Sabi ng designer habang tuwang tuwang iniikot ni Paula ang suot suot niyang wedding gown.
Tama siya, bagay nga kay Paula ang wedding gown na suot niya ngayon.
Pinilit kong ngumiti kahit sa loob loob ko, si Mika talaga ang nasa isip ko.
Sana siya na lang ang kasama ko ngayon. Sana siya na lang ang nagsusuot ng wedding gown na yan.
Maya maya pa ay dumating na si Tito Gerry, ang Dad ni Paula. Lumapit siya sa anak niya at hinalikan ito sa noo.
I nodded, bilang pagbati sa kaniya at sabay ngumiti.
"Perfect. Bagay na bagay sa'yo anak."
"Thank You Daddy!"
Niyakap siya ni Paula ng mahigpit
"Anything for my princess."
Tumingin si Tito Gerry sa akin na seryoso ang mukha.
"Jake, pwede ka bang makausap saglit?"
Andi's POV
Pinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim. Asan ba kasi si Mika? Sa pagkakataong ganito pa siya nawala sa tabi ko.
Inhale..
Exhale..
Kaya mo yan Andi!
Fighting! Aja!
Hinawakan ni Nathan ang kamay ko
"Dont worry. Di sila nangangain."
Kahit kinilig ako sa sinabi niya, hindi pa rin nawala ang kaba ko. Andiyan pa rin siya, hindi natitinag. Pero konti na lang. Medyo nabawasan na dahil sa lakas ng kilig powers ni Nathan.
Hinawakan niya ang door knob.
Eto na..
Inikot niya at binuksan na ang pinto.
Eto na talaga..
Pagbukas ng pinto, eto na nga ba ang ineexpect ko na mangyayari.
Lahat sila nakatitig sa akin. Yun para bang anytime babalatan nila ako ng buhay.
Pinisil ni Nathan ang kamay ko. Ngumiti lang ako sa kanila. Di naman pala sila masungit. Ngumiti rin sila sa akin.
Maya maya pa ay may isang grupo ng mga kababaihan ang lumapit sa akin at hinila ako papalayo kay Nathan.
"Kuya, peram muna ah. Behave kami promise! Kami bahala."
"Uy, ingatan niyo yan. Pinaghirapan ko yan."
Nakatingin lang ako sa kaniya habang hinihilinpa rin nila ako palayo. Mga teenagers lang din sila pero siguro mas matanda si Nathan sa kanila kasi tinawag nilang Kuya e.

BINABASA MO ANG
Love Is Waiting
Любовные романыSiya si Mika Matagal siyang naghintay para sa lalaking magpapasaya sa kaniya Pero ng maayos na ang lahat Umalis ang lalaking matagal niyang hinintay. May dadating pa kaya na magpapaligaya sa kaniya? O hahabulin niya ang bus na matagal niyang hininta...