Chapter 5- Almost

90 8 0
                                    

"Mika! Tignan mo to dali!"

Sigaw sa akin ni Andi habang nakaharap siya ngayon sa laptop ko.

Andito siya ngayon sa bahay dahil ayaw niya pa daw umuwi.

Pinatay ko naman ang tv at tumabi kay Andi na nakaupo ngayon sa sofa.

"Ano ba yun?"

"May nag post sa iyong magandang wall my dear!"

Nagtaka naman ako sa nakita ko. 

Bakit ganito post ni Aldrin sa wall ko?

 Its kinda weird how we say that we are friends but dont even see each other or talk often. Well, but it would be weirder if I say you are not my friend and yet i care for you this much.

"Hala bat ganyan ang post niya?"

"Aba e malay ko? Baka di makatulog simula nung nag dinner kayo."

"Di makatulog sa laki ng nilugi niya. Ang dami kaya namin nakain!"

"Ay day di mo na kelangan sabihin alam ko yun. Ikaw ba naman kumain e, malamang madami talaga yun."

Tumingin lang ako ng masama kay Andi. 

Binigyan ko siya ng aaaaah-ganun-e-kung-umaalis-ka-na-diyan-bago-ako-may-gawin-sayo look.

"Ano naman isasagot ko diyan?"

"Wag mo replyan kung ayaw mo"

Chineck ni Andi ang profile ni Aldrin at tinignan ang iba pa niyang mga posts

"Eh para naman ang taray ko masyado."

Kinuha ko ang remote at binuksan ulit ang tv. Ano naman isasagot ko dun? Thank you? Okay? Hehehe?

"I-like mo na lang para wala kang problema."

O nga no! Bat di ko naisip yun. Total yun naman ang ginagawa ko sa mga di ko nirereplyan hahaha ^_____________^

Kahit baliw tong si Andi minsan nakakapag suggest din naman siya ng matino.

"Bes ang gwapo niya oh!"

Pagtingin ko, profile pictures na pala ang tinitignan ni Andi.

Ang gwapo niya nga. Lalo na dun sa isang picture na naka coat and tie siya.

Tapos may salamin pa.

Parang ser chief lang!

May pagka singkit din kasi siya tas may dimple pa sa kanang pisngi.

Ang ganda niya pala ngumiti kahit medyo tipid.

Ayyyy ano ba tong pinagiisip ko!!!

erase erase!!!

"Gwapo pa rin si Jake diyan."

Ipinaglalaban ko pa rin si Jake kahit may girlfriend na siya. Aba e hindi ko pa nakikita yun. Malay niyo pangit pala yun marealize niya na ako talaga ang para sa kaniya

MWAHAHAHAHAHAHAHA!!!!

^__________^

"May girlfriend na yun. First girlfriend niya yun so ibig sabihin mahal niya talaga yun. Ayaw lang kita masaktan mag move on ka na girl."

Eto naman! Panira talaga to ng moment! 

"Bes, how can I move on when I'm still in love with him?"

Love Is WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon