Chapter 3- Guard your heart!

142 8 1
                                    

First day of school ng makilala ko siya. 

1st year highschool lang ako nun at transferee kaya wala pa akong kilala.

Pagkahatid sa akin ng daddy ko sa school dumiretso na ako sa may stage dahil dun naka post at malalaman kung anong section, room at kung sino ang adviser mo. Lumapit ako sa mag table at tinanong naman ako ng dalawang nakaupo dun kung ano ang name ko.

"Mikaela Denise Santos po, first year."

"Ah okay kay Ms. Reyes ka. Diretso ka dito, tapos pag dating mo sa 3rd floor kumanan ka. Yung unang room na makikita mo, yun ang class room mo."

Pumirma ako dun sa registration form at umakyat na.

Katabi ko nun si Andi. Transferee din siya kaya nagkasundo kami agad.

Bumaba kami ni Andi para bumili ng pagkain sa canteen. Pagkatapos ay bumalik na rin kami sa room para dun kumain ng recess.

Nakasalubong namin si Jake pero di ko pa siya nun kilala. Nilapitan niya ako at tinanong, "Si Ms. Reyes ang adviser mo?"

"Oo, bakit mo tinatanong?" Si Andi na lang ang sumagot sa kaniya.

"Wala" tapos umalis na siya.

Pag pasok namin sa room, tinawag ako ni. Ms. Reyes at tinuro yung nakasulat sa white board.

"Para saan po yan ma'am?" Sabi ko sa kaniya habang binabasa yung nakasulat.

0927******* -Jake

"Sinulat ni Jake kanina. I think he likes you. Text mo daw siya." Agad agad? E hello first day pa lang? Ang ganda ko.

"Ako po talaga magtetxt?" Ang hangin niya ah. Bat ako una magtetext e babae ako. At bat ko siya itetext no?

"Alam mo marami nagkakagusto kay Jake dito sa School. Matalino at madalas sinasali sa contest at napapanalo naman niya ang mga yun. Baka ikaw ang una niya maging girlfriend, you’re so lucky” she's a star but she cry, cry, cries in her lonely heart, thinking if there's nothing missing in my life then why do these tears come at night? 

ayyy.. iba pala yun.

kanta pala yun >.<

Noon ang tingin ko sa kaniya presko kasi nga first day pa lang nayabangan na ako. Pero nagbago ang tingin ko sa kaniya ng nagtagal.

Naging magkaibigan kami. Madalas kaming magkausap sa text at sa school.

Kahit nung nakagraduate na sila Jake, di pa rin natigil ang communication namin. Pero ng 3rd year college na siya, dun na siya tumigil magtext. Siguro dahil naging busy siya sa school at ako din naman dahil nagti-thesis na kami nun.

Hanggang sa hindi na talaga kami nakakapag communicate. Wala na akong balita sa kaniya. Hindi ko alam kung nagkagirlfriend na siya.

Kaya nung pumasok siya sa room namin at sinabing Prof namin siya, nagulat talaga ako. Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko alam kung ano dapat ang maramdaman ko.

Friday na pala

Friday na..

FRIDAY NA DUDE!!!!

Makikita ko na ulit si Sir Jake.

Pagkapasok ko ng room. Hala ang mga kaklase ko, nag aayos?

"Rej, anyare? Anmeron? Bat nag aayos? Grad Pic? Class Picture?"

Love Is WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon