Chapter 11- Ferrero or Meiji?

62 6 4
                                    

One of the simplest way to stay happy is letting go of the things that makes you sad

A/N: Hindi ko kilala ang author ng quote na yun. Pero maganda diba? Tamang tama para sa chapter na to. Sorry natagalan sa Pag update. Wala talagang pumapasok sa utak ko. Busy rin sa school. Finals kasi namin e. Anyway, eto na Chapter 11. Sana magustuhan niyo. Salamat talaga sa mga patuloy na nagbabasa nito. Sa mga pinilit ko, HAHAHA thank you!

Love you guys! :*

"Bes" hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya at hinigit ito.

Tumunog na naman kasi ang radar ko.

Gwapo alert 

Gwapo alert 

Gwapo alert

Nandito kami ni Andi ngayon sa Mall.  

Hep hep! Hindi para kumain! Actually nandito kami para maghanap ng kakainan next time na pupunta kami dito.

Ngunit subalit datapwat sa di inaasahang pangyayari ay may nadetect ang aking mata ng isang napakagandang bagay.

Napagdesisyonan ko na kasing mag move on na ng tuluyan para di na ako masaktan kay Jake.

Joke. Siyempre mahirap gawin yun dahil madalas kaming magkita sa school. Pero pinipilit ko talaga ang sarili ko. AS IN!!

"Bakit?"

"May nakita akong gwapo" bulong ko kay Andi. Parang *Resorts World Manila* lang yung pagbulong with feelings.

Tumingin sa akin si Andi at napabuntong hininga siya. "Tsk tsk, gwapo na naman."

Yah! Nanaman! Dahil hobby ko na ang paghahanap ngayon.

Hindi ko siya pinansin. Naglakad lang kami. Shhh!! Sinusundan kasi namin yung pogi. Madami sila e. Parang isang pamilya. Bata ang nakatabi sa kaniya sa paglalakad, wala naman akong nakikitang dalaga.

Ooooohh.. Walang girlfriend!

Pweeeedddeeee!!

Okay continue sa paghabol.

"Ang gwapo niya talaga." 

Pinalo ako ng mahina ni Andi sa may braso. "Ang ingay mo baka marinig ka."

"Hindi yan! Naka suksok earphones niya. Bingi yan."

Nagpatuloy lang kami sa pagsunod sa kanila.

Tumingin yung pogi sa may likuran niya. Dito banda sa amin ni Andi

"Ah dun pa ba yung department store? Ang layo pala."

Kunwari kausap ko si Andi. Para kahit papano di halata na sumusunod kami sa kaniya.

Tuwing titingin siya dito sa may banda sa amin, or sa may gilid niya, tumitingin lang kami ni Andi sa taas para di halatang stalker kami.

"Akala ko ba pagkain ang hinahanap natin?"

"Oo nga"

"Eh bat pogi yung sinusundan natin?"

"Eto nga may ulam na, kanin na lang."

Sayang lang at dumiretso na ng parking yung pogi at di na namin siya siyempre pwedeng masundan dun! Malamang sa alamang mahahalata talaga kami nun.

"Bakla yun." Tumingin ako agad kay Andi ng masama, "hindi! Kamukha niya nga si Mario Mauror e!" Tumawa ng tumawa si Andi. "Ganyan ba pag nakakakita ng gwapo? Nabubulol?" Oo nga naman ano ba naman kasi nasabi ko. "Mario Maurer"

Love Is WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon