"So it's not gonna be easy,
It's gonna be real hard
We're gonna have to work at
this everyday. But I want to do
That because I want you.
I want all of you
Forever"
Kainis!
Tumulo luha ko.
Mas mahirap pala mag pigil ng luha kasi magpigil ng ihi.
Ang ganda naman kasi masyado
ng The Notebook.
School Bell Rings..
"Okay class. Next meeting niyo na isubmit ang Analysis at Reaction Paper niyo about sa movie."
Nagsilabasan na kami.
Maya maya ay mayroon akong naramdamang kakaiba.
Sa lahat ng pwedeng maramdaman ito ang pinakaayaw ko dahil ito ang weakness ko.
Nagwawala ako day pag nararamdaman ko ito.
Sabihin niyo ng hindi bagay sa isang babaeng ubod ng ganda tulad ko.
Pero pag nakakaramdam talaga ako nito, nagiiba ang anyo ko lalo na pag ito ay tumindi pa.
Bigla ko na lang narinig ang tunog na nangggaling sa tiyan ko.
Gutom pala ako.
Di nga pala ako nagalmusal at nag lunch kanina kasi gumawa pa ako ng assignment ko sa Humanities.
Dumiretso naman ako sa locker para ilagay dun ang gamit ko.
Kumuha naman ako ng isang Hello Panda sa locker ko. Lagi akong may stock ng Hello Panda at Meiji na dark chocolate sa locker. Hindi ko naman siya favorite dati, ni hindi nga ako kumakain nun e.
Naging favorite ko lang ito ng dinalhan ako ni Jake ng mga ganito sa school.
Hindi ko alam pero, napapangiti ako tuwing naaalala ko yun.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Mika, tara baba! Break na!"
Sabi sa akin ni Andi. Hindi ko siya pinansin dahil marami ako ginagawa.
"Bes!"
Sigaw niya sa akin habang nakapamewang.
"O sige na sasamahan na kita bumili ng pagkain sa canteen tapos babalik na tayo sa classroom ah. Kasi tatapusin ko pa po yung assignment NATIN dalawa!"
Sabi ko sa kaniya habang palaki ng palaki ang butas ng ilong ko.
Niyakap naman niya ako at
nagtatalon-talon sa tuwa
Bumili lang naman siya ng isang stick ng turon, french fries, fishball, at juice.
Opo ganun po siya katakaw. At kung nagtataka kayo kung mauubos niya yun.
Ay oo naman simot pa.
Yes
Yes
I know na kung ano iniisip niyo sa kaniya. Ganun din tingin ko e.
BINABASA MO ANG
Love Is Waiting
Storie d'amoreSiya si Mika Matagal siyang naghintay para sa lalaking magpapasaya sa kaniya Pero ng maayos na ang lahat Umalis ang lalaking matagal niyang hinintay. May dadating pa kaya na magpapaligaya sa kaniya? O hahabulin niya ang bus na matagal niyang hininta...