Jake's POV
"Jake, ano pang ginagawa mo dito? Nasa simbahan na silang lahat. Baka ma-late ka pa sa kasal mo."
Hindi ako lumingon at nagkunwaring hindi ko narinig ang sinabi niya. Hindi ko siya inintindi, pinuno ko pa ulit ang baso ko ng alak at uminom.
"Kasal? Alam ko ginagawa lang yun ng dalawang taong nagmamahalan. E hindi ko naman mahal yung babaeng yun!" Sabi ko habang hawak ang baso ko at may konting tumalsik na alak sa suot kong damit kaya medyo amoy alak na ako ngayon.
"Jake, huwag mo na naman pahirapan ang Dad mo, wag mo na pahirapan ang sarili mo, please?"
Kinuha niya ang bote ng alak na nasa table at sinara ito. Sinunod niya namang kinuha ang baso na iinumin ko sana, "eto na, eto na. Magpapakasal na."
Tumayo ako at inayos ang sarili ko sa harapan ng salamin. Pumikit ako at huminga ng malalim. Ito na ang araw na ikakasal kami ni Paula. Ito na ang araw na masasabi kong, wala na talagang pag asa sa aming dalawa ni Mika.
Maganda, mabait, maalalahanin at mapagmahal si Mika. Sigurado akong may magmamahal pa sa kaniya. Yung hindi siya lolokahin at iiwan. Kailangan ko na ding tanggapin sa sarili ko na hindi ako ang lalakeng karapat dapat para sa kaniya.
Mika's POV
"Tama na pagpapaganda diyan, girl. Kahit magmukha ka pang clown diyan, crush ka pa rin nun."
Naghanap ako agad ng bagay na madadampot ko na pwedeng ipang bato kay Andi. Kanina niya pa ako inaasar kay Aldrin. Medyo napatagal nga ata ang pag aayos ko ng buhok at mukha ko.
"Hindi ako nagpapaganda para sa kaniya, okay? Gusto ko lang maging.."
Nakataas ang dalawang kilay ni Andi at nakangiti. Na para bang hinhintay ang sunod kong sasabihin.
"Maging presentable sa harap ng pamilya ko. Kasi nga..
Diba.. Ano.. Matagal na kami di nagkakasama.
Kaya nagpapaganda ako para sa kanila."
Tumawa lang si Andi. Parang si siya kumbinsido sa gawa gawa kong dahilan, este.. Sa dahilan ko pala.
*tok tok tok..
Pareho kaming napalingon sa pintuan ni Andi. Bumukas ito, si Mitch pala.
"Pasok ka pinsan!"
Dumiretso si Mitch sa may kama at umupo dito katabi si Andi.
Nakaharap pa rin ako sa salamin nang makita ko silang dalawa na nagbubulungan at tumawatawa, tapos titingin sa akin.
"Denise, tama na yan. Maganda ka na, promise!"
Binitawan ko na ang suklay na hawak ko at tumayo. "Hindi nga kasi ako nagpapaganda para kay Aldrin!"
"Oh? May sinabi ba ako? Wag kang mainis, mahal ang patis."
Tapos tumawa na naman sila ni Andi.
Pagdating namin sa bahay nila Lolo Virgilio, busyng busy ang mga tao. Lahat may ginagawa. Sa sabado na kasi ang debut ni Mitch, bale 3 days from now. Ang bilis nga ng araw e. Di namin namalayan, 3 days na pala kami nandito. 3 days na rin ako binibwisit ni Aldrin. Umabot yata sa utak niya na bet na bet siya ng mga kamag anak ko para sa akin. Kaya ayun, araw araw ako kinukulit. Lahat na ata ng banat sa mundo, nasabi niya na sa akin in the past few days.

BINABASA MO ANG
Love Is Waiting
RomanceSiya si Mika Matagal siyang naghintay para sa lalaking magpapasaya sa kaniya Pero ng maayos na ang lahat Umalis ang lalaking matagal niyang hinintay. May dadating pa kaya na magpapaligaya sa kaniya? O hahabulin niya ang bus na matagal niyang hininta...