Chapter 12- Sundae and Fries

59 6 4
                                    

A/N: Nabura yung Chapter 12 na gawa ko so kelangan kong ulitin habang fresh pa sa memory ko yung ginawa ko. T_T Hay, sorry kung maikli ah. Eto lang naalala ko e. Enjoy reading chapter 12 guys! Love you! <3

Kanina ko pa tinititigan ang shapes na pinapadrawing sa amin. Basic forms ang pinapagawa sa amin ni Sir Jake ngayon.

Kung titignan mo siya, mukhang madali idrawing. Pero sa totoo lang, mangiyak-ngiyak na ako. Hawak hawak ko ngayon ang papel na pinunit ko sa sketchpad, pangatlo ko ng ulit to.

Kelangan daw kasi wala siyang makitang lines tapos tama daw dapat ang shading  

"Mika, may balak ka bang tapusin drawing mo? E puro simula yan e!"  

Gustuhin ko man magalit sa sinabi ni Rej, ay hindi ko magawa dahil tama naman. Pangatlong circle ko na to samantalang siya nasa triangle na siya.

"Ang hirap nga kasi."

Parang ako yung Professor dahil paikot ikot ako ngayon sa room namin. Check check lang sa mga kaklase ko kung okay ba yung ginagawa nila.

Walanjo naman tong mga to. Habang nagiikot ikot ako, lalo ko narerealize na ako lang talaga ang di marunong magdrawing e! Ang gaganda ng kanila kala mo ginupit sa libro T_T

Bumalik na lang ako sa upuan ko, tatry ko magsimula ulit. Sabi nga nila try and try until you die.

Tinignan ko naman yung Professor namin, aba e sitting pretty sa upuan niya. Nakasubsob ang mukha sa laptop niya. Ano kaya ginagawa niya?  

Nagfe-facebook?

E kung pinapakitaan niya kaya kami ng drawing niya mismo hindi yung nag hahanap lang siya sa google ng ipapadrawing sa amin?

Pinanuod ko na lang si Rej kung paano mag drawing. Nagulat na lang ako ng may biglang humawak sa kamay ko.

"Lagyan mo ng shade sa may baba. Tapos imagine mo na nandito yung light, darker ang part na to kesa dito."

Di ako makagalaw. Sobrang lapit namin sa isa't isa as in siguro mga ilang inches lang ang layo.

Hindi rin ako makapagsalita. I didnt know what to say. I was shocked by the fact that Jake was holding my hand.

Nilapit ko ng konti ang mukha ko sa kaniya. Ang bango!  

(•^o^•)

Tinanggal niya yung lapis na hawak hawak ko, hawak pala namin. Hihihi :"> 

Tapos kinuha niya yung kneeded eraser na nasa kabilang upuan at finorm ng bilog.

A/N: Kneeded eraser yun yung eraser na parang clay kasi pwede mong baguhin ang form niya sa sobrang lambot. Ginagamit yun sa pagdodrawing. Wag niyong isipin na expert ako sa pagdrawing ah. Mas malala pa ako kay Mika, promise!

Okay masyado ng mahaba yun, balik na sa kwento.

"Use your kneeded eraser para mabawasan yung darkness nito. Dapat tama lang. Tapos gamitin mo rin to para magkalines. Mas realistic tignan pag ganun. Tapos mag smudge ka rin."

Kunyari nakikinig ako sa kaniya pero ang totoo inaamoy ko lang siya. Ano kaya pabango niya? Di masyadong matapang e. Tama lang.

"Pano ba magsmudge?"  

Oh my ang landi ko. Matagal niya na tinuro yung smudging pero sa kadahilanan na ayaw ko muna siyang umalis sa pwesto niya ngayon, tanong tanong lang ako ng mga walang katuturan para di muna siya umalis.

Kinuha niya yung thumb ko tapos pinress sa may sketchpad.

"Sa smudging, okay lang na madumihan ang kamay mo. Kasama sa pagdo-drawing yan."

Love Is WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon