Chapter 15- Truth Unveiled

70 6 4
                                    

"Beeeeeesss!!! Maloloka ata ako! Hindi ko na alam ang gagawin ko!"

Andito kami ngayon sa bahay nila Andi. Total wala namang klase dahil University Week namin ngayon.

Take note! Walang klase! Pero may pasok. Ayun lang. Lupet ng pangbawi no? E ayaw kong pumasok dahil wala naman dun yung dahilan ng pagpasok ko ng school. Alam niyo na naman siguro kung sino ang tinutukoy ko diba? Yung taong dahilan kung bakit malandi ako.

Aba'y sino pa? E di si Fries! Hay grabe. Ano ba tong nangyayari sa akin? Sa sobrang pagkamiss ko sa kaniya, kahit ayaw ko yung tawagang yun, napapa Fries tuloy ako.

"Hindi kita kakausapin hangga't di pa tapos yung concert."

Napatingin naman ako kay Andi. Anong concert pinagsasabi nitong babaeng to? E samantalang kanina pa siya nagtetext diyan. nakatutok lang ang mukha niya sa phone. Ni hindi niya nga pinapansin yung mga pinagsasasabi ko dito kanina pa e. Hay kawawa naman ang beauty ko. Hindi pinapansin ni Andi.

"Concert?"

"Kanina ka pa kasi headbang ng headbang diyan e. Pag tapos ka na kalabitin mo na lang ako ah."

So tinigil ko nga yung kakapukpok ng ulo ko dito sa pader nila at tumabi na lang kay Andi sa sofa. Kinuha ko sa kamay niya yung phone na pinagpalit niya sa akin para naman mabigay niya na yung atensyon niya sa kaibigan niyang kanina pa ngawa ng ngawa.

"Ano ba kasi yang pinagkakaabalahan mo diyan at ayaw mo ko---"

Napatigil na lang ako sa pagsasalita at napatitig sa screen ng phone ni Andi

Oh My G! Nagulat ako sa nakita ko!  

O.o

Tumingin ako agad sa kaniya na ngayon e nagtatakip ng mukha gamit ang kamay niya.

"Katext mo si Kuya Nathan?!"

Kinuha niya naman agad yung phone niya at inakbayan ako

"Ah oo katext ko siya. Ano nga ba yung problema mo? Tara kaibigan, usap tayooo.."

Yung salita niya parang si Boy Abunda. Ayun nawala yung isip ko sa kanilang dalawa ni Kuya Nathan. At nabalik na naman ako sa pag ngawa dahil sa problema ko sa aking lablayp!

"Eeehh kasi nga tong si Jake. Simula kagabi e hindi pa siya nagtetext! Di kaya may iba na siyang babae? Oo nga tama feeling ko talaga pinagpalit niya na ako."

Tumingin ako kay Andi. Nakakunot naman ang noo niya at nakataas ang isang kilay. Iba kutob ko dito e. Malakas ang pakiramdam ko anytime babatukan na ako ng babaeng to. Pinapatapos niya lang ako magsalita.

"O kaya naman alam na sa School yung about sa amin kaya kinuha nila yung phone niya para di ako matawagan. Tapos.. Tapos.. Tatanggalin nila yung Jake ko sa trabaho tapos.. Tapos ako naman ikikick out na nila!"

Ganun pa din yung facial expression ni Andi. Walang pinagbago.. Kahit anytime e magwawala na ako dito. Wala pa rin akong narereceive na batok mula sa kaniya kaya go lang ako sa pagkwento ng imagination ko.

"O di kaya naman alam na ni Paula. Tapos di niya matanggap na hindi siya mahal ng Jake ko kaya ang ginawa niy asinumbong niya si Jake sa Daddy niya tapos sinundo si Jake dito ng parents niya para pilitin siyang pumunta ng ibang bansa para dun sila magpakasal. Oh myyyy!! Wala na akong lovelife Andrea! Anong gagawin ko???!!!"

Hinawakan ko si Andi sa balikat niya at inalog alog siya. At ayun nga. Pagkatapos na pagkatapos kong magdrama. Nakatanggap ako ng batok mula kay Andi. Yung malutong. As in may impact talaga. With conviction!  

Love Is WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon