Chapter 13- It's Official

62 7 5
                                    

Catherine: If I havent told you that you are a good man, you are. If I havent told you that I have forgiven you, I have. If I havent told you that I love you, I do.

Haaaaayyy pinapanuod ko na naman ang super duper pinaka pinaka mega favorite movie ko na Fireproof for the nth time.

Nandito na ako sa may dulo patapos na. Sa may part na pinuntahan nung girl yung asawa niya sa Fire Station kasi narealize niya na mahal niya pa rin ang asawa niya. Muntik na kasi silang maghiwalay. Pero hindi natuloy kasi nagbago yung lalake.

Catherine: Something has changed in you Caleb. And I want what happened to you to happen to me.

Caleb: It can

Eto na

Eto na

Eto na

Eto na yung favorite part ko!

Catherine: Is is too late to ask you to grow old with me?

Aaaaaaawww sobrang favorite ko yung line na yun. Ang cute diba?

Tapos nag kiss sila. Alam niyo ba, trivia lang. Kailangan ko lang isingit to dahil di ako makakapayag na di ko to makwento.

Harhar ^•^

Kasi diba nga nagkiss sila. Tapos silhouette. Kasi nga yung kinikiss ng lalake, hindi talaga yung girl na artista. Ang kinikiss niya ay yung asawa niya in real life kasi nagpromise siya na kahit artista pa siya, wala siyang ibang ikikiss kundi ang asawa niya lang. O deevvaaahhh ang sweet!!!

Sana naintindihan niyo yung kwento ko.

Panuorin niyo yung Fireproof para malaman niyo, sobrang ganda.

Nagulat na lang ako ng narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto. Madilim dito kasi nakapatay ang ilaw. Tanging yung ilaw lang na nanggaling sa tv yung liwanag.

"Mika.."

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si..

Jake?

"Jake!"

"Mika gusto mo ba tabi tayo?"

Bat siya nandito? At pano nangyari na galing siya sa kwarto?

"Ha?"

"Mika gusto mo ba tabi tayo?"

Unti unti siyang naglakad papalapit sa akin.

"Jake? Bat ka nandito? "

Nagtataka pa rin ako. Hindi ako makagalaw mula sa kinauupuan ko.

"Sabi ko tabi tayo"

Papalapit siya sa akin. Unti unti ko ng naaaninag ang mukha niya.

"Ha?"

Bakit ganyan ang mukha ni Jake? Parang ang puti? I mean maputi naman siya talaga pero ngayon iba e parang ang putla niya? Tapos yung eye bags niya parang ang super dark na para siyang di natulog ng isang linggo.

"Mika tabi tayo."

Eto na siya malapit na siya sa akin. Para siyang Zombie. Promise nakakatakot!

"Jake! Ikaw ba yan Jake? Anong nangyari sayo?"

"Mika tabi tayo Mika."

Bakit di niya sinasagot ang anong ko? Puro tabi tayo. Tapos ang boses niya pa parang nanghihina na nagmamakaawa.

Tinitignan ko siya parang wala siya sa sarili niya. Super dilat ng mata niya at ang putla niya pati labi niya. Nakablack siya na shirt tapos medyo sira sira tapos naka jeans siya na sira sira din.

Love Is WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon