Chapter 1- My New Professor

185 9 0
                                    

"Mikaaaaaaaaaa!!! Sorry pinaghintay kita ng matagal ah. Tagal kasi ng klase namin kanina e. Sorry talaga! I'll make it up to you. Wag ka na magalit please?????"

Hay nako eto talagang bestfriend kong si Andi kahit kelan late. Ewan ko ba diyan, partida mas malapit ang school niya sa mall kung saan lagi kami ngkikita, nale-late pa!

"Che! Kailangan mong bumawi. Hahahaha!"

Nagpout lang siya at pinakita na naman ang pacute niyang mukha

"I miss you!" 

Sabi niya, sabay yakap sa akin.

Ngumiti lang ako. 

"I miss you too bes! Oh ano? San ang gala natin ngayon?" 

Namiss ko talaga tong si Andi. Two weeks kami hindi nagkita dahil nagbakasyon sila ng Family niya sa Cebu ng Sembreak.

"Text kaya natin si Ate Nikki? Diba first day niya ngayon?"

Nanlaki naman ang mata ko sa tuwa.  

Namimiss ko na rin si Ate Nikki.  

Senior siya sa nung 1st year highschool pa lang kami ni Andi. Mabait siya at friendly kaya naman siya ang nagsilbing big ate namin ni Andi nung highschool.

"Ay oo nga no! Saglit tawagan ko." 

Nilabas ko ang phone ko at hinanap sa contacts ang number ni Ate Nikki.

phone ringing...

[calling Ate Nikki] 

Hello be? Bat napatawag ka?

aaaaaaahhhh!!! namiss ko boses niya! :">

Ate Niiikkkiii!!! Tara celebrate natin ang pagkakaron mo ng new work! San ka po?

Sabi ko sa kaniya.

Ay be, mamaya pa kasing 5 matatapos ang work ko e. Sundo niyo ko?

Naiimagine kong nagpapacute si Ate Nikki habang sinasabi yan. Yung tipong with matching kindat kindat pa.

Wow chix. Hahahahaha! 

Pabiro ko namang sabi.

Sige na nga! Basta ba libre mo kami ni Andi e! Hahahaha!

Ikaw talaga mukha kang libre. Sige na nga hahaha! 5:00 ah! Papakilala ko kayo sa mga katrabaho ko 

Sabi niya.

Sige ate! We'll be there. Handa mo na wallet mo. 

Asar ko naman sa kaniya.

Hahahaha ewan! Sige na biyahe na kayo baka matraffic pa kayo.

Sige see you mwah!

Pinindot ko yung end call tapos binalik ko na yung phone ko sa bag ko

"Oh ano daw?" 

Sabi naman ni Andi habang taas baba ang dalawang kilay niya

"Sunduin daw natin ang chix. Tara na baka matraffic tayo." 

At umalis na kami at nagbiyahe na.

After 1 hour and 30 minutes, nakarating na rin kami ni Andi sa hotel na pinagtatrabahuhan ni Ate Nikki. Hindi ko alam exactly kung ilang floors pero malaki ang hotel na ito at sikat dahil isa siya sa mga magaganda at sosyal na hotel sa Pilipinas. Kahilera niya ang Diamond, Manila Hotel, Traders, at iba pang mga sikat na hotel. Kaya naman laking tuwa talaga ni Ate Nikki ng matanggap siya sa Hotel na yun.

Love Is WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon