A/N: Against all odds ang drama ng couple natin ngayon! Dinededicate ko nga pala ang chapter na to kay Jhela. Hi girl! Napangiti mo talaga ako sa comment mo sa Chapter 13. Salamat ng super dami! Sa mga nagbabasa, again, SALAMAT!!!! Love you guys! :*
"Dito na lang ako ah. Mahirap na, baka mahuli pa tayo."
Ngumiti ako sa kaniya at tinaas baba yung kilay ko.
Tinigil niya yung kotse sa isang gilid.
Kinuha ko naman yung gamit ko sa may likod ng kotse niya.
"Sige, ingat ka ah. I love you."
Ngumiti siya tapos tinulungan akong tanggalin yung seatbelt ko.
"I love you too"
Pahabol ko sa kaniya habang pababa ng kotse. Tapos naglakad na ako papuntang school. Medyo malapit na rin lang naman ang school namin mula sa binabaan ko. Doon na siya magpapark sa loob ng School.
Kakatapos lang ng Christmas Vacation. Pinakilala ko na siya sa pamilya ko ng bakasyon.
Alam niyo kung paano?
Hay mahaba habang explanation.
Pero dahil mahal ko kayo..
Sige na nga kekwento ko na.
Syempre pinagusapan muna namin maigi kung pano namin sasabihin. Matinding pagpa-plano ang ginawa namin. Tapos ayun ng Pasko, December 25, sinabi na namin. Dun nag dinner si Jake. Kelangan kasi good vibes ang parents ko para wala silang masabing masama kay Jake. O diba mautak?
Harhar ^•o•^
Habang kumakain sila ng Dinner, dumating kami ni Jake sa bahay. Sabi ko kay Jake magdala siya ng pagkain para di makaimik si Daddy. So nagdala siya ng Pizza. Ang galing nga e. Sakto favorite pa naman ni Kuya yun. E sa tingin ko kasi kay Daddy at Kuya siya pinakamahihirapan i-please e.
So ayun, pagdating namin mukhang mangangain ang Kuya at Daddy ko ng tao nung nakita nila si Jake. Pero buti na lang andiyan si Mommy. Kumbaga siya yung referee.
Habang kumakain, inexplain namin ni Jake na Schoolmate ko siya nung Highschool. 4th year siya at 1st year ako noon. Tapos sinundan niya ako sa University ko ngayon kaya ko siya naging Professor. Nagets naman nila. Kinilig pa nga si Mommy e kasi ang sweet daw ni Jake.
Si Daddy naman winarningan niya kaming dalawa. Kasi delikado daw ang ginagawa namin lalo na't major subjects ko pa ang hawak ni Jake. Bawal kasi yun e. Malaki ang possibilty na matanggal sa trabaho si Jake at makick-out naman ako if ever malaman nila ang about sa relationship naming dalawa. Kaya dapat lang magingat daw kami.

BINABASA MO ANG
Love Is Waiting
RomanceSiya si Mika Matagal siyang naghintay para sa lalaking magpapasaya sa kaniya Pero ng maayos na ang lahat Umalis ang lalaking matagal niyang hinintay. May dadating pa kaya na magpapaligaya sa kaniya? O hahabulin niya ang bus na matagal niyang hininta...