"Wow! Chicken Curry! Isa po niyan ate."
Sabi ko kay ate na nasa canteen habang tinuturo yung ulam.
Super favorite ko ang chicken curry at kahit ano pang may gata.
"1 whole rice?"
"1 and 1/2 po."
Napangiti naman si ate. Natawa siguro dahil hindi halata sa maliit kong katawan na pang construction worker ang apettite ko.
Binayaran ko na yung kinuha kong pagkain at dumiretso na sa office. Sabi kasi ni Ms. Ocampo dun daw kami mag lunch ngayon ni Rej.
1 lang kasi ang klase namin ngayon at pang hapon pa pero dahil pinakiusapan kami ni Ms, hindi na kami nakatanggi. Nakakahiya naman. Matagal na kaming di napunta dun tas tatanggihan pa namin si Ms.
Asan kaya si Rej? Di ko natext nung papasok ako ng school e.
"Ms?" Tinry ko na hawakan yung tray gamit ang isang kamay lang kung saan nakalagay ang pagkain ko tapos binuksan ang pinto ng office ni Ms. Ocampo
"Oh Mika! Tamang tama ang dating mo. Ilapag mo na lang yung pagkain mo diyan sa table. Maya maya kakain na tayo. Anong oras pala ang klase mo?"
"Ah 3:00 pa po Ms."
"Si Rej? Asan pala?"
"Di ko po alam Ms e. ichecheck ko po, tawagan ko po siya."
Kinuha ko yung phone ko sa bag at hinanap sa contacts yung number ni Rej
[calling Rej]
Hello Rej? Asan ka na? Dito na ako sa office tara na gutom na ako.
Narinig ko naman na humina ang boses ni Rej na parang nilayo ang phone niya at narinig ko rin na umubo siya
Sorry Mika ah. May sakit kasi ako ngayon e. Nandiyan ba si Ms? Pakausap naman.
Parang ngongo din ang boses ni Rej e, siguro inuubo at sinisipon yung babaeng yun. Kawawa naman. Pumasok ako sa office ni Ms at inabot sa kaniya ang phone ko.
Kinuha naman niya ito at kinausap si Rej
Ah ganun ba. O sige okay lang wag pilitin ang katawan na pumasok pag hindi kaya ah. Total 1 lang naman ata ang subject niyo ngayon. Magpahinga ka na lang diyan para makapasok ka na sa ibang araw.
O sige, bye!
Inabot ni Ms sa akin ang phone ko at bumalik naman ako sa table.
"Mukang dalawa lang kayo ng kapatid ko na magdu-duty ngayon ah. May pinapanuod kasi mga first year ngayon sa Auditorium. Yung 3rd year at 4th year naman busy sa mga course requirements. Yung ibang 2nd year, nag duty na kanina kaya naka balot na yung mga pagkain na ipapamigay niyo mamaya."
Nagtaka naman ako sa sinabi ni Ms. Sino kaya yung tinutukoy niyang kasama ko?
"Ms? Sino po kasama ko?"
"Yung kapatid ko. Pinakiusapan ko lang siya na samahan ka. Kasi alam kong di mo pa saulado yung mga pasikot sikot sa ospital. Malaki pa naman yun baka mawala ka kaya sinabihan ko siyang samahan ka."
Maya maya may narinig akong nagbukas ng pinto at may pumasok.
Napahinto siya
Nagulat ako.
At halata rin naman sa mukha niya na nagulat din siya.
Siguro hindi niya ineexpect na makita ako dito

BINABASA MO ANG
Love Is Waiting
RomanceSiya si Mika Matagal siyang naghintay para sa lalaking magpapasaya sa kaniya Pero ng maayos na ang lahat Umalis ang lalaking matagal niyang hinintay. May dadating pa kaya na magpapaligaya sa kaniya? O hahabulin niya ang bus na matagal niyang hininta...