A/N: I'm sorry if I was not able to updte this story for more than a month na ata? I've been very busy at na drain na ang utak ko sa school works. Pagtyagaan niyo na ang aking short update. This is a very important chapter so please paki intindi. *wink wink*
Love is waiting by wearethecityonahill
Jake's POV
Naglalakad kami ni Mika papunta sa isang restaurant (oo mahilig kami kumain wag na kayong magtaka) nang biglang may tumawag sa pangalan ko. Familiar yung boses niya.
"Kuya Jake!"
Napalingon kaming dalawa ni Mika. Nakita ko si Honey na tumatakbo papalapit sa amin. Oh baka iniisip niyo may ibang babae na ako ah? Faithful to mga pare. Honey kasi ang name niya kaya malamang Honey itawag ko. Alangan namang Hannah itawag ko diyan diba?
"Kuya Jake! Kamusta ka na? Di ka na nagpaparamdam ah?"
"Busy sa work e. Laki mo na ah! Dati ganto ka lang kaliit oh, *turo sa may tyan* ngayon hanggang dito na kita *turo sa may balikat*"
Hinampas hampas niya yung balikat ko. Umiiwas naman ako pero mabilis ang kamay talaga nito e.
"Kuya Jake, kapatid mo?"
Tinuro niya si Mika na ngayon ay nakapamewang na at iba na ang expression ng mukha. Kanina ang saya niya lang ah?
Bakit kaya nakasimangot na to?
"Ay Honey, si Mika nga pala. Girlfriend ko."
Inextend naman ni Honey yung kamay niya kay Mika para kamayan ito.
"Hi! I'm Honey! So, ikaw pala ang nakasungkit ng puso ng Kuya ko. Gaano mo siya katagal niligawan?"
"Excuse me?"
Sagot ni Mika na nakataas na ang kilay ngayon. Patay! Bakit naman kasi ganyan ang tanong ni Honey sa kaniya. Di naman ganyan dati ang bata na yan e.
"Honey, ako ang nanligaw sa kaniya."
"Ay sorry. I didnt mean to be rude. Nasanay lang ako na siya ang nililigawan. Kasi ng college si Kuya Jake, nako hindi lang babae ang nanghahabol diyan. Pati bakla! Kaya swerte mo girl. Ikaw ang nagwagi!"
"Mas swerte naman ako kay Mika no. Diba Lalabs?"
Inakbayan ko siya sabay tingin sa mukha niya. Ngumiti lang siya sa akin.
"Mika, ingatan mo ang Kuya ko ah. Pag may nanakit diyan, to the rescue talaga ang little sister niya para sa kaniya."
Mika just smiled at her. Walang imik. Kinakabahan ako. I've never seen her like this. Usually siya yung daldal ng daldal. Ngayon, ang tahimik. Ano kayang iniisip niya ngayon?
"Wow sweet mo naman sa Kuya Jake mo. Sobrang sweet."
"Oo naman. Sobrang close kaya kami niyan!"
"Ah talaga? Gaano kaclose?"
Oh no. Mukhang sa iba na mapupunta yung usapan nila.
"Ha-ha-honey. Ah ano e.. Ah.. Gutom na kasi ako. Oo, gutom na nga ako. Di kasi ako nakapag lunch kanina. Mauuna na kami ni Mika ah? Nice to see you again!"
"What? Gutom ka kuya Jake? Mika, next time wag mong hahayaang magpalipas ng gutom si Kuya Jake. Baka magkasakit pa yan e."
"Ah hindi niya naman kasalanan e. O sige bye Honey. See you when I see you na lang."

BINABASA MO ANG
Love Is Waiting
RomanceSiya si Mika Matagal siyang naghintay para sa lalaking magpapasaya sa kaniya Pero ng maayos na ang lahat Umalis ang lalaking matagal niyang hinintay. May dadating pa kaya na magpapaligaya sa kaniya? O hahabulin niya ang bus na matagal niyang hininta...