Chapter 16- Yellow Ribbon

68 5 2
                                    

"Mika ano na? Dali kwento ka naman. Kayo na ba? Ha? Ha?"

Agghhh!!! Kanina pa ako naririndi kay Alli at kay Rej. Kanina pa kasi nila ako kinukulit about sa status namin ni Aldrin.

"Hindi kami, okay? Di ko nga tinetext e."

Bigla namang sumimangot ang mukha nila. Well, that's the truth! Tagal ko ng di nirereplyan ang mga texts ni Aldrin at hindi rin sinasagot ang mga tawag niya. Ganda ko diba? Isnabera si ate. Gusto niyo suplada tips?

Pag tapos ng class namin, diretso labas na ako ng school. Di sumabay sa akin palabas sila Alli at Rej. Ewan ko ba sa mga yun. May gagawin daw na importante. Basta ako si good girl, uuwi na dahil yun ang bilin si akin ni Papa Jake. So sad di siya makakasama sa akin ngayon pauwi dahil may class pa siya. Hay, lonely is the night when Im not with you.

Pag labas ko ng school as usual si Manong guard todo bati na naman kay Lea Mika. Kelan pa ba kasi ako nagkaron ng Lea sa pangalan? Parang di naman ako informed na may Lea na sa pangalan ko -_-

"Mika"

Oh yun ang tama! Mika! Ay kaya lang hindi si kuya guard yung tumawag sa akin. Dahil matalino ako, naisipan kong tumalikod para malaman ko kung sino ang tumatawag sa pangalan ko. O diba naisip ko yun.

Pag lingon ko nakita ko si poging poging Aldrin. Papalapit siya sa akin ngayon. Pero infaireness ah ang gwapo niya talaga ngayon. Okay lang naman sigurong magka crush kahit may boyfriend na no? Crush lang naman, malayo sa bituka (anodaw?k.labo)

"Kamusta ka na"  

Eto iniiwasan ka. Obvious ba?

"Ah.. Okay naman ako. Ano kasi, uhm, busy kaya di ako nakakasagot sa mga text at tawag mo."  

Charotera. Busy ka diyan. Lagi ka ngang naka hilata sa kama e.

"Ah oo nga. Yun din ang sabi sa akin ni Ate Nikki e."  

Nakakaiyak naman. Si Ate Nikki pinagtatakpan pa ako. Mejj nakakakonsensya lengs.

"Ah oo.. Ah.. Ahm.. Kasi ano, finals na namin. Alam mo na, aral aral din pag may time"

Hindi niya naman siguro nahahalata na nagsisinungaling ako no? Hindi naman diba? Diba diba?

Nako kaya pala si Rej at Alli kanina tanong ng tanong sa akin about sa kaniya. Imposibleng walang kinalaman ang mga yun sa pagpunta ni Aldrin dito. Humanda sila. Pagbabayaran nila ang lahat ng ito. Mwahahahaha!!! (Evil laugh)

"Aaahh.. Sige Aldrin ah. Mauuna na ako. Magrereview pa kasi ako---"

Paalis na sana ako kaya lang napatigil ako sa paglalakad ng hinawakan ni Aldrin yung braso ko.

*gulp 

(Lunok ng laway yan ah)

Mukhang di ako basta basta makakatakas dito ah.

"Mika iniiwasan ko ba ako?"

Hindi! Hindi talaga! Mamatay man yung anak ng pusa ng kapitbahay ng lolo ko. Hindi kita iniiwasan as in hindi talagaaaaa!!!

*lunok laway ulit. maya maya mabubulunan na ako

"Ha? Hindi. Bat mo naman nasabi yan? *super fake na tawa* ha-ha-ha- hindi kita iniiwasan."

Dahan dahan kong inangat ang mukha ko para matignan siya. Ang tangkad niya kasi e diba?

*tingala

Love Is WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon