PROLOGUE

22 1 1
                                    

  
   

   Sa bawat kwento ng bawat isa sa atin ay iisa lamang ang nais nating maging wakas. ‘Yon ay ang ‘to live happily ever after’. But, does happy ever after exists?

   Fairytale is just a fantasy. It has a happy end where in this world…it doesn’t exists.

  “Si Misty!” pag pupumiglas pa ng asawa.

   “Calm down, Leora! Sumakay ka na. I’ll find her.” he then kissed her on her forehead.

   “Find our baby.” naiiyak nitong saad. Tumango naman ang asawa at niyakap siya ng mahigpit.

   Labag man sa kalooban niya ay sinunod niya ang utos ng asawa na sumakay na sa lifeboat upang iligtas ang sarili.

   Pinag masdan niya ang asawa na tumakbo palayo.

    “Ma’am,” tawag sa kanya ng isang opesyales ng barko na sumakay na.

   Sumakay na siya at siya namang pagbaba ng lifeboat sa tubig upang makaligtas sila. Siya at iba pang mga kababaihan at mga batang inuna na lumikas.

   The ship is on fire.

   “Misty!” tawag nito sa pangalan ng anak.

   Nalibot na niya ang buong palapag ngunit hindi niya ito nakita.

   “Tulungan mo’ko, ” an helpless old woman begging for his help. Injured ang paa nito dahil sa nag tatakbuhan kanina ang mga tao ay hindi malayong nagkaroon ng stumped.

    He was about to help the old lady when they heard an explosion not far away, which made him stop. He wanted to help her but he was concerned about losing his daughter.

   His face turned blank, and then he ran away. He didn't care about the others now. All he wanted was to find his daughter.

    Hindi pa naman masyadong kumakalat ang apoy sa ibaba sapagkat sa itaas naman nag umpisa ang apoy. Habang bumababa siya ay may iilang tao siyang nakasalubong. Mga taong sugatan at pilit na makaligtas at humihingi ng tulong na siyang hindi n’ya pinansin.

   Bumaba siya sa susunod na palapag.

     “Misty!” sigaw nito habang sinusuong ang mausok na daan.

      Napa duko siya ng may sumabog sa taas kung saan nag payanig sa itaas na palapag.

    “Daddy!” bigla siyang nabuhayan ng marinig ang pamilyar na boses.

    He rushed to save her.

    She was standing on the sink.

    Agad niya itong nilapitan saka niyakap ng mahigpit ang umiiyak at takot na takot na anak.

    “Don’t worry baby, daddy’s here. ” pagpapalma nito saka hinalikan ito sa noo.
 
    May napansin siyang kakaibang amoy. Hindi na niya kailangan pang alamin kung saan galing iyon dahil nasa kusina sila malamang ay gas leak.

   Binuhat na niya ang anak at nag mamadaling lalabas na sana ng pigilan siya ng anak.

    “What about him?” turo nito sa isang bata na nasa taas ng cart. It was younger than his daughter. Probably a 4 to 5 years old. Tahimik itong naka tingin sa kanila.

    “Aren’t we going to save him?” her innocent daughter asked again.

   “His father will get him. ” sagot lang nito saka tuluyang lumabas.

   The gas had covered almost the whole floor at sunod-sunod na rin ang naririnig nilang pag sabog sa itaas. Mahigpit naman ang kapit sa kanya ng anak dahil sa takot. Halos naka subsob na ito sa dibdib niya.

   On their way up, halos nilamon na ng apoy ang itaas na palapag.

   Habang dumadaan sila he saw the old lady who asked for his help earlier—laying on the floor lifeless. Nasusunog na rin ang kalahati nitong damit.

   “D-daddy,” nahihirapang saad ng anak dahil sa kapal ng usok na bumabalot sa kanila ngayon. At dahil dito rin ay hindi niya halos makita ang dadaanan. Wala na ring kuryente para magkaroon ng ilaw.

   “Don’t worry baby, makakalabas tayo.”saad nito habang nagpalinga-linga para maghanap ng dadaanan.

   “Mr. Vanchevein!” tawag sa kanya ng isang seafarer na may flashlight na dala kaya tumakbo siya roon.

    Nakalabas sila. Inilibot niya ang paningin niya sa paligid at swerte niya ng may makitang isang lifeboat. Ibinaba niya muna ang anak sa tabi.

  “Tulungan mo’ko.” tumango naman ang seafarer bago nila pagtulungang ibaba ang nag iisang lifeboat.

   Naunang sumakay ang seafarer.

   “Misty, come here!” tawag nito sa anak.

   Isinakay niya ito at no’ng siya naman sana ang sasakay ay bigla siyang bumagsak sa sahig. He can clearly see the blood flowing out of his body.

   May narinig siyang malakas na putok pa ng baril at kitang kita niya kung paano mahulog sa lifeboat ang seafarer na binaril ng dalawang lalaking hindi n’ya masyadong mamukhaan.

   “Mist,” walang boses na lumabas sa bibig niya. Nais man n’yang gumalaw ay hindi na niya magawa.

   “Daddy!” sigaw ng anak. Malakas itong umiiyak at nakatayo sa lifeboat na nakatingin sa kanya.

   It was getting blurry. He still tried to move but he couldn’t do it. Two men approaches her daughter and before he lost his senses, he heard a loud gunshots.

Farland's Sunken Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now