CHAPTER 21 : IN HER DREAM

0 0 0
                                    

DOREEN'S POV

I was in the hallway. I don't know what am I doing here, but the only thing I know is that I'm not alone.

May narinig akong kaluskos sa may likuran ko kaya nilingon ko ito. Wala namang tao doon at tanging liwanag lamang ng buwan ang nag sisilbing ilaw namin.

Napa atras ako ng may maaninag akong pigurang gumalaw. Bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Takbo."

Nanindig ang mga balahibo ko sa bulong na iyon. Umikot pa ako para tingnan kong sino ang bumulong ngunit wala naman. Base sa pagkakabulong ay nasa gilid ko ito ngunit wala.

"I finally found you."

Napatingin ako dito sa taong nasa may dilim na parte. Madilim doon ngunit nakikita ko siya. Hindi ko nga lang maaninagan ang kanyang mukha, ngunit alam kong naka ngisi ito sa akin.

Humakbang ito na ikina atras ko. May kinuha siya sa likod niya at tinutok sa gawi ko. Nang malaman ko kung ano ang hawak niya ay agad akong tumakbo sa kalapit na pinto. Pagkapasok ko ay nagulat ako dahil sa office iyon ni Mr. Vanchevein. Tumakbo ako papunta sa table niya at nag tago roon.

Wala naman akong ibang mataguan doon. Tagaktak na rin ang pawis ko. Sa tahimik na silid na iyon ay ang puso kong mabilis ang tibok ang tanging naririnig ko.

Nag hintay ako ng ilang minuto ngunit walang pumasok. Alangan man ay lumabas ako sa pinag tataguan ko.

"Daddy!"

Rinig kong sigaw ng isang bata, ngunit hindi iyon sa silid na iyon kundi sa likod ng mga pader.

"Daddy! Daddy!"

"Nasaan ka?" sigaw kong tanong.

Nag madali akong lumapit sa mga ding-ding at sinundan ang sigaw ng bata.

"Daddy!" umiiyak na nitong sigaw.

"Where are you?...Please, just hold on. I'll get you out!" sigaw ko.

Tumigil siya kakasigaw at napalitan ng malakas na pag pukpok sa pader. Agad kong nahanap iyon sa may likod nong mataas at malaking bookshelves.

Paano ko naman 'to itutulak?

Biglang humina ang pag hahampas nito sa ding-ding kaya binilisan kong itulak ang bookshelves kahit hindi ko alam kung makakayanan ko. Ngunit sa gulat ko ay magaan ito.

Nag tagumpay akong maitulak iyon. May isang secret room doon. Madilim sa silid na iyon at kahit liwanag ng buwan ay hirap maka pasok.

"Hello?" pahina kong tawag dito.

Biglang umihip ang malamig na hanggin. Kasabay no'n ay ang pagsara ng bookshelves sa pinto na dinaanan ko. Hindi na lamang ako gumalaw at nakiramdam sa paligid ko.

"Tito! Daddy!"

Biglang lumiwanag ang paligid na kung saan ay nasa labas na kami ng cruise.

Kita ko ang isang batang babae na naka luhod sa isang lalaking...si Mr. Vanchevein. Napatingin ako sa bata at ngayon ko lang napag tanto na si Misty Vanchevein iyon.

"Bye-bye." naka ngiting ani nito at kumaway-kaway pa sa bata na animo'y nag papaalam.

Biglang umalingaw-ngaw ang putok ng baril. Bumagsak si Mist na lalapitan ko sana ngunit bigla rin akong natumba.

I saw a blood flowing out from my body. Bigla ring nag ka apoy ang paligid. Si Mr. Vanchevein ay naka ngiti lamang na pinag mamasdan kami.

Napa balikwas ako sa kinahihigaan ko dahil sa malakas na kulog na may kasamang kidlat. Umuulan sa labas at masama ang panahon, malamig ang ihip ng hangin ngunit tagaktak ako ng pawis.

Napa kunot ang noo ko dahil sa panaginip na iyon. Hindi ko alam kong may kahulugan ba iyon o masyado lang akong pakialamera sa mga gamit kahapon ni Mr. Vanchevein.

Hindi muna ako bumangon dahil pakiramdam ko ay buhay na buhay ang panaginip ko. Napa tingin ako sa gilid ko na kung saan medyo madilim doon, pakiramdam ko ay may tao roon.

"Ahh!" tili ko ng nag flash ang malakas na kidlat. Kitang-kita ko ang mapanganib ngunit napaka gandang guhit na puti nito.

Napa hawak ako sa dibdib ko at sa may noo ko. Napa bangon ako at binuksan ang ilaw. Napa tingin pa ako sa gilid na kung saan akala ko ay may tao kanina ngunit anino lang pala ng mga gamit-gamit dito.

Napa lapit ako sa may wall glass.

Grabe ang sama ng panahon. May mga seafarers akong nakikita sa ibabang nag tatakbuhan. Hindi naman masyadong malalaki ang alon at mukhang storm lang ito.

"Ang sakit ng ulo ko." daing ko bago naupo sa kama. "Bakit wala akong maalala kagabi? Marami ba akong nainom? Paano ba ako naka uwi?" sunod-sunod ko pang tanong.

Napa tingin ako sa may pinto na kung saan may kumatok doon. Pag bukas ko ay isang cabin steward lang pala.

"Breakfast ma'am?" offer ng naka ngiti.

"No thanks." tanggi ko. I don't think na kaya kong maka kain. Wala akong gana kumain pag may hangover pa ako eh.

"Okay po ma'am. By the way po, para po sa inyo." naka ngiting saad at inabot sa akin ang isang tumbler at isang paper bag.

Napa kunot ang noo ko.

"Pinapa bigay lang po." dagdag niya pa.

Alangan ko itong inabot. Mag tatanong pa sana ako kung sino nag pabigay nito pero umalis na ito at may kausap na sa kabilang cabin na si Thenia.

Pumasok na lang ako sa loob. Umupo ako sa kama ko saka inilapag ito sa side table. Inuna kong binuksan ang tumbler na may lamang mainit-init pang kape, ngunit iba ang amoy. Amoy kape naman ito ngunit may iba pang amoy ito. Tinakpan ko muna ito at binuksan iyong paper bag. Isang bento box at isang maliit na tumbler pa.

Mainit na soup ang nasa maliit na tumbler at isang vegetable salad na may prutas sa tabi.

Napa kunot ang noo ko. Inamoy ko pa ito bago takpan ulit. Hindi ko naman alam kung kanino galing iyon. Baka doon sa killer galing 'to edi namatay pa ako.

Tumunog ang phone ko. A text message from unknown number.

Nag dadalawang isip pa akong buksan ito dahil baka death threat pero binuksan ko pa rin ito.

'I guess you already received it?'

'Drink the coffee, it'll help you lose your hangover. It may smell off but I know you'll like the taste of it. It's proven and tested since my mom used to made it if my dad had a hangover. It is same as the soup.'

'Don't forget the salad and the fruits too. Bon appetit!^^'

Hindi ko na kailangan malaman kung sino iyon dahil alam kong kay Cyan galing iyon. Napa subsob tuloy ako sa kama ko at doon napatili. Nag paikot-ikot rin ako sa kama na parang baliw.

"May smiley face pa sa message n'ya oh. Ackk!" halos mapunit na ang mga labi ko sa kaka ngiti ko.

Kinuha ko ang tumbler ng kape.

"Parang baliktad naman ang lalagyan nito. Mas marami 'yong kape kesa sa soup. Gusto ba nitong mas lalo akong kaibahan?" saad ko pa bago inumin iyon. "Syempre hindi dahil pampadagdag heartbeat lang 'to pag nakikita s'ya. He really cares!"

Masarap ang lasa no'n. Hindi mo paghahalataang kape at mas malapit ang lasa sa hot coco. Pero kung sa amoy ay may kaunting amoy ng kape.

Weird.

Wala akong gana sa pag kain pero galing iyon sa kanya kaya inubos ko lahat 'yon..maliban sa spinach na nandoon sa salad at sinamahan pa ng broccoli na hindi ko alam na pwede pala. Basta I don't like the both of it.

Farland's Sunken Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now