CHAPTER 39 : JELLYFISH AT THE BEACH

0 0 0
                                    


DOREEN’S  POV

   “Hoy tara sa dagat!” aya ni Pio.

   “Tara-tara!”

    “G ako riyan.”

    “Sama ako!” saad ko na pinagkatinginan nila ako.

   “Ikaw? Bakit? Marunong ka na bang lumangoy?” tanong nito.

   Napangiti naman ako. “Marunong na ako at hindi na rin ako takot sa tubig.” pag yayabang ko.

   “Oh!!!” hindi nila makapaniwalang saad.

   Tumayo naman ako na nagyayabang sa kanila. Nag flip hair ako.

   “Siguro sinaktan nito si Cyan kaya natuto lumangoy.” ani Fifi.

   “Hoy! Bastos!” singhal ko.

   “Sus, impossible na walang part 2 yong shuplakan n’yo no’ng may sakit ka. Ganito oh, tsup, tsup.” ngumunguso-ngusong pang-aasar ni Pio sa akin.

   “Bibig mo talaga, alam mo namang may bata.” pinitik ko ang noo nito.

   “Hindi ako bata!” pag depensa ni Thenia.

   “17 ako. Kalagitnaan lang ako ng edad n’yo pero masaya akong pumatong kay Pio.” mapang-asar nitong saad ni Ala kay Pio.

   “Minor!”

   “Gurang!”

   Natawa naman kaming tatlo sa inasta ng dalawa.
  
   “The more you hate the more you ate…” pag kanta-kanta ko na may pa snap-snap pa.

   “Ano ’yan?” tanong ni Fifi.

   “Huh? Kasi naman, the more you deny, the more you fall…oh-oh-oh.” pagkanta ko pa ulit habang nakatingin kay Pio.

   “Mga bruha kayo!” inis itong nag padyak.

   “Mag swimming na nga tayo. Para naman ma freshness ang ulo ni kuya Pio.” aya ni Thenia.

   “Basta walang kapitan ha.” mariin nitong pagpaparinig sa akin na ikinatawa ko lang naman.

   “Si Captain Jackson nanaman?” maang na tanong ni Fifi kaya nakaltukan s’ya ni Pio.

   Naglakad na kami papuntang dalampasigan. Ngunit sa ngayon wala ng pa model-model walk at baka mag ka part two pa ang nangyari sa amin doon sa resort.

   Hindi muna kami lumusong at napa titig sa malawak na karagatan. May mga umahon namang apat na lalaki doon.

   “Woah!!” namamanghang bulalas ni Pio.

   Apat silang hindi ko masyadong maaninagan ang mukha dahil sa sinag ng araw. Pero ’yong mga katawan nila ang lalaman.

   Doon ako na pitlag dahil si Cyan at ang tatlo nitong kaibigan.

   “Hoy, ang ganda ng mga katawan.”

   “Si kuya Cyan ba ’yon? Ang y-yummy!”

   “Pagat nga ako kay kuya Cyan.”

   Napa laki ang tingin ko sa kanila.

   “Hoy ang gwapo!”

   “Ang mata nakaka laglag panty!”

   “Mga anak ba yan ng karagatan? Jojowain, papakasalan at luluharan forever ’yong may blue na mata.”

   Dali-dali kong kinuha sa may buhanginan ang dalawang towel doon. Wala akong pake kung kanino iyon dahil itinakbo ko ’yon sa gawi ni Cyan saka tinakpan ang katawan nito.

Farland's Sunken Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now