DOREEN’S POV
We are here at the lobby. Sabi kasi ni daddy kanina mag t-tour kami sa cruise. Kaya heto nag hihintay kami sa kanya.
“Na e-excite na ako!” hindi mapakaling ani Pio.“Sa paglilibot o sa pamimingwit ng mga pogi sa tabi-tabi?” sarkastiko namang tanong ni Fifi.
“Hindi ba si Pio ang bibingwitin?” sabat ko naman.
“Ay nice ka diyan Dori.” natutuwa nitong saad dahil sa sinabi ko.
“Mukha kasi siyang galunggong.” segunda ko. Napa hagalpak naman ng tawa si Fifi na sinabayan ko na rin. Nandidilim naman itong naka tingin sa’ming dalawa.
“At talagang pinagkaisahan niyo pa ako?”aniya.
“Ito naman hindi mabiro.” lumapit ako rito saka niyakap para lambingin.
“Tse!” pagmamatigas nito.
“Edi wag.” saad ko saka malakas siyang itinulak bago bumalik sa kinauupuan ko.
“Ito talaga kahit kailan hindi marunong manuyo.” tinarayan ko lang siya doon.
“Mom, tama na nga iyan, 16 na ako hindi na ako bata.” reklamo ni Thenia dahil sa pinupulbuhan siya ni mommy.
Natawa naman kami sa tabi dahil sa mukha niya. Mukha na siyang pastilas at kung lalagyan pa siya ni mommy ng blush on ay kulang na lang ang bola na pula sa ilong niya.
“Ey bagong pastilas flavor.” natatawang pang-aasar ni Fifi.
“Tita hindi pantay. Kulang pa sa kabila oh.” panggagatong pa ni Pio.
“Ay kulang pa ba? Sandali.” ani mommy. Tumatawa lang ako dito sa gilid.
“Mommy naman eh. Kuya Pio, ate Fifi kasi!” nangingiyak na saad ni Thenia at pilit na inabot si Pio.
“Wag ka ngang magalaw.”sabi ni mommy saka pinulbuhan pa si Thenia na ikinatawa namin lalo. “Oh okay na. Ree ikaw na. ”
Biglang nawala ang mga ngiti sa labi ko dahil sa sinabi ni mommy. ‘Yong dalawa naman sa gilid ang narinig kong mas lalong tumawa. Blanko ko silang tiningnan saka tinaasan ng kilay.
“Fighting Dori, just keep swimmin’!” mapang-asar na pag c-cheer-up pa ni Fifi na tawang-tawa.
“Mom, mas lalong hidi na sa’kin iyan pwede. ” she really keeps babying us. Anlaki na namin.
“Wag ka na mag reklamo. Ikaw na dito, dali!” utos nito kaya tumayo naman ako.
Hindi naman sa ayuko pero kasi baka pigtails itali sa’kin tapos mag mukha akong pulboron.
“Ayaw mag pa baby kasi baby na raw ni Geoff.” pang aasar ni Pio na ikinatawa nilang tatlo.
“Hoy! Akala ko ‘yong kaninang guy? The same guy who saved her the other day?” tanong ni Fifi na ikina laki ng mga mata ko.
“Ay oo! ‘Yong hari ng karagatan. Pero hindi siya si Poseidon, pangit ng ugali no’n eh.” ani naman ni Pio.
“Mommy naman kasi,” pag mamaktol ko at kamot-batok akong umupo sa tabi niya.
“Ate it’s for your own good. Malay mo diba makasalubong natin ‘yong lalaki kanina sa pool.” napa poker face ako sa sinabi niyang iyon. Si Pio kasi kinuwento ang nangyari kanina sa pool habang nag b-breakfast kami.
“Malay mo siya talaga ang prince charming mo.” dagdag ni Fifi.
“Ay tumpak. Kung andoon lang kayo kanina eh, tita. Para talagang K-drama ang peg! Eskis na kay Geoff mas may chemistry sa bago eh saka tita pag nag ka apo kayo may kulay ang mata!” ani Maxi. Binato ko naman sa kanya ang unan na nahawakan ko.
YOU ARE READING
Farland's Sunken Heart (COMPLETED)
General FictionDisclaimer: The names, characters, places, and events portrayed in this story are entirely fictitious. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. All characters, events, and locations depicted in this...