CHAPTER 11: ECLIPSE

0 0 0
                                    

DOREEN’S  POV

   Pasado 2 pm na kami natapos at babalik pa mamayang hapon para masimulan na ang pag-aayos.

    Sumakay na ako ng elevator na kung saan pinigilan ko pa dahil papalakad pagawi ko si Cyan.

    “Ree!” tawag ni Geoff Mula sa likod nito at tumakbo papasok ng elevator kasama ko.

    Pinindot niya ang button ng elevator kaya napatingin ako kay Cyan na biglang nawala na lang.

   Dismayado naman akong gumilid.

   “So, saan kayo galing kanina?” tanong ni Geoff.

    Hindi ko siya tiningnan. “Nakasalubong ko lang siya.” pagsisinungaling ko.

    “Ah.” tumango-tango ito. “Babalik ka na ba sa cabin mo?” tanong niya.

    “Hindi. Nag message sa akin ni Thenia kanina at nasa clinic sila ngayon kaya…doon ako pupunta.” saad ko.

    “Sama ako.” tatanggi pa sana ako pero hinayaan ko na lang siya.

     Hindi ko alam kung ano'ng nangyari sa kanila at nauwi sa clinic.

     Nagmadali akong pumunta para e-check sila. Pag pasok ko ay si Pio na naka higa sa clinic bed ang napansin ko. Naka upo sa magkabila niyang side si Thenia at Ala. Napansin ko rin si Fifi na nasa tabi no’ng isang babae sa kabilang clinic bed.

    “What happened?” tanong ko at nilapitan si Pio.

    “Nawala si Wonder woman.” sagot ni Thenia.

    “Lumabas si Superman.” sagot naman ni Fifi.

    “Kaya namatay si Batman.” kibit balikat na sagot naman ni Ala habang nilalaro ang buhok ni Pio.

    “Tigilan mo nga ang buhok ko.” saway ni Pio kay Ala.

     Nangunot naman ang noo ko sa mga sagot nila dahil wala akong na gets.

   “Ree.” tawag ni Geoff saka inilapit sa akin ang upuan para maupuan ko.

   “Wag na.” tanggi ko rito. Ibinalik niya naman ang upuan sa pinagkunan niya saka napa tingin sa babaeng katabi ni Fifi sa kabilang clinic bed.

   “Si Faith pala.” pakilala ni Fifi.

   “Nice, may new friend na kayo.” ani Geoff saka na-upo doon sa upuan na ibinalik niya.

   Kami-kami lang naman kasi ang tao rito.

   “Yeah nga pala ate. Si Faith ’yong iniligtas ni kuya Pio. Pinatikman niya ba naman ng malutong at mala Manny Pacquiao na punch ‘yong dalawa eh.” kwento ni Thenia na may pa action pa sa punch kuno ni Manny Pacquiao.

   “Sino ba naman mag-aakala na may e ni-knock-out itong si the Rock na jellyfish version. Take note, hindi lang lalaki kundi pati babae pa, para ipagtanggol itong si Faith.” sabat naman ni Fifi.

     “Macho na ang asawa ko!” sigaw naman ni Ala saka niyakap si Pio na tinaboy lang siya.

    “Lumayo-layo ka nga sa akin babaing pugita at baka gusto mo’ng magaya sa dalawa.” banta nito kay Ala na sumimangot naman sa gilid.

    Napatingin ako kay Faith kuno. Napansin ko agad ang pasa nito sa leeg na bagya niya pang tinabuban para takpan ng mapansin niyang naka tingin ako roon.

   “Bakit ba kayo nakapang abot doon?” tanong ni Geoff habang inuurong ang upuan saka pabaliktad na umupo.

   “Sus, ‘di mo kaya gawin ‘yong ginawa ni Pionarra.” irap ni Fifi kay Geoff.

Farland's Sunken Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now