DOREEN'S POV
"Good evening, tita, tito." Geoff greeted my parents at inalalayan pa nitong umupo si mommy.
"Thank you, hijo." naka ngiting papasalamat ni mommy.
"Ehem." mahinang tighim ni Thenia ng naka ngiti saka sumunod kila mommy at na-upo sa tabi nito.
"Push mo pa." ani Pio na tinap pa ang balikat nito.
Umiling na lang ako saka naglakad palapit kay Pio para doon maupo sa tabi niya nang iniatras ni Geoff ang upuan para sa akin. Tiningnan ko naman siya at tinaasan ng kilay pero ang loko matamis lang na naka ngiti sa akin.
"Ewan ko sa'yo." irap ko rito saka umupo. Naupo rin naman siya sa tabi ko.
"I heard that you were the one who prepared this all. " he was referring to this dinner that Geoff prepared for us.
"Yes, tito. Naisip ko lang naman po na it'll be more better to eat together outside, under the sky full of stars, and where we can hear the calm waves of the ocean. " he explained.
"You did great. " puri ni daddy.
"Thank you, tito. And also, may meteor shower mamaya kaya I really choose the perfect place where we can watch it." nag palakpakan naman ang lahat sa kanya.
Itinaas ko lang ang kilay ko dahil sa hindi naman mabubura no'n ang ginawa niya sa akin noon. Pero sa ginagawa n'ya I can say na he's determine to get me back.
"I'm speechless to you, hijo. " naka ngiting umiiling-iling ni mommy.
"And you know what's more speechless mommy? He cook all these foods!" sabat ng kapatid ko.
So may alam s'ya. Nag pabili na ba s'ya sa taong 'to?
"Wow...I'm really out of words to you, Geoff." natatawa na ani mommy. Samantalang matamis at makahulugang ngumiti naman si Geoff.
"Let's eat na po! Baka lumamig pa eh." aya ni Thenia that everyone agreed.
"What can you say?" tanong ni Geoff na nag prisentang siya ang kumuha ng pagkain ko na hinayaan ko lang naman.
"Kung inaakala mo-"
"Here's your food milady. At wag kang mag-alala gusto lang kitang pagsilbihan." aniya habang halos mapunit na ang mga labi dahil sa kanina pa ito naka ngiti na abot tenga.
Inis ko lang siyang inirapan.
He was like this kahit noong kami pa. Too young for love pero grade 7 pa lang no'ng naging kami. Walang ligawan kundi kami na agad. Grade 11 when we broke up dahil sa kalukuhan niya. Hindi ko alam kung matatawag ba na 'love' 'yon o just a bestfriend treatment na may karapatang mag selos.
Napahinto ako after tasting the food he cooked.
"May feelings ka na ba ulit sa akin?" mapang asar nitong tanong habang naka tingin sa akin. Hindi ko s'ya pinansin.
Narinig ko pa s'yang mahinang tumawa.
"Masarap 'no? Nilagyan ko kasi 'yan ng gayuma" saad nito dahilan upang matalim akong mapatingin sa kanya. Humagalpak lang naman siya ng tawa kaya hinampas ko siya.
"Aray! Tama na!" hiyaw nito habang tumatawa pa ang loko.
"Wag na wag mo kasi akong bibiruin!" inis kong saad saka tinigilan siya. Alam ko kasing nasa amin na ang mga mata nila.
"Mukang delikado ka na, Doritos." wika ni Pio. Napa poker face naman ako habang pinag tatawanan ako.
"Everyone." tawag ni daddy sa atensyon namin na pinatik ng kaunti ang baso gamit ang tinidor. "I want this vacation be unforgettable kaya naman todohin na natin..." pambibitin nito.
YOU ARE READING
Farland's Sunken Heart (COMPLETED)
Fiksi UmumDisclaimer: The names, characters, places, and events portrayed in this story are entirely fictitious. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. All characters, events, and locations depicted in this...