GEOFF’S POV
“How come she went missing?” tanong ni Ezrie.
Nandito kami sa hallway. Kasama sina Pio at Cyan.
“Hinintay kasi kanina ni Cyan si Ree sa cabin n’ya pero alas syete na hindi pa rin s’ya bumabalik.” pagpapaliwanag ni Ala.
Ah so natalo n’ya ako sa patagalan ng paghihintay sa tapat ng pinto ng kwarto ni Ree. Sige, nice game.
“Kaya nag suggest kami kay Cyan na hanapin sa CCTV room. Nireview namin ang CCTV pero wala talaga s’ya. Hindi naman s’ya umalis sa cabin n’ya kaya nga diba nakakapag taka na hindi s’ya lumabas pero wala s’ya doon!” si Pio naman ngayon ang nag paliwanag.
“Baka nasa loob naman talaga?” saad ko.
Hindi kasi possible bigla na lang s’yang nag laho. At ang alam ko si Cyan ang nakakasama n’ya kaya sino naman ang kukuha sa kanya?
“Geoff, galing kami kahapon doon. Pina check rin namin kanina cabin n’ya, pero wala.” sagot ni Pio.
“Nag-aalala na ako. Si daddy rin tatlong oras na hindi pa bumabalik.” nag-aalala namang saad ni Thenia sa tabi.
“Let us just all calm down.” sabat ni Cyan. “Perhaps you guys have any idea who may be the person behind this.”
“Baka may masama ng nangyari kay Ree. Hindi naman siguro si Fifi ’yon? Hindi naman sa panghuhusga pero diba she attempt to kill her before?” pag konklusyon naman ni Ala.
“Ay oo! Naalala ko na.” sigaw ni Pio na para ba’ng nag liwanag ang ulo nito.
“Just tell us already, Gio.” saad ni Ezrie na ngayon ay naninigarilyo na.
“Pio!” pag tatama nito.
“Okay, Nio.”
Inirapan lang naman s’ya ni Pio. Napatawa pa si Ezrie sa pang-aasar nito.
Napa ngiti tuloy ako dahil parang ang cool n’ya tingnan.
“Ano ba ’yon Pio?” tanong ko.
“May nakwento sa amin noon si Dorina na sinabihan s’ya ni Mr. Vanchevein na s’ya ‘yong reincarnated ng anak n’ya. Dahil doon sa ala-ala na si Fifi naman pala ang dahilan. Bruha talaga ang babaeng ’yon.” pag sagot nito.
“Wait, si tito Mathias?” pag tatanong ni Ala na para ba’ng hindi naniniwala. Maski ako hirap akong maniwala.
“Pero bakit n’ya kinidnap?” tanong ko.
“Aba ma.” kibit balikat na sagot ni Pio.
“Let’s make a plan to save her.” suhesyon ni Cyan.
Si Pio ang nag grupo sa amin. Si Thenia at Ezrie ay mag hahanap kay tito Timothy. Si Pio at Ala naman sa pag c-check ng CCTV. At ako naman ay isinama kay Cyan na puntahan si Mr. Vanchevein. Nag bigay pa nga ito ng walkie-talkie.
“Why don’t we just report it? O e-announce?” tanong ko habang tumatakbo kami.
“It may cause panic to the other passengers , also, the owner of this cruise is involved. Do you think they would believe us? Everyone in the control room might be know about it.” mahabang sagot nito.
May punto naman s’ya.
“Pati ba ang daddy mo?” hindi ko alam kung saan galing ang tanong kong ito o kung tama ba.
“Yes!” sagot nito.
Hindi na ako nagtaka. Isang beses ko sila nakita noon na nagtatalo ng daddy n’ya.
YOU ARE READING
Farland's Sunken Heart (COMPLETED)
Fiksi UmumDisclaimer: The names, characters, places, and events portrayed in this story are entirely fictitious. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. All characters, events, and locations depicted in this...