The rain is strong. There is also thunder and lightning. The wind is strong, causing large waves to form. It capsized some of the lifeboats that were lowered earlier. Some other lifeboats that were not yet lowered were also overturned by the strong waves.The fire on the cruise ship did not mind the heavy rain and wind. Its decks are ablaze. The entire surrounding area of the swimming pool is starting to flood and seems like it will give in.
Tinaniman ng bomba ni Mr. Vanchevein ang buong cruise. Iba-iba ang oras nito kaya hindi sabay-sabay na sumabog.
Hinahabol ngayon ni Sivan si Ethaniel na kanyang kapatid. Hindi niya iyon kadugo ngunit sabay silang pinalaki ng ina ni Sivan.
Hawak-hawak ni Ethaniel ang kayamanan na matagal na nitong pinaka aasam at hindi siya papayag na mawala ito sa kanya. He was willing to fight for it. He was this dragon who is guarding a mountain of gold.
Mas binilisan ni Sivan ang takbo para ma abutan niya ito. Gusto rin niya ang kayamanan at hindi s'ya papayag na hindi makuha iyon at solohin dahil una naman s'yang trinaydor ng kapatid.
Pareho lamang silang dragon na hayok sa kayaman. Nagawa nga nilang saktan at gamitin ang mahal nila sa buhay para sa planong makuha ang batong iyon.
Their interest in it is significant because it is the only one of its kind in the world. Mathias' father discovered it, and many valuable items or sources have been found within this rock, ensuring that it will be expensive when sold.
Tinalon n'ya ito para maabutan. Dinag-anan n'ya ito saka malakas na pinihit at binali ang binti ni Ethaniel. Napa daing naman sa sakit ito.
"Akin na 'to." aniya sa kapatid saka kinuha ang kayaman at itinakas.
Namimilipit naman ito sa sakit na pilit tumayo. Swerte pa nito dahil nadaanan siya ni Thenia at ni Percy.
"Tulungan natin s'ya." presenta ng maawaing dalaga.
Tumango naman si Percy at tinulungan na itayo ang lalaking hindi naman nila ka ano-ano.
Napa dapat sila dahil sa malakas na pag yanig ng cruise. Sabayan pa ng malakas na pag hampas ng malaking alon.
"Kailangan na nating maka alis dito." ani Percy.
"Oo. Mr, hali na po kayo."
Pinag tulungan nilang itayo ito. Hindi pa naman sila nakakalayo ng bigla na lang silang nadaganan ng mga palapag sa itaas.
Sa mga nasusunog namang mga cabin ay may isang lola ang nag hahanap sa apo niyo. Nawala niya ang apo dahil sa kaninang mga tao.
"Jessie!" tawag nito sa pangalan ng apo.
Ma usok na rin ang paligid. Napa kapit pa s'ya ng mahigpit sa ding-ding sa pag-alog ng cruise. Galing na siya sa labas ngunit hindi iniligtas ang sarili dahil sa hindi nito pwedeng iwan ang apo.
"Lola!" sigaw sa kanya ng isang lalaki na malalaki ang katawan. Si Wood.
Hinila s'ya nito ng muntik itong mahulugan ng ilaw.
"Lola, hali na po kayo!" aya nito.
Umiling lang naman ang matanda.
"Hindi ko pwedeng iwan ang apo ko." sagot nito. "Hahanapin ko s'ya." saad nito at naglakad papalayo.
Naanting naman ang puso ni Wood at sinundan ang matanda upang tulungan itong hanapin ang apo n'ya. Natatakot rin naman s'ya sa kaligtasan n'ya ngunit sa kabilang banda ay wala naman s'ya pakialam dahil naka ligtas ang ate n'ya at wala naman na ang pamilya n'ya. Kung mamatay siya ngayon ay tatanggapin niyo iyon dahil makakasama na nito ang kan'yang mag-ina sa kabilang buhay.
Nakarating sila sa lugar na kung saan ay walang apoy, bandang ibaba ito ng palapag nila kanina. Patay-sindi ang ilaw dito at may kakaunting tubig na doon.
Nadaanan nila ang dalawang matanda na naka tingin sa labas. Hindi nila alintana ang panganib na pwede nilang ikamatay pag hindi sila lumikas.
"Walang mga bituin ngayon. Buti na lang at nariyan ka." ani ng matandang lalaki sa asawa nito.
"Sira ka talaga, Alexis." mahina nitong hinampas ang kamay ng asawa na nasa kanyang balikat at siya naman ay nasa wheelchair.
Lumapit sa kanila si Wood.
"Kailangan n'yo na pong umalis. Nasa 3rd floor sila." ani nito.
Ngumiti ang mag-asawa at tila hindi siya narinig ng mga ito.
Nalaman naman niya ang gagawin ng dalawa. Hindi iyon pagpapamamatay kundi ang pag tanggap sa kanilang tadhanang kamatayan.
"Jessie!"
"Lola!"
Napatingin si Wood sa kinaroroonan ng matanda. Nag-aalalang pa itong tumakbo papunta sa gawi nila.
Nagyayakapan ang dalawang mag Lola.
"Tara na!" saad nito sa dalawa.
Binuhat pa nito ang apo ng matanda saka pumunta sa 3rd floor. Naka abot sila ng lifeboat para maka ligtas. Marami pa naman ang nanduduon at sa ngayon ay kakaunti na lang ang lifeboat. Wala na ring babae at bata ang inuuna dahil sa nasa laot na ang karamihan nito.
Halos bilang lang sa mga palad ang makikitang lifeboat na sa dami ng naibaba na. Dahil iyon sa alon.
Dahan-dahan silang ibinaba. May malakas na kulog at sinamahan ng kidlat ang nagpagulat sa isang tao na nag baba sa kanila. Dahil sa gulat ay nabitawan niya ang lubid.
Sa pagkababa nila ay nahulog ang iba na sila namang malakas na hinampas ng mabangis na alon.
Sa isang iglap, ang lifeboat nila at pati sila ay naglaho doon.
Sa mga lifeboat namang nakaligtas ay halos mag dasal na ang mga tao at tawagin ang lahat ng Santo para mailigtas sila. May ilan na gusto ng magising at tila isang masamang panaginip lamang ang lahat.
YOU ARE READING
Farland's Sunken Heart (COMPLETED)
General FictionDisclaimer: The names, characters, places, and events portrayed in this story are entirely fictitious. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. All characters, events, and locations depicted in this...