CHAPTER 14 : MR. ROMEO AND MS. JULIET

1 0 0
                                    

THENIA’S  POV

   “Tin! Bilis!” pabulong ngunit may diing utos ni Ala sa akin.

    Nakatago siya sa isang sulok na kung saan sinusundan ko lang naman siya.

   “Kinakabahan ako.” saad ko at napakamot pa sa braso.

   “For your information, wala kang karapatang kabahan dahil ako ang gagawa ng paraan.” naka pamewang nitong saad sa akin.

    Hinila ko naman siya.“Tumahimik ka nga. Oo na. Baka marinig ka eh. Pero kasi syempre ID ko iiwan mo doon.” saad ko pa.

   “Sige para masaya, ID ko na lang? Para naman happy kami in the future!” kinikilig nitong saad.

   “Ito naman…kay kuya Pio ka na eh.” saad ko.

   “Wala pa naman kami kaya pwede pa kami ni Percy.” aniya na ikina poker face ko.

   “Sige na, gawin mo na.” saad ko at tinutulak-tulak pa siya.

   “Sandali!” pigil nito. “Kanina ayaw-ayaw pa eh. Basta dito ka lang. Leave it to me.”

    Kinakabahan talaga ako dito pero andito na ’to kaya okay na. Tumango ako sa kanya. Hinalikan pa ako nito nang madiin sa pisnge saka iniwan ako dito sa gilid.

   Medyo malayo sila sa kinaroroonan ko kaya naman hindi ko sila masyadong maintindihan. Maayos namang tinutulungan ni Percy si Ala na kita ko ang kamay na gumagapang papunta sa cart na dala ni Percy. Hawak nito ang ID ko saka cellphone na inilagay sa ilalim ng mga labahan na galing sa mga cabin.

    “Sana hindi s’ya bulag para ma notice ‘yon!” saad ko habang naka finger cross pa.

    Nakita kong umalis na si Percy at palakad na sa gawi ko si Ala na malapad ang ngiti.

   “SUCCESS!!” malakas na sigaw nito na dalawang kamay ang naka thumbs up.

   Marahas ko siyang hinila saka tinakapan ang bibig.

   “Alam na kaka alis lang tapos titili ka.” saway ko rito.

    “Sus, pero happy na yarn. Happy ka na kasi diba okay na.” aniya. Sinungitan ko siya ng mata na ikinatawa niya at inakbayan ako.

    “Don’t worry baby, maya-maya ’yon baka kayo na.” saad nito habang naglalakad kami na naka akbay pa rin sa akin.

    “Ano’ng mamaya edi pareho tayong tinapon ni daddy sa dagat niyan.” natatawa kong saad habang umiiling-iling.
__

  DOREEN’S  POV
 
   “Everyone! You have 30 minutes to grab your lunch.” anunsyo ni Cyan.

    “Nahiya ka pa na gawing 1:30, 1:27 na.” sarkastikong saad ni Geoff na kasama ang mga babaeng staff. “Anyway, everyone, I ordered you some lunch. Nakakahiya naman kasi dito sa—BOSS natin.”

    Everyone cheered for him. Masaya naman ito at tumingin sa gawi ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Bigla tuloy kumulo ang dugo ko sa ginawa niya. Para kasing sininghot niya ang buong hangin dito.

    Hindi naman ako nainis dahil sa parang sa tono ng boses niya at sa ginawa niya ay pinahiya niya si Cyan, kundi dahil sa parang pinatotoo lang nito na wala naman talaga siyang pinagkaiba sa iniisip ko patungkol sa kanya.

    Nakita ko si Cyan na umalis kaya sinundan ko ito. Tinaasan ako nito ng kilay ng makapasok na ako sa elevator.

    “Masangsang kasi ang hangin.” pilit akong ngumisi dito.

    Pumunta kami sa dining area para mag lunch ano pa nga ba. Kahit pass lunchtime na ay marami pa ring tao doon.

   “Sorry sa ginawa ni Geoff.” pag hingi ko ng tawad.

Farland's Sunken Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now