DOREEN’S POV
Pumunta akong cabin para maligo. Nanlalagkit kasi ako.
Pagkatapos kong magbabad ay napa lapit ako sa suot ko kanina. Inamoy ko ito at kapit na kapit pa rin talaga ang amoy ni Cyan lalo pa’t pinag pawisang siya kanina.
Halos mapunit naman ang mga labi ko sa lapad ng mga ngiti ko. Naputol naman iyon ng may kumatok sa pintuan. Ng nilabas ko ito ay staff lang pala pero hindi ko kailangan ng room service.
“Ah eh, hindi ko kailangan ng room service.” saad ko.
“Eh, ma’am hindi po iyon.” pag tanggi niya.
“Napag-utusan lang po kami.” sabat no’ng lalaki na may inilabas pang panyo.
Napatingin ako sa name tag nila. Janice and Jericho ang naka lagay.
“Ma’am, pwede po ba?” tanong ni Jericho.
“Sa may pool ba ‘yan?” tanong ko. Hindi naman ako nag a-assume pero there’s nothing wrong naman kung mag tanong ako.
Nagka-tinginan naman ang dalawa at hindi pa siguradong tumango sa akin.
“Okay. Just wait a minute at mag bibihis lang ako.” saad ko dahil naka bathrobe lang ako.
Nag go with the flow na lang ako. Ayuko namang masira ang effort ni Geoff at saka mapahiya sa mga staff na tumulong sa kanya.
Alay na alay naman ang dalawa sa akin papuntang pool. Pag ka alis ng blindfold ay nag umpisa naman tumugtog ang mga musician na nakita ko sa may lobby no’ng unang sampa namin dito.
Sunod-sunod ring nagsi-ilawan ang mga lightbulbs sa paligid na mukha naman hindi minadali.
“Ree…” he handed me a bouquet of flowers. Tinanggap ko lang naman ito.
“Pinitas mo ba ‘yong mga bulaklak sa palibot ng istuwa ng batang babae?” tanong ko saka bahagyang inamoy iyon.
“Ano ka ba, hindi ‘no. Binili ko ‘yan, sabi kasi ni Mr. Vanchevein may green house sila rito to plant some flowers para hindi malanta. May mga binebenta naman ‘yong mga bulaklak na may toxic chemicals to keep them fresh o hindi madaling malanta pero mas pinili ko ‘yong sa green house.” mahabang paliwanag nito.
“Para kang nag tatapon ng pera.” saad ko saka naunang naglakad papunta doon sa inihanda niyang table for us.
“Mga nag wawaldas rin naman talaga ang mga mayayamang tao na sumasakay dito.” aniya habang inalalayan akong maupo.
Inilapag rin niya muna sa tabi ng lamesa ang bouquet.
“Hindi naman ako pilay. Kulang na lang aakalaing kong isa kang upuan at may mga oras na nagiging tao ka.” saad ko rito habang naka nguson.
Natatawa naman itong umupo sa kabilang upuan. Sumenyas ito sa staff na nasa gilid naman para yata ihanda ang mga pagkain.
“I cooked them for you.” aniya.
Tumango lang naman ako at maya-maya pa ay dumating na ang pagkain. Hindi na ako nagulat dahil sa lahat ng date namin o kakain kami sa labas ay luto niya o request niya sa chef.
Wala na akong inaksaya ng oras at kumain na. Hindi naman talaga ako naka kain ng tanghalian at umagahan. Nasa café kami no’ng tanghali pero puro Plano lang naman iyon at puro kami.
“Let me.” presenta niya ng mapansin niyang hirap akong hiwain ang steaks. Paano ba naman buo ang inilagay na anlaki nito.
“Sure.” saad ko at hinayaan lang siya tutal siya naman ang nag handa nito eh.
YOU ARE READING
Farland's Sunken Heart (COMPLETED)
General FictionDisclaimer: The names, characters, places, and events portrayed in this story are entirely fictitious. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. All characters, events, and locations depicted in this...