DOREEN’S POV
8 pm kami nakauwi sa bahay at 11 pm na ngayon. Tulog na sila mommy samantalang rinig na rinig ko pa rin ang tawa ni Pio sa kwarto ni Thenia, at ako na halos buong hapon natulog ay hindi na makatulog. Paulit-ulit rin nag re-replay ’yong nangyari kanina.
“Bakit kasi ako nahimatay!” inis kung bulyaw sa sarili ko at nag pagulong-gulong sa kama ko.
Ni hindi ko nga man lang pala nakita ang mukha niya dahil sa mga mata niya nakatuon ang atensyon ko.
Hindi na ako natulog at hinintay na mag-umaga para ako na ang magluto ng breakfast. Hindi naman umaga ang alis namin dahil sa 4 pm pa naman iyon.
“Good morning everyone!” bati ko sa kanila bago ilapag ang omelette sa hapag.
“Looks who has a good sleep.” ani mommy habang umuupo.
Napakamot na lang ako at ngumiti lang sa kanya. Wala pa nga akong tulog eh.
“Daddy, coffee.” saad ko at ibinaba ang coffee sa harap niya. “No sugar but has a teaspoon of honey.”
“Thank you.” he said bago humigop. “Hmm, perfect.”
Napangiti naman ako. Umupo na rin ako sa kabilang upuan. Maya-maya ay dumating naman si Thenia na mukhang sabog na naupo sa tabi ko.
“Ganda ng tulog mo ah.” pang-aasar ko rito at mahinang tumawa bago kumagat ng tinapay.
“Ate naman eh.” aniya at dumuko sa lamesa.
“Told you, sa’kin ka na sana natulog.”saad ko dahil alam kung binangungot kagabi si Pio. Tuwing binabangungot pa naman ‘yon ay ang ingay, makulit at alam kung sa lapag niya pinatulog si Thenia.
“Where’s Pio?” tanong ni daddy.
“Binangungot ‘yon kagabi kaya panigurado 8 or 9 pa gising no’n.” sagot ni mommy.
“And I want to sleep.” ani Thenia habang naka duko parin sa lamesa.
Natawa na lang kami ni mommy sa inasta ni Thenia.
Thenia is my only sister and the youngest daughter. She’s only 16 and I can say na mas over protective sa kanya si daddy kesa sa akin dati na lagi akong binibilin kay Geoff.
“Nga pala, Carlos said pina blatter na ‘yong sasakyan na muntik na sa‘yong naka bangga. Buti na lang at nakita sa CCTV.” ani mommy.
“’E ‘yong taong nagligtas sa akin mommy, kilala n’yo po ba?” tanong ko. Napa angat naman si Thenia ng tingin sa akin habang naka ngiti.
“Hindi, bakit?” she asked. Umiling na lang ako.
After ng breakfast ay nakatulog rin naman kami ni Thenia at tanghali na ng magising. Sumunod lang kami kila mommy na nandoon sa isang restaurant to meet their client at doon rin raw kami mag l-lunch bago pumunta na ng port.
“Sila mommy talaga aalis na nga lang puro trabaho pa rin ang inaatupag.” ani Thenia.
Kakatapos lang namin kumain at ang akala namin na makakasabay namin sila mommy kumain ay isang malaking maling akala.
“Oo nga, napaka workaholic ng parents n’yo. Pero okay na rin ‘yon. Si mommy kasi kung hindi lang sinama ng boss niya sa Australia ay baka sumama pa papunta sa cruise.” saad naman ni Fifi habang umiinom ng juice.
“Gaga, edi at least mahal ka ng mommy mo.” ani naman ni Pio na sige pa rin sa kakakain ng pizza.
“Sinasabi mo bang hindi kami mahal nila mommy? Ikaw nga pinamigayang sa ka anak.” irap ko dito.
YOU ARE READING
Farland's Sunken Heart (COMPLETED)
General FictionDisclaimer: The names, characters, places, and events portrayed in this story are entirely fictitious. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. All characters, events, and locations depicted in this...