CHAPTER 7 : DINNER AND DELIGHT

0 0 0
                                    

DOREEN'S POV

"Hoy, bilisan n'yo nga!" pagpapamadali sa'min ni Pio na naunang maglakad kahit na naka heels pa s'ya.

Hindi ko alam kung saan 'to mag j-judge eh. Dinner pupuntahan namin hindi isang event. Kaming tatlo na lang rin ang naglalakad papunta doon dahil si Thenia kila mommy sumabay, na sana ginawa ko rin pero hinintay pa namin si Pio.

"Wow naman, nakakahiya sa'yo." sarkastiko kong sabat.

"Parang s'ya lang ang naka heels ah." reklamo rin ni Fifi na halos matapilok na sa kaka madali. Lucky for me dahil flat sandals ang suot ko.

"Heh! Andami n'yong angal." bulyaw nito sa'min kaya pinatikim ko siya ng batok.

Mga 10 minutes pa at nakarating na kami sa may dining area. Maraming tao dito dahil dinner time. Pero alam kong mas marami doon sa may buffet. Malaki rin naman ang dining area nila na halos hindi pa namin nakita agad sila mommy dahil nasa pinaka dulo sila. Pero maganda ang place dahil matatanaw mo ang mga bituin sa labas.

"Hi everyone! Sorry we're late." ani Pio saka sinadyang umupo malapit sa tabi ng kapitan.

Kita ko naman ang pag busangot ni Ala na katabi ang parents niya at sinadya yatang maglagay ng bakanteng upuan sa tabi niya. Hindi iyon para kay Geoff dahil naka upo na ito at matamis na naka ngiti sa akin.

Naupo na rin kami ni Fifi. Buti na lang at siya ang naupo sa tabi ni Geoff na bahagya ko pang ikatawa ang reaksyon nito.

"Not that so. Wala pa nga rin si Cyan. " ani Mr. Jackson. I prefer Mr. kesa Captain. Para kasing madaling madulas ang dila ko at ang matawag ko ay 'Captain Jack Sparrow'.

"Wow, ang ganda ng name." puri ni Pio. Napa iling na lang ako.

"Diyan ka talaga tumabi ah," naka busangot na saad ni Ala.

"Bleh! Chance ko na ito eh." aniya na ikina-tawa lang ni Mr. Jackson.

"Hi everyone! Sorry nahuli ako." saad nitong babaeng agad namang tumayo si Mr. Jackson at siya ang pinaupo sa upuan nito kanina. Para namang binagsakan ng langit ang mukha ni Pio. Tawang-tawa naman sa gilid si Ala dahil doon.

"Everyone, my wife, Jane." pakilala nito sa amin.

Maganda siya, mabuti at mukang modelo dahil pamilyar rin siya sa akin.

"Are you a model, Ms. Jane?" tanong ko.

"Yes...I am." naka ngiti niyang sagot na ikina 'oh' nila.

"Back-out ka na Piona." naka ngising turan ni Fifi.

Inirapan lang ito ni Pio saka napatingin kay Mr. Vanchevein.

"How about you Mr. Vanchevein? May anak ka ba?" tanong nito na dahilan upang mapatingin ako sa kanya na saktong nakatingin sa'kin. Umiwas naman siya at ibinaling ang atensyon kay Pio.

"Pio, I think that's not a good question for Mr. Vanchevein. Mr. Vanchevein, I'm sorry." pag hingi ng tawad ni daddy.

"Ay sorry Mr. Vanchevein. Pero siguro magaganda at gwapo rin iyon, halata naman po sa inyo eh." ani pa ni Pio.

"Hoy, Pionarra!" saway ni Fifi.

"No, it's okay. I don't have a child. She died when she was seven." mapait namang tumawa si Mr. Vanchevein. Hindi naman talaga magandang tanong 'yon sa taong nawalan ng pamilya at sa mapait pang paraan. I wonder if he already moved on.

"Uhm, let's eat? I'm starving." basag Mrs. Craven sa usapan.

Maraming masasarap na pagkain na nakahain at halos puro seafoods. Agaw pansin rin ang malalaking lobster saka king grab sa gitna ng lamesa.

Farland's Sunken Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now