CHAPTER 9 : CINDERELLA'S SHOES

0 0 0
                                    

DOREEN’S  POV

    Nagising ako dahil sa pag tunog ng phone ko. Kinapa-kapa ko naman ito sa side table saka tiningnan kung ano ‘yon.

   ‘Good morning, prachtige^^ <3’

   ‘At the café. 10 am.’

   ‘Sabi no’ng Science.’

  ‘Daanan kita mamaya.’

   Napa bangon ako at umiiling-iling sa message ni Geoff.

    ‘ ‘Magnificent’ ang meaning ng ‘prachtige’. Ayusin mo nga kung saan ka kukuha ng translator.’ reply ko rito saka bumangon na.

   It’s 8:45 am na rin naman. Naligo naman na ako para mag-ayos at pupuntahan ko sina Pio.

    Nag papatuyo ako ng buhok ko ng tumunog ang phone ko na walang humpay sa pag tunog.

    ‘Nasaan na kayo?’

    ‘Sinasabi ko sau @Thenia at hindi ka pa gising ihahagis kita sa dagat.’

     ‘Mga bruhilda GISING!’

     ‘@Fifi wag mo’ng susubukan na isama ang babaing pugita ay talagang papaliparin kita sa tubig!!”

     ‘May balak pa ba kayong sumipot sa usapan?’

     Mga messages ni Pio sa gc naming apat.

    Yeah, may usapan silang manonood ng sine pero ang alam ko pagkatapos mag dinner ay nag bar pa sila.

    Wala pa namang oras kaya bumalik ako doon sa pinuntahan ko kagabi. Siguro favorite part ko na ‘to ng barko dahil bukod sa walang tao rito ay tahimik at masarap naman pagmasdan ang trail of waves ng cruise.

    Bigla ko naman naalala ‘yong sa titanic where Jack and Rose stood up saka nakapikit na nilasap ang hangin. Sa harap ‘yon ng cruise eh pero nasa likod ako. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at ginawa rin iyon.

    I slowly spread my arms at nilasap ang hangin. Sana naman walang sumalpok na seagull sa mukha ko ‘no. Iniisip ko tuloy na ako si Rose at kulang na lang si Jack.

     Mga ilang minuto ay bumaba na ako pero namali ako ng apak at nahulog.

   “Ahh!” napa pikit na lang ako ng mariin dahil sa katangahan ko, ngunit ilang segundo na ay hindi pa naman ako nahuhulig sa tubig. Hindi naman 10th floor ‘tong cruise.

    “Hold on!” napa mulat ako dahil sa boses na iyon.

    “Can you help yourself too? You know I can’t pull you up by myself.” bakas sa boses nito ang inis.

    Gamit ang kaliwang kamay ay humawak rin ako sa mga kamay niya at sinubukan ding tulungan ang sarili ko. Ingat na ingat akong huwag gumawa ng isa pang katangahan dahil pag nangyari iyon ay hindi lang ako ang mahuhulog kundi siya dahil halos naka tingkayad itong hinihila ako.

    Mag liligtas na lang huli pa.

    Naka alis naman kami sa sitwasyong iyon. Halos mapaluhod ako dahil sa panlalambot ng mga tuhod ko.

    “Ang sandals ko.” saad ko at pilit na tumayo at lumapit sa railings upang tanawin iyon ng hilahin niya ako papalapit sa kanya. Dahil sa lakas ng paghila niya at mangangantog ng tuhod ko ay napasandal ako sa may dibdib niya.

   Napatingin naman ako sa kanya kung saan napako ako sa mga mata niyang nagliliwanag dahil sa repleksyon ng araw. Gusto ko tuloy dukutin ang mga mata n’ya.

   The more I stare at those ocean eyes, the more I fall.

   “Tsk, idiot. I didn’t save you just to kill yourself again.” saad nito at biglang umalis kaya natumba ako.

Farland's Sunken Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now