CHAPTER 19 : PAG MAY ALAK, MAY BALAK

0 0 0
                                    


DOREEN’S  POV

   Bumalik akong cabin pagkatapos no’n. Hindi na muna ako lumabas pagkatapos no’n dahil sa takot. Pero alam ko namang hindi ako nakilala no’n. Akala ko ay Mr. Vanchevein iyon ngunit hindi. Mainit pa ang inihanda niyang tea kanina kaya malayong siya iyon at naririnig ko pa ang yabag ng mga paa nito no’n bago ko makasalubong si Mr. Vanchevein, kaya impossible. At kung s’ya man, he could have killed me no’ng kaming dalawa lang sa office n’ya.

   May narinig akong katok sa pintuan kaya bumangon ako at pinuntahan iyon. Pagka bukas ko ng pinto ay si Geoff ang bumungad sa akin.

    “Bakit?” taas kilay kong tanong. Nag palinga-linga pa ako sa likuran niya baka kasi may ibang tao siyang kasama ngunit wala.

    “Expecting someone?” tanong niya.

    “Wala naman.” sagot ko at nag pa iling-iling. “So ano ba ang kailangan mo?”

    “Sungit naman nito. Kinakamusta ka lang naman. I haven’t seen you the whole day kaya pinuntahan na lang kita.” malambing nitong saad.

    “Hmm, bored ka lang eh.” saad ko at pumasok. Sumunod naman siya at siya na ang nag sarado ng pinto.

    “Ganiyan ba ang tingin mo sa akin? Or is this about yesterday ng pinahiya ko si Cyan?” preskong tanong nito at nahiga sa kama ko.

   Tinaasan ko lang siya ng kilay.

   “Sabi ko na nga ba sinadya mo ’yon ’e!”

   Inis ko siyang tinalikuran at inayos ang kurtina ng bintana. Hinawi ko lang ito pagilid. Tanaw mula rito ang buwan at ang kakaunting ulap sa di kalayuan.

    “May gusto ka ba sa kanya?”

     Hinarap ko siya na ngayon ay nasa tabi ko na at kunot noong nakatingin sa akin. Pinamewangan ko naman siya bago sagutin.

    “Eh kung meron, ano’ng magagawa mo?” taas kilay kong tanong.

    Umiwas naman siya ng tingin. “Edi wow.” masingit nitong saad na ikinatawa ko pa ng bahagya.

    “I think it’s my choice naman diba? May karapatan naman ako? Matagal naman na tayong wala—”

    “Ikaw lang naman ang nag desisyon no’n.” mahinang bulong nito na hindi nakatakas sa pandinig ko.

    “An—”

    “Alis na ako. May kikitain nga pala ako eh. Nakasalubong ko si Pio kanina, mag b-bar pala kayo. Sunod na lang ako mamaya.” paalam nito at walang ano-ano’y lumabas ng cabin.

    “Anyare doon?” tanong ko sa sarili ko.

    Hindi ko na lamang iyon pinansin saka pumasok ng cr para maligo. Mag b-bar nga pala kami. Sana naman maging okay lahat ngayon.

   Nag ayos lang ako ng kaunti para doon. Sakali mang malasing ay hindi naman masyadong haggard.

    “Cheers!”

    “Cheers, cheers!”

    “Huli ka nanaman, bruha ka.” saway sa akin ni Pio.

    “Marami na ’yang nainom oh.” natatawang ani Fifi na sumasayaw pa habang naka-upo.

     “Oy, hindi pa ah.” mariin kong tanggi. “May iniisip lang ako eh.”

     “Obsses kay Cyan ’yan?”

     “Ang galing. Ito nga pulutan namin oh onion rings tapos sa’yo sosyal, si Cyan.”

     “Ewan ko sa inyo. Hindi naman siya ’yon eh.”

Farland's Sunken Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now