CHAPTER 13: NO COMMENT

0 0 0
                                    

DOREEN’S  POV

   Huli ako ng nagising kung hindi pa dahil sa room service na 9 am hindi pa ako magigising.

   Pumunta muna akong gift shop para kunin ’yong pinapakuha ni Cyan. Swerte ko pa at may nakasalubong akong cabin steward na pabalik na may dalang breakfast kaya naka kuha pa ako ng waffles.

   “Hmmh! Shan-dali!” habol kong sigaw sa elevator na papasara na. Hindi ko alam kong narinig ba nila ’yon dahil sa may waffles sa bibig ko at hawak ko pa ang dalawang paper bags.

   Nabuhayan ako ng may isa pang sumakay. It was Cyan. Mas binilisan ko ang pagtakbo para mahabol ’yon. At no’ng malapit na sana ako ay hindi man lang pinigilan ni Cyan na sumara ang pinto ng elevator.

   Malakas kong hinampas ang pinto ng elevator na animo’y pinto ng bahay na pag kinatok ay bubukas.

   Problema no’n? Bakit ’di niya ako sinabay? Dahil ba sa kagabi?

    “Kasalanan ko pa ba ’yon?” tanong na bulong ko sa sarili. Umiiling-iling na lang ako saka naghintay ng susunod na elevator.

   After 5 minutes naman ay nakasakay na ako at naka punta sa may itaas na pool. Nadatnan ko silang busy sa pag-aayos dahil sa andoon na ang ibang pang dekorasyon.

   “Ree…” hindi ko pinansin si Geoff at deretsong pumunta sa gawi nila Cyan.

   Inilapag ko sa table ang mga dala ko at hinarap siya na sakto namang inabutan niya ako ng kape na mukang ito ’yong dala niya kanina, at bago pa man ako makapagsalita ay tinalikuran na niya ako.

    “Pinasan niya ba ang kama niya kagabi?” wala sa sarili kong tanong habang tinitingnan siyang lumapit doon sa isang lalaking staff na kinukuha ang ibang gamit sa isang box.

    “Baka lang po doon sa ex n’ya.” napalingon nanaman ako dito sa babae na inaayos ang dala ko kanina.

   “Sorry po.” paghingi nito ng tawad nang may marealize na something.

    Lumapit ako sa kanya sa kabilang table habang hawak pa rin ’yong kape na binigay ni Cyan.

   “Tell me, what do you know about them?” tanong ko habang humihigop ng kape.

   “Eh…? Ma’am kasi…” pag-aalinlangan nito.

   Umupo na lamang ako sa upuan saka humiga sa mga braso kong naka patong sa lamesa habang nakatingin sa kanya.

    “Na umpisahan mo na eh, kaya tapusin mo na…” napatingin ako sa name tag niya. “Please, Giselle…”

    “Eh kasi po ma’am…hindi naman sa hindi ko po kayo pinagkakatiwalaan pero po…kasi po hindi ko naman pwedeng basta na lang sabihin sa inyo ’yong alam ko na may pagka baliw po ’yong ex nobya ni sir Cyan. Hindi naman naging sila pero pinipilit no’ng babae. Parang kasi ’yong arrange-arrange na something na ewan ko po sa mga mayayaman na ’yan. Actress si ma’am Ezrie saka model sa ibang bansa kaso nga lang po itong si sir Cyan eh may bali-balitang…bakla raw po. Wala kasi s’yang pinatulan noon pa tapos epal lang po si ma’am Ezrie. Pero kahit lasingera naman po ay maganda pa rin naman, kahit na pinag kakaguluhan siya sa bar at kagabi muntik gumawa ng eksina para kay sir Cyan. Ah! Basta po ma’am wala akong masasabi sa inyo na kahit ano. Pasensya po, ayuko po mawalan ng trabaho.” walang preno nitong sabi na aligaga sa pag-aayos ng mga gamit.

    Tumango na lang ako sa umayos ng upo. “Ayos lang ’yon, naiintindihan ko. Hindi naman kasi tayo close para mag sabi ka ng kung ano tungkol kay Cyan.” natatawa at umiiling kong saad.

    “Nga pala, paano mo nalaman ang mga ’yan?” habol kong tanong.

    “Apat na taon na po akong nag tatrabaho rito at simula no’ng pumasok ako ay kapitan na ng barko ang papa ni sir Cyan.” sagot nito na ikinatango ko ulit.

Farland's Sunken Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now